Dahil matagal akong hindi nakapag-ud, dinalawa ko na agad ang update hehe. Enjoy reading mga bhe.❤💕
_____________________“Natakot ka ba nang makita mo akong nakahandusay sa sahig?” nakangiting tanong ni Scylla kay Ezrah. Sa likod ng ngiti nitong iyon ay nakikita niya ang takot nito. Nasa penthouse na sila at nasa gilid ng infinity pool.
Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at pinakatitigan ito sa mga mata. He couldn’t even afford to smile at her now. His eyes showed her how he felt that night--ang takot niya, ang pangamba, ang pakiramdam na tila sasabog ang dibdib niya. Dahan-dahang nabura ang ngiti sa mga labi nito. Her underlip began to quiver so he pulled her closer and kissed her passionately. The kiss said it all. He needed her. Only her.
“Ezrah,” sambit nito sa pangalan niya matapos ang mainit na halik habang magkadikit ang kanilang mga noo.
He closed his eyes, as if he was in pain. “You’ll never know how scared I was, Scylla.” Inabot niya ang kamay nito at inihimlay sa dibdib niya.
Nanlaki ang mga mata nito. “T-tumitibok ang puso mo!”
Ngumiti siya rito, ngiting puno ng lungkot. “I won’t be the first devil to fall in love with a mortal and you won’t be the first person to fall in love with the devil.”
“A-ano ang—”
Niyakap niya si Scylla, mahigpit. “I didn’t know that it would also happen to me, pero nagsimula nang tumibok ang puso ko. I am becoming vulnerable, Scylla. And even if I didn’t want this, I just couldn’t force myself to walk away and leave you behind. Nang makita kong wala ka nang buhay, I feel like I was ready to beg…”
“K-kanino?”
He let out a humorless chuckle. “God.”
Napasinghap ang dalaga.
“That or I’ll destroy His paradise,” madiin niyang sabi.
Tipid na ngumiti si Scylla. “Imposible iyang iniisip mo, Ezrah.”
“I’ll die trying, Darling.” Kung siya ang diablong sinasabi sa itim na libro at si Scylla ang magpapabagsak sa kanya ay malugod niyang tatanggapin. Akala niya ay imposible nang makaramdam siya ng pagmamahal magmula noong ipatapon sila sa impyerno. Pero nararamdaman niya ang damdaming iyon ngayon. The feeling was real... and was so strong.
She was just a task that he failed to do. Years later, their paths crossed again. Sa ospital. And before he could go running back to hell, his heart had already began beating—umibig na siya sa dalaga.
Kung naririnig lang siya ngayon ni Lucas ay pagtatawanan siya nito. Umakyat siya sa lupa para lang tuyain ito. But he ended up like him.
Muli niyang naalala ang nakita sa hinaharap. Scylla wanted to kill him!
“Natatakot ako, Ezrah…”
“Nandito lang ako. Hindi kita iiwan.” Even if you kill me, dugtong ng isipan niya.
SUMUBSOB si Gavriil sa lawa ng mga makasalanang kaluluwa nang itulak ito ni Ezrah.
Inayos ni Gavriil ang tumabinging panga at malakas na tumawa. “Ah! I missed this!”
Tumayo ito at kampanteng lumapit sa kanya. The man wore a black cloak. Pinaurong nito ang alagang si Vatar, his mutated bat. Bukod sa mga paa ay may buntot din iyon ng isda. Ibig sabihin ay kaya nitong pumatay ng kahit anong lumilipad, naglalakad, o lumalangoy.
And Vatar enjoyed it. The bat was as greedy as Gavriil.
Nasapo niya ang braso. The bat left a nasty wound on his right arm! Hinubad niya ang nagkapunit-punit nang balabal. And sweat just rolled down his chiseled abdomen.
“You’re still fit, good. Thanks to the never ending sex with your mortal lovey-dovey?”
“F*ck you.” Napaigik siya at muling nasapo ang sugat. Pero hindi niya masyadong iniisip iyon. Maya-maya lang ay kusang maghihilom ang sugat niya.
“Bumabagal na ang paghilom mo, Ezrah,” puna ni Gavriil, may panunuya sa boses. “I wonder how you would look like in your devil form.” Ngumisi ito. “Pakita mo nga sa akin.”
He scoffed.
“Oh, come on! Killjoy!” kunwa’y reklamo nito. “Fine, sabihin mo na lang kung ano ang ginagawa mo rito? Nabalitaan mo bang inutusan ko ang mga demonyong patawan ng dobleng pahirap ang mga kaluluwang nasa teritoryo mo?” Pinagkrus nito ang mga kamay sa tapat ng dibdib.
“Wala akong pakialam sa mga pinaggagawa mo rito! Bumaba lang ako para sabihing kapag tinangka mo uling patayin si Scylla, sisiguruhin kong buburahin din kita rito sa impyerno!” Habang nasa baba siya ay nag-iwan siya ng amulet kay Scylla para maprotektahan ito laban sa mga demonyo. He got it from Astrid in exchange for a vial of blood. His blood.
“Wait, what?” Tumawa ito. “Someone tried to kill your weakie-doll? How lovely!” Umakyat ito sa trono nito at naupo. Sinenyasan nitong lumapit si Vatar at pumuwesto sa kanan nito. “But I hate to break it to you, brother…” He rolled his eyes upwards and murmured, “I didn’t know I would ever say this but I am innocent.”
Nag-igting ang mga panga niya. Tumitig siya sa mga mata nito. “H-hindi ikaw ang—”
“Nope! But I would love to. Sinabihan na kitang tapusin mo ang misyon. Isa sa atin ang pababagsakin niya. But I think 99.9% it would be you.”
Nanghina siya. Buong akala niya ay si Gavriil ang may kagagawan kung bakit bigla na lang nawalan ng malay si Scylla, the death sleep.
Mga diablo lang ang puwedeng gumawa n’un. Kung hindi si Gavriil, sino? Sino sa limang diablo?
Sinutsutan siya ni Gavriil. “Remember the five little monkeys? We heard it when we used to visit the land of the weak. I can still remember it…” He grinned wider. “Teasing Mr. Crocodile, you can’t catch me!”
Nagdilim ang mukha niya.
“I mean not me, ‘me.’ But me, whoever that is who craves to kill your little darling.”
Madilim pa rin ang mukhang tumalikod siya. Hahanapin niya ang nagtangka sa buhay ni Scylla at papatayin niya ito.
NAGGISING si Ezrah sa mga ungol ni Scylla. Pabiling-biling ito at pinagpapawisan. Gigisingin na dapat niya ito nang mapansin niyang nag-iba ang kulay ng buhok nito. It turned to ash gray. Nasuspende sa ere ang kamay niya.
Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong may marka niya. Kinuha niya ang kamay nito at tinitigan. The mark had never been this light. Almost fading.
Napatingin siyang muli sa mukha ng dalaga. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong nangyayari rito? Bakit nabubura ang marka niya rito? Ibig bang sabihin niyon ay kinukuha na ito ng kabilang puwersa? Would she become one of His holy warriors in heaven? The angels had saved her several times. Noong sanggol palang ito. Noong umatake ang mga demonyo. The angels were extending a portion of their divine grace to Scylla.
Hindi niya ibibigay ang dalaga sa mga ito. He was selfish, yes! And exactly the reason why he holds the throne of envy. Kanya lang si Scylla at hindi ito puwedeng agawin ng iba sa kanya!
Pero paano kung iyon ang kagustuhan ng nasa Itaas?
He clenched his fists and he looked up and said, “No, not this time. Not according to Your will. Not according to Thy word… Father.”
BINABASA MO ANG
The Devil's Mark - ENVY (Completed)
Roman d'amour**✅FREE READ✅** Archdevil Series 2: E Z R A H ❤ Scylla Angelica had a permanent mark on her skin--the mark of the devil. Ito ang iniisip niyang dahilan ng kanyang kamalasan. And then one day, she found herself being chased by a powerful and covetous...