Chapter 3

42 9 0
                                    

Xian Zulueta POV

Nakakapanibago ang araw ngayon dahil wala na akong gigisingin, wala nang maingay at makulit na bata sa condo. Kahit dati ganito naman na ang nangyayari pagkagising ko pero ngayon ay parang may kulang pero wala na akong magagawa kaya initindi ko na lang ang sarili ko.

"Oh, anong nangyari sa chef natin? Heart broken?" bungad ni Jaisy sa akin kaya agad ko siyang nabatukan pero tinawanan lang ako ng loko.

"Kaloka ka! Para kang patay sa ayos mo! Anong nangyari? Bakit parang hindi ka natulog?" umupo ako, malapit sa lamesang pinupunasan ni Faith. "Nakakamiss naman si Lylle wala na akong nayayakap kapag nandito ka na,"

"Edi ako yakapin mo," banat naman ni Jaisy sa likuran kaya natawa naman ako. Galing sumingit.

"Tumigil ka," nakataas na kilay na sabi ni Faith at bumaling sa akin. "Anong nangyari?"

"Namimiss ko rin si Lylle," tumango-tango pa siya at naiintindihan na kung bakit ganito ako ngayon.

"Nakakamiss naman talaga siya pero kailangan sanay ka na 'di ba? Kasi noong umpisa naman talaga wala siya,"

Alam kong si Lylle ang tinutukoy niya pero iba 'yong tama sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Nahinto lang kami sa pag-usap nang magpekeng ubo si madam kaya sigurong narinig niya ang pinag-uusapan namin. Agad naman na kaming kumilos dahil nagsidatingan na rin ang mga costumer.

"Huwag mo na lang muna intindihin dahil maaapektuhan luto mo niyan, sige ka." tumango na lang ako saka nagsuot ng apron at hair net.

Sa una ay wala namang nagrereklamo sa mga pagkain kahit nagluluto pa rin ako pero hindi nagtagal may mga nagreklamo na rin. No'ng una pinalipas muna nila madam kaso dumadami na. Bakit daw tumabang, iyong iba naman ay bakit daw kulang sa lasa kaya napagdesisyunan nilang huwag muna ako sa kusina magtrabaho. Masakit para sa akin dahil ngayon lang nangyari 'to kaya nandito ako ngayon sa k'warto habang pinapagalitan ni madam.

"Hindi ko kailangan ng drama mo! Ang dami ng nagrereklamo!" dinuduro niya pa ako pero hinahayaan ko lang. "Mamili ka, aalisin mo iyang bumabagabag sa isip mo o ikaw ang aalisin ko ngayon na mismo sa trabaho?" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Ganiyan ba talaga siya kaperpektong tao?

"Ginagawa ko naman ho ang lahat--"

"Sorry for that Zulueta, pero hindi ko kailangan ang salitang ginagawa ko naman ang lahat dahil parang napipilitan ka lang! Edi dapat hindi ka na lang pumunta at pumasok rito baka maintindihan ko pa! Hindi 'yong parang kasalanan ko pa na ganiyan ka pumasok dito!"

Napabuntong hininga na lang ako at lumabas sa k'wartong 'yon nang hindi man lang nagpaalam sa kaniya. Kahit ano naman ang sabihin ko, wala ring magbabago. Galit pa rin siya.

"X-xian anong nangyari?" bungad ni Faith sa akin pagkalabas ko pero hinawakan siya ni Jaisy at pinipigilan siya.

Nasalubong ko pa si Neil na isa rin sa mga katrabaho namin, kakausapin niya na sana ako kaso lumabas na ako kaya hindi na 'yon natuloy.

Bakit parang ang baba naman ng pakiramdam ko ngayon?

"Ah leche! Umayos ka naman Xian! P'wede mo naman siyang dalawin!"

My Love, Wattpad (Online Series #2)Where stories live. Discover now