Chapter 8

10.1K 677 814
                                    

The days went by quickly like sands through an hourglass. Parang kailan lang ay naatasan si Ezrah na patayin ang sanggol na maaaring lumupig sa isa sa mga diyablong may mataas na katungkulan sa impyerno. Ngayon ay nasa mga bisig na niya ang sanggol na iyon, at isa na itong ganap na dalaga. He was her first and nothing or no one would ever come close to that. Hindi siya papayag. Mawawasak ang sinumang magtatangka. Kanya lang si Scylla Angelica, at walang ibang puwedeng humawak dito. Sa ibang pagkakataon ay hindi niya magugustuhan ang pangalan nitong Angelica. The name belonged to the opposing force. Pero dahil si Scylla iyon, ayos na rin sa kanya. In fact, he was beginning to like it. It felt like having his own version of angel in hell.

Pinakatitigan niya ito sa ibabaw niya. She was slamming herself up and down on his c*ck, as if she could not get enough of him. Ah, his little wild cat. The woman did not need much tutelage, isang araw lang sa lawa at naangkin na niya ito nang buong-buo. A sly grin crossed his devious but handsome face, as he pulled her little body to him and wrapped his strong arms around her waist, he then thrust up with the power that drove his lover crazy.

Ang bawat pag-ulos niya pataas ay mahahabang ungol ang katumbas mula sa kaniig. Gusto niya si Scylla, napakadali nitong turuan. His time on Earth would be so much fun with her by his side. Hanggang nasa lupa siya ay hinding-hindi niya hahayaang makalayo ang dalaga. He would use shackles if he needed to, pero hindi naman na kailangan iyon. Scylla was willing. Tila ini-alay na nito nang tuluyan ang sarili sa kanya.

"Ezrah!" hiyaw ni Scylla, na sinundan ng malalim na ungol. Tumaas-baba ang dibdib nito. And hell, her breasts were a sight to behold.

"Release all of it, Darling," aniya, nakapagkit ang pilyong ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang nakapikit na dalaga na patuloy sa mabilis na paggalaw sa ibabaw niya.

Halos isigaw nito ang pangalan niya kasabay nang pag-abot nito sa rurok. Ibinagsak nito ang pagal na katawan sa kama, katabi niya, at iniyapos ang isang braso sa kanyang dibdib.

"Did you like being in control, Darling?" pabulong niyang tanong dito.

The woman just half-opened her eyes and smiled a little. Namimigat ang talukap nito sa ibayong pagod. "Yes."

Maya-maya ay bumangon ito at naupo sa gilid ng kama. Dumako ang mga mata niya sa kurba ng katawan nito. "Pulchra," sambit niya.

Lumingon ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Beautiful. That's what I said."

Umiling ito at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Bumangon din siya, hindi alintana ang kahubdan at niyakap sa baywang ang dalaga.

"Baka hinahanap na ako nina Emong at Biboy. Maaga pa man din ang lakad namin bukas." Inabot nito ang batok niya at malambing na pinisil-pisil.

He groaned. Her touch felt so f*cking good. Ganoon palang, pero napag-iinit na nito ang katawan niya. Scylla was the fuel that kept his evil fire burning. "I will provide for you. Iwan mo na ang mga taong iyan." May pang-aangkin sa tono ng boses niya. He didn't want to share Scylla, not even to her so-called family. Hindi niya totoong pamilya ang mga iyon. At kahit totoo man, ay wala pa rin siyang pakialam. He only cared about himself. Ang pansariling interes lang niya ang importante sa kanya. He didn't care about everything else.

"Alam mo namang hindi puwedeng umasa na lang ako sa iyo. H-hindi ka tao. Wala kang normal na trabaho. Palipat-lipat tayo ng hotel. Ni hindi ko alam kung saan mo kinukuha ang—"

He spun her around, so she could meet his deep and penetrating gaze. "Did you forget who I am? Your lover is a powerful, covetous devil." He scoffed, deeply annoyed. "Iyan lang ba ang inaalala mo? Bakit hindi mo sinabi agad? Magbihis ka, may pupuntahan tayo."

"S-saan?"

"No more questions, Darling. Start moving. Go now before I change my mind and thrust my c*ck again inside your tight p*ssy."



NAKAKASILAW ang disco lights sa loob ng mataong bar na pinagdalhan sa kanya ni Ezrah. Siksikan ang mga tao sa loob niyon. Umiikot ang paningin ni Scylla at hindi niya mapigilan ang sariling umindayog sa maharot na tugtugin. Lumingap siya sa paligid upang hanapin si Ezrah. Nasa mezzanine ang lalaki, nakatanghod sa kanya. Nakatukod ang isang kamay nito sa railing at ang isa naman ay hawak ang baso ng alak. May kausap itong lalaki, pero sa kanya ito nakatitig, sinusubaybayan ang bawat galaw niya.

Kumaway siya sa lalaki. 

He winked at her.

Patuloy siyang sumayaw. Dumaan ang waiter at inabutan siya ng alak. Panlimang baso na niya iyon at umiikot na ang paningin niya. Umiinom naman siya, pero hindi siya matibay kagaya ng mga kagrupo niya. Palagi nga siyang tinutuksong mahina daw ang kanyang sikmura.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at itinaas sa hangin ang dalawang kamay. Pakiramdam niya ay napakagaan ng katawan niya. Halos magkandabuhul-buhol na ang mga paa niya sa kaiikot at bumabaligtad na ang kanyang sikmura. Pero masaya siya. Sa pinakaunang pagkakataon sa buong buhay niya, tila siya nakalaya sa hawla. Pakiramdam niya ay nakahanap siya ng pader na masasandalan.

Nag-angat siya ng mukha at tumanaw sa mezzanine. Wala na roon si Ezrah. Mabilis ang pagkabog ng dibdib niya kaya nabitiwan niya ang baso ng alak, pero mas mabilis si Ezrah dahil nasa harapan na niya kaagad ito at walang hirap nitong nasalo ang baso. Inilapag nito iyon sa tray ng dumaang waiter, saka siya hinila palapit dito.

He chuckled softly and tucked some wayward strands of hair behind her ears. "You are f*cking drunk," bulong nito sa tainga niya.

"Sino ang lasing, ha? Ako? Ikaw yata ang lasing, eh!" Hinila niya ang kuwelyo ng polo shirt nito at siya na ang naunang humalik sa lalaki. Hindi naman siya nito binigo. He pulled her up, at awtomatiko namang pinaikot niya ang mga paa sa baywang nito. They kissed and made out. Siya ang unang pumutol sa halik dahil hinihingal na siya. Siya rin ang nagsabi ritong ibaba na siya.

There was a naughty smile on Ezrah's face when she looked at him.

"When you kiss a devil, make sure you can kiss for hours," anito.

Tinampal niya sa balikat ang lalaki para pagkatakpan ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Hindi ito nagsisinungaling. Kaya nitong halikan siya nang matagal. "Madaya ka."

Ngumisi lang ito at pinisil ang baba niya. "I have something to tell you," anito kapagkuwan.

"Ano iyon?"

"Ang sabi mo kanina wala akong trabaho at palipat-lipat tayo ng hotel."

"P-pasensya ka na. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga iyon. Alam ko namang..."

"Shhh. It's okay. Iyong kausap ko kanina sa itaas, iyon ang may-ari ng bar na ito. And guess what? He sold this bar to me. Akin na ang bar na ito mula ngayon. Also, I asked him to get us a penthouse with a luxury private pool. I know you would want to try it in the pool. It's going to be so much fun. What do you think?"

Natigagal siya. Alam niyang makapangyarihan si Ezrah at marami itong kayang gawin pero nalulula pa rin siya sa mga pinagagawa nito para sa kanya. "H-hindi mo naman kailangang..."

"I want you all to myself, Scylla. Naiinis akong may kahati pa ako sa oras mo. If you haven't begged me to leave your friends alone, I would have slit their throats already. Seloso ako, at ang akin ay akin lang. Mabilis akong mainis sa mga bagay na gusto ko at nahahawakan ng iba. Nasabi ko na sa iyo, di ba? My throne in hell is Envy."

The Devil's Mark - ENVY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon