Cheated

3 0 0
                                    

"Babe, I'm sorry. Please give me another chance. Last chance, please? Iloveyou. Please."

Tiningnan ko lang sya habang umiiyak at nakaluhod sa harap ko. Wala na akong maramdaman kundi sakit at hirap. Wala na kong maramdaman kundi pagod.

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang magtiis. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan. Hindi ko na kayang magmukhang tanga. Pagod na pagod na ako, Ram."

"Please, Yana. Last chance and I'll correct everything. please? Ibabalik ko sa dati. I promise. Just don't give up please."

"Ayoko na, Ram. Tangina maawa ka naman sa akin. Ubos na ubos na ako. Ibinigay ko na ang lahat sayo kaso anong ginawa mo?! Sinayang mo lang! Ibinigay ko lahat ng oras ko. Ibinigay ko lahat ng atensyon ko. Ibinigay ko lahat ng pagmamahal ko sayo pero punyeta bakit?! SA PAGKAKAALAM KO NAMAN WALA AKONG NAGING PAGKUKULANG SAYO! WALA AKONG NAGING PAGKAKAMALI PARA GAGUHIN MO KO NG GANITO! TANGINA OF ALL PEOPLE BAKIT ANG BESTFRIEND KO PA?! MATATANGGAP KO NAMAN EH KUNG IBA PERO RAM, BESTFRIEND KO YUN! BESTFRIEND KO!"

Umiyak lang sya sa harap ko. Nagaluhod na din ako sa harap nya at nagsimulang umiyak.

"R-Ram naman. A-Ano b-bang nagawa ko? B-Bakit mo ko niloko? H-Hindi pa ba a-ako sapat? H-Hindi pa ba sapat yung lahat ng ibinigay ko? Tangina, ubos na ubos na ko, R-Ram. Ubos na ubos na ako."

Niyakap nya ko pero tinanggal ko din agad.

"T-Tama na, Ram. Wala akong chance na maiibigay sayo kasi naibigay ko na lahat eh. Sinayang mo lang."

Tumayo na ako sa umalis sa condo nya. Pinuntahan ko lang sya para makipaghiwalay. He cheated on me with my bestfriend. Yun ang masakit.

Pumunta naman ako sa apartment ni Kim, ang bestfriend ko. Hindi na ko kumatok kasi bukas naman ang pinto.

I saw her walking back and forth, consecutively looking at her phone.

"Waiting for Ram's call?" I plainly said na nagpagulat sakin.

"Y-Yana." kinakabahan sya. I smirk at her.

"Surprise, Kim." sabi ko sa kanya at umupo sa sofa.

"A-Ahh. A-Anong gusto mong inumin? B-Bakit ka nga pala napunta dito?" nauutal na tanong nya.

"Bawal ba ako dito?"

"Hindi naman. Nagulat lang ako."

"Nagulat ka kasi si Ram ang inaasahan mong pumunta dito." I stated.

"B-Bes."

"Don't.you.ever.call.me.bes."

"A-Ano bang problema?"

Lumapit ako sa kanya. "Anong problema? Marami."

"Y-Yana."

I slapped her hard. Sinigurado ko talaga na babakat yun sa pisngi nya.

"I didn't know na ahas ka pala."

"Ano bang sinasabi mo?!" Sigaw nya sakin.

"Ikaw pa ang may ganang magalot?! Tangina, Kim. WAG MO NA KONG GAWING TANGA! ALAM KO NA ANG PANG AAHAS NA GINAWA MO."

"WALA AKONG ALAM SA SINASABI MO!"

I throw her the pictures of Kim and Ram, kissing and making out.

"Wala palang alam. Tingnan mo."

Nakita ko ang gulat at takot sa mukha nya. "Ngayon mo sabihin sakin na wala kang alam."

Natahimik lang sya.

"Bakit, Kim?"

"Y-Yana."

"TANGINA SAGUTIN MO KO. BAKIT MO YUN GINAWA?!"

"K-Kasi mahal ko si Ram! A-Ako naman d-dapat ang nasa posisyon mo eh! A-Ako ang una nyang nakilala!"

"Tangina! Sino bang nagpumilit sakin na magpaligaw kay Ram?! Di ba ikaw?!"

Umiyak na sya sa harap ko. I just stare at her coldly. Wala akong maramdaman kundi galit.

"Matatanggap ko pa sana kung iba ang naging babae nya kaso hindi e. Ikaw ang naging babae nya. Ikaw na bestfriend ko. Ikaw na taong hindi ko inaasahang mang-aahas ng boyfriend ko." She tried to hold my hand pero tinabig ko yon. "From now on, kalimutan mo ng kaibigan mo ko kasi kahit konti hindi mo ko tinuring na isa don."

"Hindi totoo yan."

"Hindi kaibigan ang taong nang-aahas. Magsama kayong dalawa. Magpakasaya kayo. Wag na wag kayong magbabalak na lumapit pa sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na sapakin kayo."

Pagkasabi ko non, umalis na ko sa apartment ni Kim.

Buong araw akong nagkulong sa bahay. Wala akong kinakausap kahit isa. Hindi na din ako kumain. Wala akong mailabas na luha. The scene of them kissing and making out keeps flashing on my mind. Mas nangingibabaw yung galit kaysa sa sakit.

Lumipas ang ilang araw, hindi nagpapakita si Kim pero si Ram, patuloy pa rin ang panggugulo sa akin.

"Yana!"

Hinarap ko si Ram. I stared at him coldly.

"I'm sorry. Give me a chance please."

Sa halip na maawa at masaktan, mas nagalit pa ako kaya ayun. I punch him. Napahiga sya sa lakas ng suntok ko sa kanya at iniwan ko naman syang may dugo ang labi.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon