"Keisha! Hindi ka naman nakikinig sakin eh." Nagtatampong sabi sakin ni Kianna. "Kanina pa kong kwento ng kwento dito." Napatawa nalang ako kasi nagpout sya.
Kianna is my bestfriend since kinder. Sya lang yung nakatagal sa ugali ko.
"Sorry na. Ano ba kasi yon?"
"Wala. Ayoko ng ulitin." Napatawa nalang ako kasi inirapan nya.
"Ano ba kasing tinitingnan mo?" Tanong nya sakin.
Tiningnan nya ang direksyong tinitingnan ko. "Ay mali. Sino pala."
Tahimik lang akong pinagmamasdan ang isang bulto ng lalaking nakikipagtawanan sa iba pa.
"Hanggang ngayon ba, lobes, sya pa rin?"
Tumango lang ako sa sinabi nya.
"Bakit ba kasi ayaw nyo ipursue ang isa't isa? Pareho namang kayong single. Pareho nyo namang gusto ang isa't isa. Walang sabit. Bakit ba?"
Napabuntong hininga nalang ako. "Hindi nga kasi pwede."
"Bakit ba kasi hindi pwede?" Frustrated na tanong nya.
"Rules."
"Rules? Anong rules?" Nagtatakang tanong nya.
"Alam mo namang kasama ako sa isang corporation wherein nirerent kami as temporary girlfriend di ba?"
Tumango lang sya.
"May rule kami na bawal kami pumasok sa isang serious relationship. Ganun din sya."
"S-So you mean, si Efron, parang may isa siyang samahan na sinalihan na may ganon ding rule?"
Tinanguan ko sya.
"Bakit hindi nalang kayo umalis pareho? Ang hirap non. Mahal nyo ang isa't isa pero hindi kayo pwede."
"Mahal namin ang samahang meron kami e. Mahal namin pareho ang bagay na pinasukan namin kaya hindi namin maiwan yun pareho."
"Kaya sinasaktan nyo nalang mga sarili nyo?"
Napabuntong hininga nalang ako. Muli kong pinagmasdan si Efron na nakatalikod sakin.
My phone vibrated.
From: Efron
Hey. You okay? You look sad.Napatingin ako sa kanya nang mareceive ko ang text nya. He's holding his phone while simply looking at me.
To: Efron
Yeah. Just talking about something sad with Kia.Wala pang isang minuto ay nagreply na sya.
From: Efron
Cheer up. Smile na. Papangit ka nyan. Iloveyou.Napangiti naman ako. I eventually replied iloveyoutoo. I saw him smiled.
"Pasok na ko sa loob lobes. May gagawin lang ako. Maiwan na kita. Pagmasdan mo muna ang love of your life. Haha." Paalam sakin ni Kianna.
Nanatili lang ako sa pwesto ko at patuloy syang pinagmamasdan mula sa malayo.
Efron, I will continue loving you even if it's a forbidden love.
You looked at me. I waved at you at pumasok na sa loob ng classroom.
--------
Masarap magmahal ng taong alam mong mahal ka. Tama man o mali ang pagmamahal na meron kayo, basta mahal mo, ipagpapatuloy mo ang nararamdaman mo. Parang ako, kahit na alam kong mali, ipinagpatuloy ko pa rin. Mahal ko eh.

BINABASA MO ANG
One-Shot Stories Compilation✔
Novela JuvenilThis is the compilation of my one-shot stories.