Chapter 6

32 9 0
                                    

Xian Zulueta POV

Mabilis natapos ang weekend kaya balik trabaho na ulit. Nandito na ako kanina pa sa karinderya pero wala pang tao, sa bagay maaga pa pero kalamitan kapag mga alas-otso na ng umaga meron ng costumer kaya ito kami nakaupo pa rin.

"Nagbabasa ka rin niyan Faith?" napatingin kaming lahat kay Jessie, isa rin sa mga kasamahan namin na babae.

"Ahh oo, nagbabasa ako ng iba pa niyang mga libro. Tapos ko na rin ang Reader of Mine, ang sakit sa pakiramdam--Ay teka baka naiispoil kita?"

Nagbabasa kasi si Faith ng isa sa mga libro no'ng Gitchigoo habang wala pang costumer. Nahiram niya 'yung libro sa kapatid niya na nagbabasa at isa rin sa mga fan ni Gitchigoo. Kanina kasi ay sabay kaming pumunta rito sa karinderya kaya nakuwento niya sa akin.

"Ahh hindi tapos ko na rin 'yon, sa katunayan ay tapos ko na rin 'yang binabasa mo--"

"No spoiler!" agad kaming natawa sa naging reaksiyon ni Faith pagkatapos 'yong sabihin ni Jessie.

"Alam ko, pero nabasa mo na siguro 'yung tungkol sa author niyan doon sa Reader of Mine?"

"Ahh oo nga, grabe ang nangyari roon sa author. Namatayan ng minamahal." aniya pa ni Faith habang yakap yakap 'yung libro at iniisip na 'yun ang mahal na tinutukoy niya.

"Huwag kang mag-alala hindi agad ako mamatay." singit naman ni Jaisy kaya napalo siya ng libro ni Faith dahilan para mas lumakas pa ang tawanan.

Nasundan pa 'yong pang-aasar nila kila Jaisy at Faith. Nagkuwentuhan din sila tungkol kay Gitchigoo at sa mga storya niya ng bigla iyong nahinto dahil dumating na si madam.

"Good morning po," sabay na bati namin.

"Nagbabasa kayo ng storya niya? Alam niyo bang estupida ang babaeng iyan?" agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Pati ba naman 'yung author ay ayaw niya? Halos lahat ata ng tao sa mundo ay ayaw niya. Kung makapagsalita parang naranasan niya ang naranasan ng author.

"M-madam huwag po kayong magsalita ng ganiyan. Hinahangaan po namin siya at magaling po siya." depensa ni Faith.

"Saan niyo hinahangaan? Na iwanan ang pamilya n'yo para lang sa taong mahal ninyo?"

"Madam lahat po ay gagawin ng isang tao lalo na po kung ay mahal niya ito," singit naman ni Jaisy na napatingin pa kay Faith.

"Hinahangaan niyo sa paanong paraan? Mahal niya ang pagsusulat tapos ano? Iniwan niya kasi namatay ang lalaki niya?"

"Hindi naman po siya makikilala kung wala rin po 'yung lalaki dahil ang lalaki rin po ang nagbigay sa kaniya ng inspirasyon para mas lalong mapaghusayan pa ang pagsusulat kaya paano po kayo makakapagsulat kung wala ang inyong inspirasyon kung bakit kayo sumusulat," dahilan pa ni Jessie kung kaya napabuntong hininga na lang si madam.

May point siya pero hindi niya nasabi ang fans ni Gitchigoo na pwede ring maging inspirasyon at marami pang iba, pero okay na rin. Hindi ko naman masasabi 'yan dahil hindi ko naman naranasan.

"Kung makaasta kayo e, sa website at mga libro na tungkol sa kaniya lang ang alam niyo pero kung maipagtanggol ninyo parang kilalang kilala n'yo."

"Idol po namin siya sa pagsusulat kaya kahit anong mangyari ay mamahalin at ipagtatanggol namin siya." natigilan ang lahat dahil sa sinabi ni Jessie.

"Hindi siya estupida sadyang nagmahal lang siya." dugtong naman ni Faith kaya hindi agad kami nakapagsalita. Kahit ako ay natamaan sa sinabi ni Faith.

"Magsibalik na nga kayo sa mga trabaho n'yo! Porket walang costumer magchi-chismisan na kayo? Hindi ko sineswelduhan ang pahinga ninyo! Ang kailangan ko kasipagan n'yo! Balik sa trabaho!"

Kung nandito lang si Neil ay baka mabait siya sa amin. Wala kaming nagawa kung hindi sumunod kay madam dahil may dumating na rin na costumer kaya agad kaming nagsikilos.

Maayos naman ang pagtatrabaho namin parang wala ngang nangyari kanina e. Hanggang sa hindi namin namalayan na hapon na pala. Madami pa rin kasi ang costumer kaya hindi na namin napapansin ang oras. Sa lunch time lang kami nakapagpahinga.


"Wooh! Sagutin mo na iyan!" agad kaming nagkatinginan ni Jessie sa narinig naming sigaw mula roon sa labas. Siya kasi ang kasama ko rito sa kusina.

"Anong nangyayari?" tanong ni Jessie pero hindi ko naman nasagot dahil kasama niya rin ako dito kaya wala rin akong kaalam-alam. Agad naming pinatay ang mga kalan at lalabas na sana kami nang dumating si Faith.

"May nagpo-propose na lalaki sa labas ng karinderya natin! Nakakakilig! Bilisan n'yo para makita n'yo!" pagkasabi niya ay agad kaming napatakbo ni Jessie.

Doon namin naabutan na nagyayakapan na 'yong dalawa kaya ibig sabihin sinagot na siya no'ng babae. May hawak din siya na bulaklak.

"Ahh shit! Nagkaroon ako ng idea sa sinusulat ko!" kinikilig na aniya ni Faith.

Napatingin naman ako sa dalawa, hindi pala napatingin dahil natagalan iyon kung hindi lang ako tinawag ni Ate Joy na isa rin sa mga ka-trabaho namin ay baka nandoon pa rin ako nakatayo.

Kahit nagluluto pa rin ako ay naaalala ko pa rin 'yung kanina, hanggang sa mag-uwian na at nasa bahay na rin ako iisa lang ang nasa isip ko at katulad pa rin no'ng kanina. Nagluto na lang ako ng adobong sitaw para sa ulam ko ngayon pero kahit tapos na akong magluto at kumakain na ngayon ay wala pa ring nagbago sa iniisip ko.

"Ah shit!" sigaw ko habang tumatalon. "Nakaisip rin ako ng storya! Ah shit! Kinikilig ako bakit gano'n?!" agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang wattpad app.

Hindi naman talaga umikot ang istorya roon sa dalawa pero may dalang bulaklak 'yung babae kanina at doon ako nakakuha ng ideya.

Tapos na ang kasal no'n at nasa reception na sila. Ihahagis na rin ang bulaklak kaya nagsi-unahan ang mga babaeng single na makuha 'yon.

Merong isang babae na focus na focus para sa bulaklak pero hindi siya ang nakasalo kaya nakipag-away pa talaga siya para lang makuha 'yon kaya wala nang nagawa ang nakasalo at binigay na lang sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ang babae.

Masiyahin 'yung babae. Maganda naman siya pero siya na lang kasi ang hindi pa kinakasal sa tatlo niyang mga kapatid kahit siya ang pinakamatanda. Kaya ganoon na lang ang kagustuhan niyang makuha ang bulaklak.

Kung meron sa babae, ay meron din sa lalaki. Kaya sa part na isusuot ng lalaki ang tali sa hita ng babaeng nakakuha ng flower ay kinikilig ang lahat. May itsura kasi 'yung dalawa at bagay sila.

Dahil din doon sa nangyari ay naging magclose ang dalawa. Hindi nagtagal naging sila. Nagtagal naman sila kaso nang ikakasal na sila ay namatay 'yung lalaki tapos hinagis no'ng babae ang bulaklak nang nililibing na ang lalaki.

"Akala ko ihahagis ko ang bulaklak sa araw ng kasal natin pero hindi ko akalain na maghahagis ako ng bulaklak hindi dahil kasal natin kung hindi dahil namatay ang lalaking gusto kong pakasalan." sabi no'ng babae.

The End.

"Shet," mura ko nang mabasa ang ginawa ko at saka tumawa ng malakas.

My Love, Wattpad (Online Series #2)Where stories live. Discover now