First and Last Dance with you

3 0 0
                                    

"Kianna, sorry. Sorry if I can't fulfill my promises. Sorry kung sabi ko hindi kita iiwan. Pero kasi Kianna, ang dami ng nagbago. Hindi sayo kundi sakin. nawalan ako ng gana sa atin. I fell out of love. Hindi ko alam kung bakit basta gumising nalang ako isang araw na wala na. Sorry, Kianna. I-I'm sorry." Paliwanag ni Josh sakin.

Umiiyak lang ako sa harap nya. Ang sakit. Lahat ng pangarap namin para sa amin, biglang gumuho, biglang nawala. Hindi ako makapagsalita dahil sa sobrang pag iyak.

After a couple of minutes, tumahan na ako. I sighed before talking. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan ang daliri ko habang nagsasalita.

"I guess wala na kong magagawa." I tried my best not to cry again. "Wag ka sana maguilty dahil iniwan mo ko. Naiintindihan ko ang dahilan mo. Pero may isa lang akong favor sayo. This will be my last favor to you at sana pagbigyan mo ko."

Tiningnan nya ako at tumango. Nanatili pa rin akong nakayuko. "Please fulfill your promise na ikaw yung escort ko sa debut ko.Kahit yun lang."

Bumuntong hininga muna sya bago sumagot. "Sige. I'll be your escort on Sunday."

Pagkarinig ko ng sagot nya, nagpaalam na ako at umalis don. Pagkatalikod, nag unahan na naman sa pagtulo ang mga luha ko.

Days have passed. Nawalan ako ng gana sa lahat. Yung dating excitement ko sa pagdating ng debut ko, nawala.

Ngayon, busy ang lahat sa pag aayos para sa debut ko mamaya pero ako, eto, nakakulong sa kwarto.

"Baby?" tawag sakin ni Mommy.

Binuksan ko ang pinto. Pagkapasok na pagkapasok ni Mommy, niyakap ko sya agad and my tears started to fall.

Inalo ako ni Mommy. And after a couple of minutes, tumahan na ako.

"Are you okay now?" Tanong ni mommy sakin.

Tumango ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"Ok. Get ready na. Nandyan na ang mag aayos sayo."

She kissed me on the forehead first bago sya lumabas. Pagkalabas nya, pumasok na din ang mga mag aayos sakin.

After 3 hours, ready na ang lahat. Tapos na din akong ayusan. Pero hindi pa din ako ready. Hindi pa handa ang puso ko. Naiiyak na naman ako.

Nandito ako sa taas. Hinihintay ko nalang na tawagin ako bago ako lumabas. Hindi din ako gaano naghintay ng matagal.

"And now, our celebrant, let's all welcome Kianna Toxina." announce ng emcee.

Dahan dahan akong naglakad pababa. Nagslow mo ang lahat ng nasa paligid ko kasi nandun sya, nandun si Josh sa baba, hinihintay ako.

Pagdating ko sa baba, kinuha nya ang kamay ko at iginaya sa upuan naming dalawa.

Nagcotillion kami, next ang 18 gifts, 18 candles and wishes, last ang 18 roses. Hindi ko na dinamihan ang 18 18 ko.

First dance ko si daddy, tapos mga pinsan at kaibigan ko. Ngayon, si Josh. Sya ang last ko.

Nagsayaw lang kami. Walang imikan. Hindi ako makatingin sa kanya kahit na alam kong nakatingin sya sakin.

After the song, he let go my hand. Kasabay nun ay ang pag let go ko sa kanya. That dance was our first and sadly, our last.

Wala ng gaanong nangyari. Nagkainan at nagparty party na sila. Natapos ang celebration by 2 AM na.

Umakyat na ko sa kwarto ko without bidding my goodbye to everyone. I grab my phone and texted Josh.

"Thank you for the first and last dance with you."

After that, naglinis na ko at natulog.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon