Prologue

2 0 0
                                    

Nung naglalakad na kami ay naunahan na ako ni Mela, kasabay ko na si Alec at sabay kaming napatawa ng nakita naming naghahabulan na ang tatlo sila Jenique, Rick at Aaroon. Habang naglalakad kami ni Alec ay nagpaalam muna ako na sasabay kay Mela at tumakbo palapit kay Mela sa paglalakad palabas ng paaralan, at napaimik na lang ako  "ayaw ko na mela huhuhu"

"ha? Anong ayaw mo na? Lintik kang babae ka kung kailan madami na tayo" sabi nito na may kasama pang batok

"ay ayaw ko na nga kasi pagod na ako" na kumakamot pa sa ulo

"hoyy babae wag kang umatras ha gutom na ako"

"di naman ako aatras sa kainan, ang akin lang Mela ayaw ko na. Bibitaw na ako sa kanya" habang naglalakad kami di ko maiwasang malungkot. Kasi sa loob ng isang buwan na pagpapapansin kay crush wala pa ding nangyayari. Akala ko talaga madali lang hindi pala, nakaka challenge naman kasi si crush.

"ay ewan ko sayo babae, sabi mo sakin noon di ka magkakagusto sa kanya. Ano ito at ang itsura mo daig pa ang nakipag break sayo ang jowa mo?"

Di ko na lang pinansin si Mela at tuloy pa din kami sa paglalakad. Naisip naming magbabarkada na lakadin na lang kaysa sa sumakay pa. Hanggang sa makarating kami sa McDo. Nang nakapasok na kami ay si Rick ang umorder kasama si Aaron at kami naman ay umakyat na. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na si Rick at Aaron dala ang aming order este order nila.

Nang natapos kami, di pa kami umalis, tumambay pa kami ng ilang minuto hanggang sa bigla na lang umirit si Mela

IKAW at AKOWhere stories live. Discover now