Nung naglalakad na kami ay naunahan na ako ni Mela, kasabay ko na si Alec at sabay kaming napatawa ng nakita naming naghahabulan na ang tatlo sila Jenique, Rick at Aaroon.
Habang naglalakad kami ni Alec ay nagpaalam muna ako na sasabay kay Mela at tumakobo palapit kay Mela sa paglalakad palabas ng paaralan, at napaimik na lang ako "ayaw ko na mela huhuhu"
"ha? Anong ayaw mo na? Lintik kang babae ka kung kailan madami na tayo" sabi nito na may kasama pang batok
"ay ayaw ko na nga kasi pagod na ako" na kumakamot pa sa ulo
"hoyy babae wag kang umatras ha gutom na ako"
"di naman ako aatras sa kainan, ang akin lang Mela ayaw ko na. Bibitaw na ako sa kanya" habang naglalakad kami di ko maiwasang malungkot. Kasi sa loob ng ilang buwan na pagpapapansin kay crush wala pa ding nangyayari. Akala ko talaga madali lang hindi pala, nakaka challenge naman kasi si crush.
"ay ewan ko sayo babae, sabi mo sakin noon di ka magkakagusto sa kanya. Ano ito at ang itsura mo daig pa ang nakipag break sayo ang jowa mo?"
Di ko na lang pinansin si Mela at tuloy pa din kami sa paglalakad. Naisip naming magbabarkada na lakadin na lang kaysa sa sumakay pa. Nagkwekwentuhan na kami habang naglalakad, at ako ay nagiisip pa din sa kung anong gagawin ko.
Hanggang sa makarating kami sa McDo. Nang nakapasok na kami ay si Rick ang umorder kasama si Aaroon at kami naman ay umakyat na. Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na si Rick at Aaroon dala ang aming order este order nila.
Nang natapos kami, di pa kami umalis, tumambay pa kami ng ilang minuto hanggang sa bigla na lang umirit si Mela. Nagulat kami kasi tatahitahimik tas bigkang iirit
"hoy anyare sayo?" tanong ko at nakataas pa ang kilay. Hindi ito sumagot at tumingin lang sakin at ngingiti. Paktay na, nabaliw na ata.
Hindi ko na kinausap pa si Mela, kasi wala naman akong makukuhang matinong sagot. Nung mga 6pm na ay nagsitayuan na kami at lumabas na ng mcdo, pumunta kami sa terminal ng jeep at naghihintay ng jeep na byaheng pa sa amin. Habang nag hihintay, hindi mawala ang pagtataka ko kay Mela, kasi hanggang ngayon ay nakangiti pa din siya.
Nilapitan ko si Rick at bumulong "hindi kaya may nakain siya sa mcdo na kakaiba, kaya ganyan siya ngayon?" tumawa lang sakin si Rick at lumapit kay Mela, at parang tinatanong ito bakit masaya. May sinabi ito kay Rick, at mas nagtaka ako ng parehas na silang nakatingin saakin at nakangiti.
Dumadami na ang baliw sa Pilipinas sabi ko na lamang sa isipan ko, at nung dumating na ang jeep, buti na lamang at luag pa kaya sama-sama pa din kaming pauwi. Umandar na ang jeep, matapos mapuno. Kaya naisipan kung buksan ang cellphone ko kung may text o chat. At nakita ko ang message ni Mama na nagtatanong kung asan na ako, at gabi na ay wala pa. Nagreply lang ako dito ng pauwi na at tinago na ulit ang phone sa bag.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...