ix

0 0 0
                                    

Monday na naman at makikita ko na naman si Shone. Wewsss, goodluck mamaya kung anong mangyayari. Maaga kaming pumasok ni Mela, kasi may flag ceremony ayaw namin masaraduhan ng gate kaya maaga kaming pumasok.

Pagkarating sa room ay wala pa si Shone at kakaunti pa lang din kami. Tumambay muna kami ni Mela sa corridor, hinihintay ang barkada para sabay-sabay na mamayang bumaba.

Dumating na si Shone ako agad ang una niyang nilapitan at nagulat ako doon. Kasi ako ang unang lumalapit sa kaniya, kaya first time ito.

"good morning gab" sabay ngiti, shits yung dimple

Ngumiti ako at bumati din naman "hi bb kong mahal na mahal ko, kamusta tulog mo? Napanaginipan mo ba ako? Ohh btw goodmorningggggg" narinig kong tumawa ang barkada, di ko napansin na kumpleto na kami.

"tsk" umiwaa ng tingin si Shone at nakangiting umalis sa tabi ko.

"HAHAHAHAHANEPS nakita mo yung Rick? Namumula si Shony boy" humalkhak pang imik ni Aaroon, habang may kasamang tapik sa balikat ni Rick

Lumabas na sa room si Shone at sabay-sabay na kaming bumaba papunta sa harapan ng building. Nakita kong patuloy pa din sa pang aalaska si Aaroon kay Shone kaya natawa ako. Kasi kitang kita ko ang pamumula ng tenga nito.

Pagkalipas ng isang oras o higit sa ibaba, ay umakyat na ulit kami. Kagulo sa pag akyat sa hagdan, kaya matagal bago kami nakarating sa room. Wala namang prof pagkarating namin kaya mga nakatayo pa kami, nakikipag chikahan kung anong nagyari nung weekends at kung ano pa.

Pumunta sa unahan ang President ng klase at nag announce. "guys? Walang tayong prof ngayon. Nagtext sakin ang ibang teacher at sinabing di sila makakaakyat at may biglaang meeting sila. So sa ngayon ay walang sinabi kung may gagawin o wala pero pakiusap ko na sa inyo na huwag palabas labas. Lalo na kayong mga boys. Intindi?"

"aye aye pres" sagot ng ilan sa amin. At iyong iba ay nagtuloy na sa mga ginagawa nila, habang kami ay tumuloy sa kwentuhan.

Lumapit ako kay Shone at nagusap kami ng bagay bagay, lumipas ang oras at lunch na, bumaba kami para kumain sa canteen. Naglalakad kaming magkakaibigan oa canteen at kaming dalawa ni Shone ay magkasabay na naglalakad sa hulihan.

"Gab?" tumingin ako sa kanya at nagtaas ng kilay na parang nag tatanong ng bakit? nakuha naman niya agad ang gusto kong iparating, pero nagut ako sa sunod niyang sinabi "pwedeng manligaw" napahinto ako sa paglalakad at hindi ko napansin na naiwan na kaming dalawa sa corridor.

Hindi ako nakasagot hindi dahil sa ayaw ko kung hindi dahil nagulat ako at hindi ko mahanap ang salitang sasabihin ko. Lumipas pa ang ilang minuto at ngumiti ako sa kanya at tumango. Nanlaki ang mata niya at ngumiti ng malaki, hindi ko na hinintay pa na umimik siya at naglakad na ako. Iniwan siya doon na nakangiti.

Napansin niya ata na wala na ako sa harapan niya kaya nagtatakbo siya palapit sa akin at inakbayan ako, ngiting ngiti ang luko HAHAHAHAH

"thank you. Hindi ka magsisisi"

"oyy ligaw pa lang yan, akala mo naman sinagot na. Huwag kang magpakasaya at malay mo hindi naman pala talaga kita sagutin HAHAHAHAHA"

Inalis niya ang akbay at napahinto. Tatawa tawa naman akong lumakad na pababa at siya ay masamang nakatingin saakin.

Lumipas pa ang ilang oras at natapos na ang araw na masaya ako. Kasi di ko inaasahan na ang ang crush konay nililigawan na ako.

IKAW at AKOWhere stories live. Discover now