Bended Knees

2 0 0
                                    

I've been in a relationship for 3 years. Pero hindi ko alam kung bakit biglang nalang akong gumising isang araw na nawawalan na ako gana. Walang araw na hindi kami nagkakagulo ni Tim. Maraming problema ngunit hindi ko maisa isa.

Habang nasa rooftop, may pumasok. Amoy palang alam ko na kung sino. Siya. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo ang nakadungaw sa baba. Ramdam kong lumapit sya sakin. He's with his friends pero tila walang hiya sa katawan si Tim.

He asked me to talk. And I nod. Hindi na namin pinaalis ang mga kaibigan nya dahil ang alam ko ay hindi kami gaano magtatagal.

Lumayo ang mga kaibigan nya at nagpatugtog ang isa. Sinasabayan nila ang kanta. Bended Knee.

Nagulat ako dahil sa bawat isang linya ng kanta ay parang gumagawa si Tim ng tula. Marahil ay pinagplanuhan nya ito.

Lumuhod sya sa harapan ko. Nagsimula na din ang tugtog.

"Darlin' I, I can't explain
Where did we lose our way?-

"Unang kataga pa lamang ngunit sadyang masakit na. Bakit nga ba tayo nagkaganito? Bakit tila sati'y madaming nagbago? Bakit tila naligaw ang ating mga puso na dati'y pinagtagpo." Ramdam ko yung sakit at lungkot. Pero wala akong maisagot sa kanya dahil maskit ako, hindi ko alam.

Nagpatuloy lang sya sa kanya paglilitanya.

-Girl it's drivin' me insane
And I know I just need one more chance
To prove my love to you-

"Isip ko'y naguguluhan. Hindi ko alam kung san nagkulang. Ngunit pwede bang isa pa? Papatunayan ko ang pagmamahal na akala mo'y nawala."

Namamangha ako sa kanya pero nas nagingibabaw yung awa.

-And if you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go-

"Pagbalik mo'y hindi sasayangin. Pangakong ikay iingatan at mamahalin. Mahal, pakiusap. Isa pa sapagkat gusto kitang bumalik pa."

Gustong gusto kong sabihing oo, babalik ako pero hindi ko alam kung tama pa bang gawin yon.

-Can we go back to the days our love was strong?-

"Mahal, balikan natin ang mga alaala. Balikan natin ang panahon kung kailan sigurado tayo sa nararamdaman natin sa isa't isa. Mahal, pwede ba? Pwede bang ibalik natin yung sigla at saya? Pwede bang bumalik tayo kung saan matatag yung pagmamahalan nating dalawa? Mahal, pwede ba?" Madamdaming tanong nya.

Umiling na lang ako dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Nagsisimula na rin akong maluha.

-Can you tell me how a perfect love goes wrong?-

"Mahal bakit? Anong nangyari sa'ting dalawa? Anong nangyari dun sa saya at sigla? Bakit ang dating pagmamahal na tila isang apoy ay naging kasinlamig ng yelo. Mahal, san ako nagkamali? Hindi ko mawari." Malungkot na tugon nya sa akin.

Wala akong naging sagot sa kanya.

-Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?-

"Pwede bang sabihin nyo sakin? San ako nagkamali? San ako nagkulang? Bakit naging ganito? Hindi.. Hindi ko maintindihan."

Sa pagkakataong ito, ibinaling nya ang atensyon nya sa kanyang mga kaibigan. Ngunit malungkot na ngiti at iling lamang ang naging sagot nila.

-Oh God give me a reason
I'm down on bended knee-

"Mahal, ano? Hindi ko alam. bakit? Anong nagyari? Pakiusap, sabihin mo. Hindi ko na alam. Ano pa ba? Anong kulang?"

Nanatili syang nakaluhod sa harap ko, umiiyak. Ayokong nakikita syang ganito.

Tinapos nila ang kanta.

Lumuhod ako sa harap nya. Niyakap ko sya ng mahigpit at ganun din sya sakin. Masakit para sakin to ngunit ito ang sa tingin ko ay tama.

"Tama na, Tim. Hindi na natin maibabalik ang dati. Malabo na ang lahat. Magulo. Mas masasaktan tayo kung ipagpapatuloy pa natin. Tama na, Tim. Tuluyan na nating tapusin to."

Kumalas ako sa yakap nya. Hinalikan ko sya sa noo bago ko sya iwan.

I left him crying while he's on bended knees.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon