Xian Zulueta POV
"Ingat kayo sa pag-uwi."
"Bawal malate bukas baka pagalitan tayo ni madam!"
"Sige una na ako. Ikaw Xian sasabay ka ba sa akin?" tanong ni Faith na agad naman akong umiling.
Hindi naman talaga kami parehas ng way ni Faith. May dinadaanan pa ako para lang talaga magkasabay kami at ngayon wala na akong extrang pera.
"Huwag na, wala na rin akong extra money," ngumiti na lang ako. Alas nuebe na kasi ng gabi kaya nagsisi-uwian na rin kami, kaso mas naunang umuwi si Ate Joy may anak kasi 'yon at kailangan siya.
"Hoy Neil! Ihatid mo si Xian!"
"Ano ka ba! Tumigil ka na nga," sabat ni Faith.
Nalasing kasi si Jaisy kaya pinipigilan na siya ni Faith pero hindi siya matapos sa pagsasalita.
"Sige una na kami, ingat kayo."
"Sabay na ako sa inyo!" habol naman ni Jessie sa kanila. "Ingat ka Xian sa pag-uwi ah, ikaw din Neil. Happy birthday uli."
"Sige, salamat. Ingat din kayo." hindi naman na nagtagal si Jessie at sumunod na kila Faith.
Kung malapit lang ang bahay namin ni Faith ay sasabay na talaga ako, kaso nakulangan pa ang pera ko.
Kanina ko pa pinaplano na sa pag-uwi ay sasabay ako sa kaniya at kanina ko pa rin nabilang ang pera ko. Uutang sana ako sa mga kasama ko pero naubos na rin ang pera nila kaya wala na akong choice. Gusto sana nila pahiramin ako kaso kinakausap din nila ako tungkol kay Neil kaya no choice na ko.
"Una na rin ako Neil, happy birthday uli." ngumiti ako at tumalikod na pero siyempre ineexpect kong sasabihin niya 'yon.
"Hatid na kaya kita?" lumingon ako sa kaniya.
"Gusto mo bang ihatid ako?" hindi siya sumagot. "Oh, ako ang gusto mo?" seryoso kong tanong sa kaniya dahilan para hindi siya makapagsalita. "Joke lang! Tara na hatid mo na ako." wala na siyang nagawa kaya naglakad na kami.
Habang naglalakad ay nagsasalita ako para makalimutan ko ang pagkailang ko habang siya tahimik at nakikinig lang."Alam mo para na kitang nakababatang kapatid kaya nang nalaman ko uli kung ilang taon ka na, na mas matanda ka pa pala ay dapat pala ikaw pa ang tawagin kong kuya pero parang ate mo na rin ako. Ito regalo ko sa 'yo. Nakalimutan kong ibigay kanina pasensya na." inabot ko sa kaniya ang paper bag na agad niya namang tinanggap.
Sana ay malaman niya rin ang pinupunto ko sa sinabi ko kanina. Ang hirap kaya! Feeling ko wala pa akong nasasabi ay nasasaktan ko na siya at ayoko ng gano'n pero ngayong nasabi ko na ang iba kanina ay mas lalo ko ata siyang nasaktan.
"Hmm? Lapis?"
"Take note! Hindi lang iyan basta lapis 'no! Pang-sketch kaya 'yan!" masigla kong sabi.
"Alam ko, ito ang ginagamit ko." Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ayaw niya lang talaga sa regalo ko.
May kaya kasi si Neil kaya ganiyan ang reaksiyon, porket kaya niyang bumili ng napakaraming ganiyan, iba pa rin kapag kaibigan ang nagbigay!
YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Teen FictionOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...