Once Yours

1 0 0
                                    

Masakit maiwan ng taong mahal na mahal mo. Sino ba namang sasaya ng ganon di ba? Wala.

Kiro is my ex. It's been 8 months since we broke up. Pinakamasakit na break up yun kasi walang explaination kung bakit.

Habang naglalakad ako sa field, I saw Kiro. Base sa nakikita ko, he's looking at me. Nagsimula na syang lumapit sa kinaroroonan ko.

Umiwas ako ng way para makaiwas sa kanya. He's been chasing me for 3 months. Oo. Tama. Hinahabol nya ako. He wants me back pero, ayoko na.

Nagmadali ako ng lakad dahil alam kong sinusundan nya ako.

Saktong nakasalubong ko ang isa kong kaklase kaya sumabay na ako sa kanya para makatakas kay Kiro.

"Jaden!" Tawag sakin ng bestfriend ko.

"Oh, Kianna. Bakit?" tanong ko sa kanya.

"May nagpapabigay oh. Nakita ko lang yan sa desk mo. Kinuha ko na baka mawala pa e."

"Sino daw?"

"Ewan ko. Di ko tiningnan."

"Sige. Salamat. Tara na sa room."

Nagpaalam na ko sa isa kong kaklase at sumabay na ko papasok kay Kianna.

Habang nagdidiscuss ang teacher namin, naisipan kong buksan yung letter. It's from Kiro.

    Jaden,
        Let's talk, please? I'll explain everything to you.  Let's meet on our favorite place. Please? I'll wait for you at 4 pm.

Yan ang laman ng letter.

Buong araw akong lutang. Hindi ko alam kung pupunta ako o hindi.

Pagdating ng dismissal. Napagdesisyunan kong pumunta nalang. Para malinawan ako.

Pagdating ko sa favorite place namin, nakita ko agad sya. Nang makita nya ako ay agd nya kong nilapitan at niyakap. Pero tinanggal ko din ang pagkakayakap nya.

"Explain. Hindi ako pwedeng magtagal."

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

"Jaden, I'm sorry. Sorry kung iniwan kita nang walang sinasabing kahit anong rason. Kinailangan kong gawin yun. Kinailangan kong iwan ka kasi mahal kita."

Tiningnan ko sya. "Mahal? Iniwan mo ko kasi mahal mo ko? Lintek yang pagmamahal mo, Kiro."

"Sorry. Ginawa ko lang yun kasi ayokong mapahamak ka. Alam mo naman kung anong sitwasyon ko that time di ba? I'm a gangster, a gang leader. Ginamit ka nila kaya wala akong nagawa. Ayokong mapahamak ka dahil sakin kaya iniwan kita."

"Damn that gang!" Sigaw ko sa kanya.

"Umalis na ko don. Umalis ako para balikan ka. Please? Comeback to me, sweetheart. Imissyou. I still love you. Hanggang ngayon ikaw pa rin." Nagsimula ng magpatakan ang luha nya.

Lumuhod sya sa harap ko na syang ikinagulat ko, "Please comeback. I promise I won't do the same thing again. Please comeback."

Itinayo ko sya. I hold his both hands. Nagsimula na ding magadya ang luha ko.

"Kiro, tama na. Ok na ko. Pinuntahan kita dito para lang marinig ang explanation mo. I was once yours, at tama na ang isang beses na naging sayo ako." I wiped his tears and bid my goodbye.

One-Shot Stories Compilation✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon