"Kianna, kain na tayo." Yaya ko kay Kianna."Sana all pinapakain." Sagot nya.
"Ts. Tara na kasi. Gagala pa tayo."
"Sana all gagala."
"Kakain ka ba o hindi? Iwan kita dito eh."
"Sana all iniiwan."
"Naiinis na ko sa kaka sana all mo dyan, Kia." Medyo inis kong sabi sa kanya.
"Sana all naiinis."
"Tsk. Bahala ka nga dyan."
Iniwan ko sya. Nakakainis kasi. Hindi ko sya makausap ng matino.
Isa sa ayaw kong ugali nya, yung hindi sya makausap ng matino minsan dahil sa sana all na yan.
One time nga, nag aaway na kami, ang seryoso na ng usapan, naisingit pa din nya yang sana all na yan.
_Flashback_
"Love. Ano na naman bang ikinagagalit mo ha?!"
"Bakit hindi ka nagpaalam sakin na gigimik ka? Tapos sa BAR pa. Siguro may babae ka."
"Tangina naman, Kianna. Akusahan mo na ko sa lahat ng kasalanan wag lang yang pambababae na yan. Hindi ko gagawin yan. Tsaka di ba nasabi ko na sayo na nakalimutan ko lang magpaalam kasi biglaan yon?! Tsaka kung magpapaalam naman ako sayo, hindi mo rin ako papayagan!" Inis kong sabi sa kanya.
"Dapat nagsabi ka pa rin!"
"Nakalimutan ko nga kasi. Bakit ba ganyan ka?! Lahat nalang ng galaw ko dapat alam mo! Wala ka bang tiwala sakin ha?!"
"Meron."
"Meron naman pala eh. Tsk."
"Sorry na."
"Alam mo namang mahal kita di ba? Mag stick ka nalang don kasi hindi na mababago yon."
"Sana all."
"Putangina. Itigil mo nga yang kakasana all mo!"
"Sana all"
Dahil sa inis ko, iniwan ko sya. Narinig ko pa ang tawa nya pagkalabas ko ng bahay nila.
_end_
Meron pa ngang time na ipaprank ko sya. Ako pa ang naprank.
_flashback_
"Kia, ayoko na."
"Sana all"
"Break na tayo."
"Sana all."
"Kia, seryoso nga kasi."
"Sana all."
"Lintek naman, Kia. Seryosohin mo naman ang mga sinasabi ko. AYOKO NA. TAPUSIN NA NATIN 'TO. BREAK NA TAYO."
"Sana all."
Tiningnan ko lang sya ng masama. Tumawa lang sya.
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Kakatawa yon?"
"Oo. HAHAHHAHAHAHA. Magpaprank ka na nga lang, yung luma pa. Baguhin mo rin minsan. HAHAHAHAHAHAHA"
"Tsk."
"Sana all. HAHAHAHAHA"
"Tigilan mo nga yang kaka sana all mo!"
"HAHAHAHAHAHAHA. It's a prank baby. HAHAHAHAHAHA."
"Tsk!"
_end_
Oh di ba? Nakakainis lang. Sino ba kasing nagpauso ng lintek na sana all yan?! Dahil sa sana all na yan hindi ko makausap ng matino ang girlfriend ko!
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation✔
Teen FictionThis is the compilation of my one-shot stories.