Di na kami nag aksaya pa nang oras at naghanda na para sa film. Gabi na din kaya mas maganda ang effect. Natapos namin ang ilang scenes pero di lahat so kailangan pati bukas ng maaga ay magawa namin.
Lumipas ang oras at naghihintay na kami na matapos maluto ang pagkain. Kaya nagkatuwaan ang barkada na magvideo at magsasayaw.
"patugtog ka nga tol" sabi ni aaron kay nathan
At nung nagpatugtog na si nathan ay di namin mapigilang magbabarkada na tumawa dahil sa pagsasayaw ni aaron
"par ano ba yan, sayaw ba yan? Para kang bulati na nabudbudan ng asin" pagkatapos kong sabihin ay tumawa ng tumawa ang barkada.
Lumipas ang oras ay natapos na din si tita na magluto at hinayin na ang pagkain. Habang kami ay kumakain ay tuloy pa din ang aming kwentuhan at katuwaan.
Natapos na kaming kumain at nakapaglinis na din kung kaya pumasok na kami sa kwarto. Sa isang kwarto ay ang mga lalaki at sa kabila naman ay ang mga babae.
Nung nagsipasok na sa kanikanilang kwarto ay naisipan namin nila Mela at Jenique na dumayo sa kwarto ng mga lalaki para makipag kwentuhan dahil di pa din sila nakakatulog. Nung nakapasok kami ay naabutan namin ang sila na nagkwekwentuhan kung kaya nakisali kami.
"anong pinaguusapan nyo?" tanong ni Mela habang umupo katabi ni aaron
"ikaw" sagot ni aaron kay mela at nag kantiyawan na kami.
"ano nga? HAHAHA" tanong ko naman
"mga katarantaduhan" sagot ni nathan at tumawa ng malakas
"shhh huwag kayong maingay at baka magising si tita nakakahiya"
"utot mo rick, wala kang hiya kaya tumigil ka" sabi ni nathan
Lumipas ang oras at puro kwentuhan lang at tawanan ang nangyari sa kwarto. Mga nakakatawang pangyayari sa buhay namin na hindi makakalimutan, mga nakakatakutan o ano pa na pampalipas oras. Hanggang sa umabot pa nga na naglalagay kami ng lipstick sa mukha ng mga lalaki na natutulog sa salas dahil di sila nakapasok at andun kaming tatlo sa kwarto ng boys.
Halos umiyak na kami sa katatawa sa pinag gagagawa namin sa ioang boys na natutulog sa salas at buti na lang din ay di namin nagigising sila tita, kundi nakakahiya yun. Inabot na ng als tres ng umaga at tulog na ang karamihan o sabihin na nating tulog na lahat, maliban saamin ni Mela na hanggang ngayon ay mulat pa.
Sabagay sanay naman na din kami sa puyatan, saka ang motto kasi namin ni Mela "overnight means gising sa gabi hanggang umaga, sleepover means dadayo lang ng tulog" HAHAHAHAHA
Maaga kaming nagising imean sila lang pala kasi wala pa kaming tulog ni Mela. Tas skl (share ko lang) nagkasakit si Mela, dunno why, siguro kasi naambunan sya kahapon? Buti na lang at wala na siyang scene kaya nasa bahay na lang sya nakatambay, tapos kaming natitira syempre nag vivideo.
Walang paawat ang mga boys, kahit naulan na ay tuloy pa din sila sa pagkuha ng video. Hanggang sa natapos sila at nagsipasok na sa bahay. Nag-ayos na kami ng mga gamit kasi alam naman namin na malapit na kaming umuwi. Pero bago yun naisip muna namin na magsaya, sa tabi ng bahay nila Andrea ay may kubo at sakto na may gitara sila, kung kaya nahiram ni alec at nagsimulang tumugtog.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...