Secretly Loving Everyone's Dream Guy

9 0 0
                                    

Wala ng mas sasaya pa sa pakiramdam na mapansin ka ng taong iniidolo at hinahangaan mo. Kahit wala pang isang porsyento ang posibilidad na pansinin ka nya, aasa ka pa rin.

Isa akong fangirl ng isang taong talaga namang masasabing dapat idolohin at hangaan. Sya si Vester Lloyd Gonzales. Isa syang sikat na manlalaro ng chess na talaga namang kilala sa buong mundo. And I am proud to say na schoolmate ko sya. Bukod dito, isa din syang vlogger. Sa edad ng 18, masasabi ng successful talaga sya. He's a nice man, almost perfect na sya, actually. Mabait, gentleman, gwapo, magalang, responsable, halos lahat na ata ng magagandang characteristics, nasa kanya kaya naman marami talagang humahanga at nagkakagusto sa kanya. Isa na ako doon.

Hindi ko lang sya basta hinahangaan kasi alam ko sa sarili ko na mas higit pa don ang nararamdaman ko. Pero dahil fangirl lang ako, nananatiling lihim sa kanya ang nararamdaman ko.

Hindi ako katulad ng ibang may gusto sa kanya na nagcoconfess sa kanya. I am loving him silently. Akala ng lahat, hinahangaan ko lang sya pero hindi nila alam na higit pa sa hanga ang meron ako sa kanya.

Walang araw na hindi ko sya pinagmamasdan. Bawat galaw nya sa campus, alam ko. Kaklase ko sya e. Bawat galaw din niya sa labas ng school, alam ko kasi kapitbahay ko sya e. Oo, malapit lang ako sa kanya, pero hindi pa din. I never approach him. Pinangungunahan ako palagi ng hiya at kaba.

Gustong-gusto ko sya lapitan. Gusto ko syang kausapin, pero hindi ko magawa. Natatakot ako na baka mapahiya lang ako sa harap nya.

As days goes by, mas tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil pakiramdam ko sasabog na ako, I confessed my feelings pero hindi sa kanya kundi sa bestfriend ko.

"Kianna. I have something to tell you."
"Sure. Ano ba yon?"
"Kianna, I love him already."
"Sino?"
"Si Lloyd."
"Ahh. Matagal mo na namang mahal yon eh."
"Hindi. Iba na 'to. I love him not as my idol but as a man."
"W-What?" Gulat na tanong sakin ni Kianna. "OMG. Kelan pa?!"
"Matagal na. I think, last year pa."
"Oh damn shit. ANG TAGAL NA PERO NGAYON MO LANG SINABI SAKIN!"
"Sorry. Eh kasi feeling ko kapag hindi ko to nailabas ngayon, sasabog na ko."
"You're in danger, girl. Sinasabi ko sayo." Pananakot nya sakin.

Napabuntong hininga nalang ako. Gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko pero ramdam ko pa din yung bigat sa dibdib. Ang gulo di ba? Basta hindi ko alam.

Para matahimik na ang sistema ko, I decided to confess to him pero hindi ko sya haharapin. I'll confess my feelings in a different way wherein hindi nya ako makikita o makikilala.

Pagkauwi ko sa bahay, nagbihis lang ako at nagsimula na magsulat sa isang scented paper. It's better this way.

Inabot din ako ng 2 oras sa pag-iisip at pagsusulat. Itinupi ko ng pantay ang papel at inilagay sa envelope pagkatapos ay inilagay ko sa bag. Bumaba na ako para kumain. Pagkatapos ay gumawa ako ng mga homeworks saka nagpahinga.

Kinabukasan, maaga akong pumasok. May mangilan-ngilan ng estudyante sa school. Dumiretso ako sa locker area ng building namin at hinanap ko ang locker number nya. Buti nalang walang tao.

Kinuha ko ang letter na isinulat ko at isinipit sa locker ni Lloyd. Pagkatapos ay nagdiretso na ko sa room namin.

Dahil sa sobrang aga ko nga, wala pang tao sa room namin kaya naman nanatili nalang ako sa hallway at pinagmasdan ang mga estudyante sa baba. After almost half an hour, marami na ang estudyante. Nagtilian at nagsigawan na din ang mga estudyante hudyat na nandito na sya.

Tulad ng palagi kong ginagawa, nakatanaw lang ako sa kanya mula sa malayo. Napatingin sya sa direksyon kaya naman agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at pumasok na sa loob ng classroom.

"Kaye, about dun sa kahapon, seryoso ka talaga don? Mahal mo na si ---" Agad kong tinakpan ang bibig nya.

Bunso ang tawag nila sakin dahil ako ang pinakakinulang sa height.

"Ate Joy, wala po."
"Weh? May binabanggit si Kianna kanina e. Narinig ko." Segundamano naman ni Fiona.
"Wala nga po."
"Sabihin mo na, Kaye para tigilan ka na ng mga yan." Nagulat ako sa nagsalita. It's him. Nandito pa pala sya.
"A-Ah eh. Kasi ano." Utal kong sabi sa kanilang lahat.  Kinuha ko ang cellphone at nagtipa ng kung ano ano. "Ah. Pinapauwi na ko ni Mama. Babyeeee. " Nagmamadali akong umalis don.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. It's the first time. Pinansin nya ako. Pinansin ako ng mahal ko. Pero nakakalungkot na baka iyon na ang una at huli sapagkat matinding pag-iwas na naman ang gagawin ko. Shit. Ang hirap magmahal ng patago.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon