Xian Zulueta POV
Dalawang linggo pa bago ang birthday ko pero kung makaasta itong mga kasama ko parang bukas na iyon magaganap, mas excited sila kaysa sa akin.
"Saan tayo magpapa-schedule?"
"Sa Jollibee na lang!" suggest ni Jaisy kaya tumawa sila.
"Ano ako baby?" nakakunot ang mga noo ko habang nakaturo sa sarili.
"Baby ni Neil, oo! Hahaha-- Aray!" agad siyang binatukan ni Neil kaya nagtawanan kami.
Sa friday pa ang birthday ko kaya naisipan nila na pagkatapos ng trabaho ay kakain kami sa labas na lagi naman naming ginagawa, ewan ko ba sa kanila.
"Nabasa mo na ba 'yung nasa papel?" napalingon ako kay Neil nang ibulong niya iyon kaya nakangiti akong tumango.
"Akala ko nga kung ano,"
"Try mo 'yun ah? Saka huwag kang mag-alala bibigyan kita nang bibigyan ng konting writing tips, kahit hindi naman ako professional," kininditan niya pa ako kaya nahampas ko siya.
"Umayos ka nga," nakangiti siyang umalis papunta roon sa costumer. Habang ako ay napalingon kay Faith nang kalabitin niya ako.
Hindi ko pa pala siya nakakausap.
"Nakatingin sa inyo si madam kanina," napatingin ako kay madam na napaiwas ng tingin nang magsalubong ang mata namin.
Nagseselos ba siya? Galit? Nawala sa isip ko, baka mawalan pa ako ng trabaho.
"Mamaya nga pala, sabay tayo uwi." nginitian niya ako saka tumalikod.
Mas na-excite ako sa pagtatrabaho dahil mamaya ay sabay kami ni Faith kaya nang matapos ang trabaho agad akong pumunta sa kaniya nang nakangiti.
"Kain muna tayo?" tanong niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.
Iba pa rin pala talaga kapag nag-uusap kami.
"My treat," pahabol niya.
"Edi mas okay! Hindi ako tatanggi."
"Yeah, sure. Huwag kang mag-alala kapag natapos na ang birthday mo wala nang libre," umakto pa akong nalungkot pero ngumiti uli ako.
Nagpaalam naman na kami sa kanila at agad na umalis. Pumunta lang kami sa lagi naming kinakainan na lugawan kapag nagugutom kami lalo na kapag sumasabay ako sa kaniya. Agad kaming nag-order at saka tumingin nang mauupuan.
"Well, hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero sorry talaga sa inasta ko sa 'yo," paliwanag niya kaya tumatango-tango lang ako.
"Ano ba kasing nangyari? Sa inyo ba 'to ni Jaisy or may regla ka lang talaga that time?"
"Nasa kainan tayo," hindi ko mapigilang matawa saka nag-peace sign.
"Sa amin ni Jaisy--"
"I knew it! Spill the beans na!" napabuntong hininga naman siya.
"Alam niyo namang lahat na nanliligaw sa akin si Jaisy at alam ko rin naman, akala ko nga totoo 'yun pero may girlfriend pala ang loko--"
"Shocks, totoo?" napatigil ako sa pagkain ng lugaw at nasa sa kaniya na lang ang atensiyon ko. "P-paano mo nalaman?"
"No'ng pagkatapos ng birthday ni Neil nalasing siya kaya kinuha ko ang phone niya para tawagan ang kuya niya para makauwi siya. Hindi naman ako nahirapan dahil walang password hanggang sa dumating 'yung kuya niya kasama ang isang babae na girlfriend pala niya,"
YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Fiksi RemajaOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...