Jealousy

5K 108 3
                                    

Ellie's POV

Agad nag trending ang IG live namin ni Zach because of his tip on how to put my lipstick.
It became a hot topic at umabot pa internationally. Dumagsa naman yung companies na kailangan ng product review namin ni Zach.

I will never do it again, baka kung ano pang gawin kalokohan ang maisip nya.

"I never thought that doing a product review would be so much fun" bungad nya sakin pagdating ko sa table to have our breakfast.

"I'll never gonna do it with you again" inis na inis kong sagot at umupo na sa mesa.

"Good morning hija? Maayos ba tulog mo?" Tanong naman ng Nanay nya sakin at nilapag na sa mesa yung niluto nya kaya tumango nalang ako at nagsimula na kumain.

"Oo nga pala Ma, Ellie and I will be gone for 3 days starting tomorrow... May charity ball kasi kaming pupuntahan, sa Boracay gaganapin, you wanna come?"

"Naku Zach, dito nalang ako sa bahay, hindi kasi ako sanay bumyahe eh, tsaka alam mo namang kaka-opera lang sakin" paliwanag naman ni Tita sakanya.

" I really hope you could come" sabi ko naman sakanya but she really decided to stay.

After kumain, agad na akong pumasok sa trabaho. Hindi na ako nagpahatid kay Zach. I'm not in the mood to play wife.

Pagdating ko sa set, alam ko na agad kung sino ang pinaguusapan nila. They think that I have a perfect marriage na kinababaliwan nila. Hindi ko naman pwedeng sabihin na peke lang ang lahat, so I have to play wife nanaman kahit sobrang annoyed na ako.

"Ms. Ellie, I bought you some Dimsum.. wala pa kasi ang male lead kaya kumain ka muna sabi ni Direk" bungad ni Jeni pagpasok nya sa tent ko.

Amoy palang takam na takam na ako kaya agad akong lumapit.

"Hinanda mo naba yung susuotin ko sa Charity ball?" Tanong ko sakanya and she nodded.

"Hinatid ko na sa Bahay nyo, and I also packed your things, i-check mo nalang later kung may kulang pa" paliwanag nya naman.
I grab my chopsticks para makapagsimula na but I suddenly felt nauseous.

"Okay ka lang?" Tanong ni Jeni sakin, hindi na ako nakasagot dahil agad akong pumunta sa restroom and she followed me while I'm throwing up.

"You're not pregnant right?" She suddenly ask me and made me freak out. 

"Off course not!! ano bang pinasasabi mo! I Just had my period" paliwanag ko naman. "I think I'm just having an upset stomach." dagdag ko naman. 

"I remembered na nagkakaganyan ka if you're confused or can't decide on something and super stress" she said and I'm not sure why I suddenly have this. 

Maybe because of the make up challenge ambush? Uhhh! that was insane!

Kinagabihan, sinadya kong late na umuwi to miss the dinner, I can't skip it while his Mom is around kaya mas mabuti na kung ang alam nya ay busy ako sa trabaho. 

Pagdating ko, she's still waiting for me at agad naman akong sinalubong. 

"Hija, bakit ngayon ka lang? galing ka ba trabaho?" tanong ng nya. 

"Yes Ma, we have a lot of scenes to shoot kasi" paliwanag ko. Oh diba? nakiki-Mama na ako. 

"Kumain ka na ba? ipaghahanda kita" tanong nya ulit.

"Ma wag na po, kumain na ako sa set, magpapahinga nalang po ako kaagad" 

"O sige, puntahan mo na si Zach, kanina ka pa hinihintay nun" she said and I suddenly faked a smile. 

Married Overnight (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon