I'm Zach. I have a girlfriend. She's Toneth. 3 years na kami pero nararamdaman ko na na nawawalan na ko ng gana. Nagiging boring na ko sa kanya. Hindi ko na maramdaman yung dating excitement at saya kapag kausap ko sya. Hindi ko na maramdaman yung spark saming dalawa kapag magkasama kami. Ewan ko ba. Gusto ko ng lumaya mula sa kanya.
Early this morning, nagtext sya saken.
From: Love
Good morning, love. Sunday ngayon. Simba tayo?To: Love
Ok.Ganyan lang. Tipid ako magreply sa kanya. Minsan nga hindi ko na sya nirereplyan. Alam kong nararamdaman at nahahalata nya yung panlalamig ko sa kanya. Mas better yon.
After namin magsimba, niyaya nya ko maglakad lakad. Umabot kami sa park. Nang mapagod kami, umupo kami sa isang bench. Tahimik lang kami pareho pero binasag nya rin ang katahimikang namutawi samin.
"Z-Zach, bakit?" Nauutal na tanong nya.
Nung una, hindi ko alam ang ibig nyang sabihin pero naintindihan ko din agad. Umupo ako ng maayos at tumingin sa malayo.
"Hindi ko alam, Toneth. Lately, nararamdaman ko na nawawalan na ko ng gana. Na ang boring na. Wala na yung excitement at saya ko kapag kausap kita. Wala na yung spark kapag magkasama tayong dalawa. Hindi na tayo tulad ng dati. Or should I say, hindi na ko tulad ng dati. Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ko. Pinipilit ko naman ibalik yung dati e. Pero di ko kaya." Diretsong sagot ko sa kanya.
Narinig ko ang mahihinang hikbi nya pero hindi ko sya magawang tapunan ng tingin.
"Eh yung pagmamahal? Meron pa b-ba?" Lumuluhang tanong nya.
Hindi agad ako nakasagot. Pinakiramdaman ko yung sarili ko. Yung puso ko.
"Wala na." Mahinang tugon ko.
Naging impit ang pag iyak nya. Konti nalang, hahagulgol na sya.
"Gusto ko ng lumaya, Toneth. Ayoko na." Sabi ko sa kanya.
Tuluyan na syang umiyak ng malakas. Maraming nakakakita samin pero wala kaming pakialam. Pagkatapos ng ilang minuto, tumahan din sya. She sighed before answering.
"Kung paglaya ang gusto mo, sige. Ibibigay ko. Kung paglaya ang makakapagpasaya sayo, hahayaan kita. Mahal kita e. Kaya kahit kalayaan mo, handa akong ibigay sayo."
Pagkatapos nya sabihin yon, umalis na sya agad. Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero may parte sa puso ko na nasaktan. Hinanap ko yung saya, pero wala akong maramdamang saya. Bakit ganito? Ito ang gusto ko di ba?
Habang nakaupo ako, may tumabi saking matandang lalaki.
"Bakit?" Tanong nya.
"Po?" Nagtatakang sagot ko.
"Bakit mo sya pinaiyak? Bakit mo sya iniwan?" Tanong nya.
Hindi ko alam pero ikunuwento ko sa kanya lahat. Maybe I need some advice.
"Iho, ang relasyon, hindi yan puro saya, excitement, at spark. Dadating talaga sa punto na mararamdaman mo na mawawala lahat ng yon. Kung iniwan mo sya dahil lang dun, katangahan ang tawag dun."
"Pero, hindi na po ako masaya."
"Hindi ka masaya kasi mas pinipili mong hindi maging masaya. Pakiramdaman mo ang sarili mo. Masaya ka ba na nakalaya ka sa kanya?"
Dahan dahan akong umiling.
"Kahit na anong gawin mo, kung hindi mo pipiliing sumaya, hindi ka magiging masaya. Iho, hindi sagot ang paghihiwalay nyo. Sabihin na nating tanggap nya pero sa loob loob nya, ayaw nya talaga. Nakikita kong mahal na mahal ka nya dahil hindi sya iiyak kung hindi ka nya mahal. Kung nawala yung excitement, yung saya, at yung spark, lagyan mo."
"Paano po, Lo?"
"Alalahanin mo kung paano at bakit mo sya minahal. Magnilay ka, Iho."
Tinapik nya ang balikat ko bago umalis.
Inisip ko lahat ng sinabi ni lolo. Nakakainis man isipin pero tama siya.
I'm sorry, Love.
Nagmamadali akong umalis para habulin sya. Pero katatayo ko palang, tumunog na yung phone ko.
"Hello tita?"
"Z-Zach, anak"Kinabahan ako nang marinig ko ang hikbi ni tita.
"S-Si T-Toneth, anak. W-wala n-na."
"H-Ho? N-nasan po kayo?" Nauutal kong tanong.Pumunta agad ako sa ospital na pinagdalhan sa kanya. Pagdating ko don, nakita ko sina tita, umiiyak.
"T-Tita. A-anong..."
"N-nasagasaan sya. T-tumatakbo sya sa k-kalsada t-tapos nabangga sya ng isang kotse. D-dead o-on arrival."
Napahawak ako sa dingding dahil pakiramdam ko, nanlambot ang tuhod ko. Dali dali akong pumasok sa kwarto at dun, nakita ko sya, nababalot ng puting kumot.
Lumuhod ako sa tabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya bago ako nagsimulang umiyak.
"L-Love. Sorry. Sorry. This is my fault. Gumising ka na love, please? Binabawi ko na. Ayoko ng lumaya sayo. Please. Mali yung desisyon ko. Patawarin mo ko. Love, balik ka na please? Gumising ka na. Ayokong mawala ka sakin. Hindi ko kaya, love. Mahal na mahal kita. Please, love. Wag ganito. Please. Gumising ka na. Ayusin natin relasyon natin. Tutuparin pa natin yung mga pangarap natin. Please, love. Wake up. Please?" Lumuluhang sambit ko sa kanya.
Napahagulgol ako. Nasuntok ko ang sahig pero kahit kaunting pisikal na sakit, wala akong naramdaman. Halos magwala na ko sa loob ng kwartong yon. Pinipigilan nila ako pero wala akong pakialam.
"Tangina! Lintek!" Lahat na yata ng mura nasabi ko na.
Kung alam ko lang na ganito pala sya magpalaya, hindi ko na dapat hiningi sa kanya. Sht. I'M SORRY, LOVE. I'M SORRY.
BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation✔
Teen FictionThis is the compilation of my one-shot stories.