"Hoy!" Tawag sakin ni Vien.
"Oh?" Sagot ko.
"Attitude ka ghorl?"
"Tss. Ano ba kasi yon?" Inis na tanong sa kanya.
"Attitude nga."
"Tangina, Vien. Umayos ka."
"Maayos naman ako. Ikaw 'tong attitude eh."
"Tsk. Ewan ko sayo. Bahala ka nga."
Sa inis ko sa kanya, iniwan ko sya mag-isa. Nagpunta ako sa garden na malapit sa field. Nilapitan naman ako ni Mika.
"Kianna!"
"Oh?"
"Attitude ka ghorl?"
"Putanginang attitude yan. Tigilan nyo nga ako. Mga lintek kayo!" Sigaw ko kay Mika. Naiirita na ako.
Iniwan ko rin si Mika at nagpunta naman ako sa likod ng building namin.. Walang pumupunta dito kaya alam kong walang manggugulo sakin.
Pero mali pala ako kasi si Carla naman ang nandito ngayon.
"Kia." Malumanay na tawag nya sakin.
"Ano?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Attitude nga." Bulong nya pero rinig ko naman.
"Pota. Umalis ka kung mang-iinis ka din. Lintek!"
Umalis din naman si Carla.
Badtrip na ko.
Habang nagpapalamig ng ulo, may lumapit sakin. Si Kian, captain ball ng basketball team namin na habol ng habol sa akin.
"Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Isa ka pa eh! Ano?! Mang-iinis ka din? Tatawagin mo din akong attitude? Putangina nyo."
Tinawanan nya lang ako. Sa sobrang inis ko, umalis ako ulit don. Sa music room ako pumunta. Music lang ang makakapagpakalma sakin.
Habang naglalakad, biglang tumunog ang speaker. Hudyat ito na may announcement. Pero ikinagulat ko kung sino ang nagsalita, si Kian. Iniwan ko lang sya sa likod ng building ah? Tss
"Ehem, hello everyone!" narinig ko ang mga bulungan at impit na tilian ng mga babae. Tss
"Hello, Ms. Attitude. Siguro nagtataka ka kung bakit ang bilis ko nakarating sito sa announcement room, pero syempre, secret lang yun." Napairap lang ako. "Wag kang umirap, Kianna. Attitude ka talaga. Tsaka oo nga pala. Prank lang yung ginawa ni Vien, Carla, at Mika. Inutos ko yon sa kanila. Ang cute mo kasi maiinis." Tapos Tumawa sya.
"Eto na seryoso na. Ehem. Nandito ako para ipaalam sa lahat na liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo. Kung maattitude ka, mas maattitude ako. Yun lang. Iloveyou. Wahahahahaha"
Nagtilian ang mga nasa paligid. Marami ang nakatingin sakin.
"Putangina, wag nyo kong tingnan! Kayo dyan, anong tinitili nyo dyan?! Walang nakakakilig!" Sigaw ko sa mga estudyante.
Umalis nalang ako don. Dumiretso ako sa parking lot. I didn't bother to look for Kian and talk to him. Bahala sya sa buhay nya. Gawin nya gusto nyang gawin. wala syang mapapala sakin.
Pagdating ko sa parking lot, sumakay na ko sa kotse at umalis. Mas magaling pang umuwi nalang ako. Tsk.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation✔
Teen FictionThis is the compilation of my one-shot stories.