Napaluhod si Ezrah habang nakatitig sa Ama. Masaganang bumulwak ang luha mula sa kanyang mga mata. He clutched his chest, it felt like something warm had enveloped his heart. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaginhawaan. And seeing the divine light from the Father brought him peace. How was it that he was still able to see? Dapat ay nabulag na siya sa liwanag nito. Dapat ay naabo na siya kagaya ni Lilith.
“Ama…” basag ang boses niyang sambit, nakatingala rito.
Si Yaqriel ay ang Ama.
“You have restored your faith, my child.”
“H-hindi ko naiintindihan…”
“Kusang nagbalik-loob ang puso mo. Kahit na hindi mo sambitin, nararamdaman ko.”
“Pero ang mga katulad namin ay walang kaligtasan. Ang kasalanan namin ay walang kapatawaran. Inabandona ka namin, Ama.”
“But I have never abandoned my children. Nakatanghod lang ako, nakabantay. Naghihintay na muling mabuhay ang pag-asa, pananalig, at pag-ibig sa puso n’yo.”
“Ang sabi ng Supremo ay—”
“Have you ever heard of the footprints in the sand, my child? Kung inaakala mong tinalikuran ko kayo dahil iisang pares lang ng mga yapak ang nakikita ninyo ay nagkakamali kayo. I see everything, Ezrah. I am everywhere.”
Hindi siya nakaimik. Ang init sa kanyang dibdib ay nagdadala ng panibagong enerhiya sa kanyang kabuuan. Pero naghahatid din ng mga emosyong mahirap pakibagayan. Emotions that had left him a long time ago. Mga emosyong buong akala niya ay wala na siyang kakayahang maramdaman. Lahat ng iyon ay bumalik lahat.
Tumitig siya sa Ama. Bumalik sa alaala niya ang lahat ng mga pagkakataong naroroon ang Ama bilang si Yaqriel.
The Father saved Scylla. He bled for her. Ito ang sumalo sa pinsalang dapat ay kay Scylla. Ang mga panahong sandali niyang nakalimutan kung sino ang dalaga.
Then He was there when the angels came down to destroy them. At the parking lot. Ang sabi nito ay binigyang kalayaan hindi lang ang mga tao kundi maging sila na magdesisyon para sa mga sarili nila at hindi nakabase sa sagradong libro ng langit.
I trust the Father, brother. Free will isn’t given to man alone. We, too, received the gift. Do not be deceived, my beloved brothers. In the holy book, it was clear that the Father doesn’t want for any to perish but that all should reach repentance…
The Father did not want to destroy them but wanted them to repent.
Ito rin ang nagbigay ng snowdrop sa kanya. Proteksyon. Palagi itong naroroon. In his darkest and lowest, there was not a single footprint of the Father because He was carrying him during those difficult times. Kahit na masama siya at pumanig siya sa Supremo.
Ezrah broke down, crying. His heart was breaking into pieces. Nagsisisi siya sa mga nagawa niya. Hiyang-hiya siya. He tortured souls and he was fine with it because deep inside him, he wanted to take out his pain on those poor souls. Pero ang Ama ay hindi nanakit sa kabila ng mga nagawa nila.
Kung may mga pagkakataon mang wala ito iyon ay dahil kailangang sila man ay may maigting na kagustuhang maiayos at mailigtas ang mga sarili nila. Minsan ay kailangan nilang matuto sa nagawang mali dahil ang mga kamaliang iyon ang huhubog sa kanila.
“Ang nakasulat sa itim na libro…” Nagbuga siya ng hangin. “Nakasulat na sa itim na libro at maging sa libro ng langit ang—”
Itinaas ng Ama ang isang kamay at may pahinang nagsayaw sa ibabaw ng palad nito. Pagkatapos ay kusa iyong napunit.
“Kayo ang magdedesisyon kung ano ang mangyayari sa buhay ninyo… Hindi ba at maigting ang iyong pagsalungat sa isinulat na kapalaran ninyo ni Scylla?”
“Ibig sabihin nito ay…”
Tumango ang Ama, ipinapahiwatig na tama ang iniisip niya. Pagkatapos ay tumalikod na ito.
“Sandali lang, Ama! Ano na ang mangyayari sa amin ni Scylla?”
Hindi lumingon ang Ama pero kusang naglaho ang marka niya sa palapulsuhan ng dalaga. Maging si Scylla ay napasinghap at hindi makapagsalita dahil sa mga nangyayari.
“The bond is gone.”
Ibig sabihin ay hindi na nakasalalay sa kanya ang buhay ni Scylla. Nasa kanila na ngayon ang pagpapasya. “Gusto naming mabuhay nang normal, Ama.”
“Pakinggan mo ang puso ninyo, Ezrah. Walang diyablo o anak ng dilim ang may pusong pumipintig,” sambit nito sa malumanay na tinig. Then He was gone. The Father vanished. But like what He said, nasa paligid lang ito. He’s everywhere.
Mabilis niyang nilapitan si Scylla at nagyakap sila nang mahigpit. Nagsalo sila sa isang mainit na halik habang mariing nakapikit. At nang magmulat sila ng mga mata ay nasa mundo na sila ng mga tao.
They were in the middle of a peaceful meadow. Nagsasayaw ang mga paru-paro sa hangin. Maliwanag ang sikat ng araw sa kalangitan. As if the sun was smiling down at them.
“Scylla…” Maingat niyang sinuri ang kabuuan ng dalaga. Wala na ang sugat sa dibdib nito. Wala na rin ang mga galos at sugat nila. They were clean and they felt no pain.
“Tao na ba tayo, Ezrah?” tanong ni Scylla.
Ipinikit niya ang mga mata. Pagkatapos ay inabot niya ang kamay nito at ipinatong sa tapat ng dibdib niya. Ganoon din ang ginawa niya rito. He placed his hand on her chest where her heart was beating.
“Tumitibok ang puso natin, Scylla, at walang diyablo o anak ng dilim ang may pusong pumipintig,” ulit niya sa sinabi ng Ama.
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Romantizm**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...