Nagtatagis ang bagang ni Ezrah habang naririnig ang mga hiyaw ni Scylla. Kuyom na kuyom ang mga kamay niya, matalim na nakatitig sa unang bilog ng Infernus Cavea kung saan nakatali sa isang upuan si Scylla. The cage was like the devil’s trap, only bigger and with seven sides. At sa kada dulo niyon ay isang bilog—ang selyo. Sa sentro ay ang piitan ng Supremo.
Iba-iba ang paraan para mawasak ang mga selyo. The daughter of the queen of all demons will break the first seal.
“Tama na, Lilith!” sigaw niya. Paulit-ulit siyang nagmura. He called for help but no one came. Ano ba ang inaasahan niya mula sa ibang diyablo? They enjoyed his suffering. Sa isang mataas na bahagi ng impyerno ay nakatayo si Gavriil at nakatanghod lang sa kanila, walang ekspresyon sa mukha.
“Walang tutulong sa inyo, Ezrah. The archdevils are selfish bastards.”
Tumingala siya kay Gavriil. Ayaw nitong makawala ang Supremo sa pagkakakulong. Kaya umaasa siyang tutulungan sila nito para hindi magtagumpay si Lilith sa layunin nitong sirain ang selyo.
“Gavriil,” sambit niya sa pangalan nito.
Umiling lang si Gavriil at tumalikod na.
He clenched his fists.
“Hindi naman makakapasok ang mga anghel dito sa impyerno, Ezrah, kaya huwag mo nang hangaring may anghel na magpapakita para iligtas kayo. No angel is allowed to enter the pits of hell. Only the corrupted souls, and the children of darkness can walk the land of the sinners.”
Alam naman niya iyon pero ayaw niyang bitiwan ang kaunting pag-asang nasa kaibuturan ng dibdib niya. He knew someone was out there to save them.
“Ang problemahin mo ay ang minamahal mong si Scylla. Hahayaan mo na lang bang maghirap siya nang ganito?” Kumuyom ang mga kamay nito sa buhok ni Scylla at hinila iyon palikod. May dugo sa gilid ng labi ng dalaga at hilam sa luha ang mukha pero matapang pa rin ang kislap sa mga mata nito.
Before her birth as Scylla, she was Sammaella first. And her soul won’t break easily… but her body will.
“Huwag na huwag kang bibigay, Ezrah. Tibayan mo ang loob mo,” anas ni Scylla.
“Kill her, Ezrah. Kill her. Tapusin mo na ang paghihirap niya,” ani Lilith.
Nanlalambot na siya. He was almost at the point of breaking. His heart was breaking. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kakayaning makitang nahihirapan ang babaeng minamahal niya.
Kung puwede lang sanang siya na ang tumapos sa sarili niyang buhay. But no archdevil could end his own existence. They couldn’t bring death upon themselves.
“Matigas din talaga kayong dalawa, ha. Sige, tignan natin!” Kinuha ni Lilith ang punyal at iniunday sa dibdib ni Scylla. The woman screamed in pain, blood dripping down her chest.
Nasapo ni Ezrah ang sariling dibdib. He felt it too. He felt her pain. And to say that it was painful would be an understatement. Lilith just sliced through her heart.
“Scylla!”
Scylla choked in her own blood, but death would not collect her. Patuloy lang itong mahihirapan.
Kahit na halos hindi na ito makapagsalita ay ipinaparating pa rin ng mga titig nito sa kanya na huwag nitong gagawin ang gusto ni Lilith. Alam nitong kahit na wakasan pa niya ang buhay nito ay hindi pa rin siya pakakawalan ni Lilith.
Huminga siya nang malalim. Wala na siyang pakialam pa. Kung mamamatay siya ngayon ay tatanggapin niya. Mamamatay silang magkasama ni Scylla. Wala na siyang pakialam sa selyo. Hindi na niya kayang panoorin lang si Scylla.
He gathered all his strengths. Ibinuhos niya ang lahat ng natitirang lakas para makawala sa pagkakagapos. Nanginginig ang mga tuhod niya nang tangkahin niyang tumayo. Bumagsak siya at sumubsob. Muli siyang tumayo at muli na namang bumagsak.
Pinalabo na ng luha ang kanyang mga mata. He didn’t know when he began crying, pero ang alam niya ay pareho silang humahagulgol ni Scylla.
“N-no, Ezrah, please,” mahina nitong sambit, nanginginig ang boses, sa pagitan ng pag-ubo ng dugo.
Gumapang siya patungong bilog at yumapos sa mga binti ni Scylla. Pinilit niya ang sariling tumayo saka maingat na niyakap ang dalaga. His hands trembled upon feeling her cold skin against his own.
Nakataas lang ang kilay ni Lilith habang pinapanood sila.
“Ezrah…” tingala nito sa kanya.
“I’m sorry, I can’t see you suffer anymore.” Umigting ang mga panga niya sa pagpipigil ng emosyong humahagupit sa kanyang kabuuan.
“P-papatayin ka rin—”
“I know, I know. Sasamahan kita sa kabilang buhay…”
“Meron bang kabilang buhay para sa mga tulad natin?”
“Kahit wala, gagawa pa rin ako ng para sa ating dalawa. Doon hahawakan ko ang kamay mo at hinding-hindi kita bibitiwan.”
Mapait na ngumiti si Scylla. She looked up at him, may lambong sa mga mata nito. Pagkatapos ay gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi nito kasunod ng isang tipid na pagtango. Pahiwatig na sumusuko na rin ito.
Humawak ito sa punyal. Ipinatong niya rin ang mga kamay sa ibabaw ng mga kamay nito. Ipinikit nito ang mga mata at ganoon din ang ginawa niya. He bent down and kissed her fully on the mouth. The kiss was warm and pure. Then he shoved the knife to his chest.
Napamulat si Scylla, nanlalaki ang mga mata nito. Hawak din nito ang punyal. Kung tutuusin ay ito talaga ang may hawak sa punyal dahil nakapatong lang ang kamay niya sa kamay nito.
“Ezrah!” tangis ng dalaga.
“Hindi!” sigaw ni Lilith.
Natumba siya nang may malungkot na ngiti sa labi. Wala nang magagawa si Lilith. Siya lang ang puwedeng tumapos sa buhay ni Scylla. Kung wala siya ay wala na ring silbi ang ginagawa nito.
He closed his eyes and waited for that moment when his body would become one with the cold and cruel wind of hell.
Suddenly, a blinding light exploded and an angel appeared before them.
Yaqriel…
“Paano ka nakapasok dito? Wala pang anghel ang nakapasok sa impyerno! Kahit ang mga arkanghel!” atungal ni Lilith.
“I am more than what you see, Lilith,” sambit ni Yaqriel.
“Hindi ka anghel!” sigaw nito, galit na galit, sumugod ito kay Yaqriel pero muli silang binalot ng nakabubulag na liwanag at naabo ito.
Nang mawala ang liwanag, ang malinaw na lang nilang nakikita ay ang puting damit ni Yaqriel. He was glowing and they couldn’t see His face.
“Ama…” tanging nausal ni Ezrah.
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Romance**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...