Dream

22 2 4
                                    

Bata palang ako, pangarap ko na maging singer. Pero hirap akong i-pursue yun kasi mahiyain ako. Minsan, kahit opportunity na yung lumalapit sakin pero di ko sya ine-embrace kase nga mahiyain ako.

One time, kinausap ako ni papa.

"Nak, may contest dun sa bayan. I registered you. Sayang kasi." Papa said.
"But, pa.." tutol ko sa kanya.

Papa hold my hands and told me, "Anak, ilang opportunities pa ba ang sasayangin mo? Di ba pangarap mo 'to? Ito na oh. You are in the first step of achieving ypur dreams. Pano mo matutupad yung pangarap mo kung sasayangin mo yung mga opportunities na dumadating? Mananatili yang pangarap kung hindi ka gumagawa ng way para matupad mo yan. Anak, nandito lang ako, ang mama mo, kaming pamilya mo. Susuportahan ka namin."

I sighed. "Pero pa, kaya ko ba?" Kabadong tanong ko kay papa.

Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Kaya mo yan, anak. Naniniwala kami sayo." Pagmomotivate ni papa sakin.

Pumayag ako na sumali sa contest na sinabi ni papa.

*Contest Day
Nandito ako sa backstage at paulit ulit na bumubuntong hininga. Nilapitan na ko nina papa kanina, pero hindi pa rin matanggal yung kaba sa dibdib ko. Ako na yung sunod.

"And now, contestant #9, Aira Mendez."

Bago ako lumabas, bumuntong hininga muna uli ako at nagdasal ng tahimik at maikli. Rinig ko ang palakpakan ng lahat.

Pagdating sa stage, nakita ko ang lahat. Ang daming tao. Nanginginig akong humawak sa mic.

I breathe deeply and close my eyes. I feel the song and start to sing it.

"Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee"

After I sing, I opened my eyes and I saw them, standing and clapping their hands loudly. I smiled before I exit.

Nang matapos ako, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Tapos na.

As the program continue, may 3 pang kumanta bago ang awarding.

They called the runner ups and now, the champion. I am not expecting na ako yon pero umaasa ako.

Sa pag announce ng Grand Champion, napaiyak ako. Hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. Nanalo ako.

Nakita ko sina mama at papa pati ang mga kapatid ko. Umiiyak sila at nakangiting nakatingin sakin. I mouthed, "Thank you and I love you." to them.

Habang binibigay ng judges yung prizes ko, marami akong narealize. Pero yung pinakanarealize ko yung sinabi ni papa sakin.

Tama sya. Opportunities are rare. Minsan lang yun dumating kaya dapat hindi natin sayangin. Katulad ko, marami akong nasayang. Pero this time, I take the risk and I won. Hangga't may opportunities na dumadating, go and grab it. Hindi natin alam kung hanggang kailan may opportunity na dadating. At tama ukit si papa. Mananatiling pangarap ang isang pangarap kung hindi ka gagawa ng paraan para abutin ito.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon