ILANG araw na ang lumipas simula nang magsimula ang klase. Di ko mapaliwanag ang kasiyahan ko dahil madami na din akong naging kaibigan. Isa na jan si Mela, Jenique, Nathan, Rick at madami pa.
Pag nasa loob ng klase kina Ica at Cole ako nakatabi, nakasanayan ko na sa kanila sumama, lalo na't pag may groupings. Pero pag naman free time ay kina Mela.
Philosophy.... Isa sa napaka sayang subject na talagang di ka mauubusan ng tawa kahit na nakaka antok. Ang gulo no? Parang buhay ko. (opsxz ang drama HAHAHA)
Ako at si Joan ay nag kwekwentuhan kahit na may klase, di lang naman kami. Karamihan sa amin di nakikinig at yung iba pa ay natutulog. Naisip namin na kulitin si Rick, hipo dito, hipo doon HAHAHA utas kami kasi parang nag pipigil lang ito.
"kaya paba?" tanong ni Joan na may kasamang tawa, ako naman ay di na makapag pigil kaya tumawa na din ako, malakas mga par. Buti na lang at nagtatawanan din ang iba dahil sa kwento ng aming professor.
"tigilan nyo nga akong dalawa" sabi naman ni rick, sabay tayo
"pasaan naman yun?" tanong ko kay Joan, tawa lang ito ng tawa. Pati sina Ica at Cole ay tawa na din ng tawa dahil sa kalokohan namin
"baka maglalabas ng init.... Este ng sama ng loob" tugon nito habang tumatawa pa din
"hay naku! Tumigil kana nga diyan at baka mautas ka"
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na si Rick, at nakatingin samin na natatawa.
"oyy success sya" galaw ni Joan
"ala para naman kayong ewan"
Hinawakan ko ang kamay ni Rick dahil ang saya nyang pag tripan "aba bakit basa ang kamay mo? Nayy! Anong ginawa mo?" tanong ko at tumawa na naman si Joan
Natapos ang morning class namin na wala kaming naintindihan at tawa lang ng tawa. Buti na lamang at nasa likuran kami kaya di kami pansin at di kami nasisita.
Natapos na ang lahat ang lunch break, afternoon class at di pa din kami tapos ni Joan sa pang tritrip kay Rick. Di naman sya nagagalit kahit alam namin na malapit na at maiinis na ito. Pero tuloy pa din kami. HAHAHA
Pauwi na at kasabay kong umuwi si Rick kasama sina Mela, Jenique at yung iba pa. At habang naglalakad kami ay di ko tinigilan si Rick
"babyyyyy" tawag ko kay rick at humawak pa sa kamay nito
"ala Gab ako'y tigilan mo" imik nito
"ayaw ko nga baby koooooo"
Di na napigilan nila Mela at nung iba na tumawa dahil sa pinag gagagawa ko. Hanggang sa nakasakay na kami dun pa lamang nahinto ang pang aalaska ko kay Rick.
Pero humingi muna ako ng sorry, at ayos lang naman daw walang bago. Pero sinabihan nya ako na tigilan na daw namin kasi mahirap daw magpigil. At doon talaga ako tumawa ng malakas mga 1000 times HAHAHAHAHAHAHA alam ko naman na di galit si rick sakin, kilala na namin ang isa't isa. Kaya kayang-kaya ko na siyang biruin at pagtripan, pero alam ko din naman kung hanggang san lang yung biro ko.
YOU ARE READING
IKAW at AKO
Short Storyikaw at ako na kung saan yun lang ang pinang hahawakan ikaw at ako na kung saan kontento na at walang pakialam ikaw at ako na kung saan ayos na, masaya na at wala ng hahanapin pang iba dahil kontento na sa salitang ikaw at ako.. walang tayo pero m...