Chapter 13

39 9 0
                                        

Xian Zulueta POV

Hindi ako makatulog dahil iniisip ko 'yung napaginipan ko kanina. Nakapikit lang ako at kung minsan ay pabago-bago ng pwesto. Dumilat uli ako at napatingin sa bintana. Wala naman akong nakita kung hindi sa ilaw na nanggagaling sa labas at liwanag mula sa buwan.

Hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras na akong paulit-ulit na ganito. Naupo ako't kinuha ang cellphone.

"Paano kung may dahilan kung bakit ako nagcu-cutting?" napaisip ako at nakakuha ng idea.

May isang babaeng laging nagcucutting at isang subject lang ang hindi niya pinapasukan, iyon ang last subject nila. Unfair man sa iba kung titingnan pero may dahilan naman siya kung kaya't pinapayagan siya ng mga guro niya at hindi tinutukso ng mga kaklase.

One time paalis na siya nang natanggal ang sintas ng sapatos niya kaya pinatong niya ang isang paa sa hagdanan para maabot at maayos iyon. Hindi naman 'yon nagtagal kaya aalis na sana siya nang may dumaan na babae't lalaki sa gilid niya. Magkasintahan 'yon pero mas bata kaysa sa kaniya.


Nabunggo siya no'ng lalaki at ito pa ang nagalit sa kaniya hindi niya napigilan ang sarili na makipagsagutan hanggang sa may pumigil sa kanila.

Isa siyang lalaki na matangkad at moreno. Pinagalitan nito ang magkasintahan pero hindi siya pinansin at umalis lang ang dalawa kaya naman napatingin na ito sa kaniya.

Aalis na sana siya pero nakaharang ang lalaki sa dadaanan niya kaya nabunggo niya ito at sa pagmamadali ay hindi na siya nakahingi ng paumanhin.

"Boy! Dinadaanan ka lang?"

"Ganda no'n ah, hindi mo man lang tinanong 'yung pangalan," sabi naman ng isa niyang kaibigan.

"Bata pa 'yan," pinagmasdan nila ang babae kung paano tumakas sa school.

"Teka hindi mo ba pipigilan?"

"Hayaan mo siya,"

Hanggang sa sumunod na araw pumunta uli roon 'yong lalaki ng gano'ng oras at sakto namang nandoon uli siya kaya pinigilan na siya sa balak niya. Nainis 'yong babae pero wala din itong nagawa kung hindi ang bumalik sa room.

Hanggang ilang beses na iyong nangyari hindi siya nakakapagcutting kaya imbis na isang subject lang ang hindi niya pinapasukan bago maguwian ngayon ay dalawa na para hindi siya maabutan ng lalaki.

'Yong lalaki naman ay nagtaka dahil hindi niya na nakikita 'yong babae kaya natutuwa siya kasi akala niya hindi na ito nagcucutting. Hanggang sa may nakita siyang ID na nakasabit sa bintana.

Kinuha niya 'yon at nakita niya ang mukha ng babae roon. Siguro ay nasabit ito ng tumatakas siya kaya kinuha niya 'yun. Nalaman niya ang pangalan, section at kung saan nakatira kaya pinuntahan niya ang lugar na nakalagay doon.

Nakita niya ang babae na nagtitinda habang may binabantayan na isang batang lalaki.

May dalawang kapatid 'yung babae. Isang batang babae at isang lalaki. Ang bunso nilang lalaki ay may sakit na dahilan ng pagcutting niya, at ang batang babae ay nag-aaral sa elementarya.

Wala na silang magulang kaya siya ang tumayo bilang magulang para sa mga kapatid niya. Matalino siya kahit nagcucutting kaya hindi siya pinipigilan ng mga teacher niya, dahil alam nila ang kalagayan niya kaya minsan ay imbis na sa school siya nag-aaral ay sa bahay na. Naiintindihan naman ng mga kaklase niya kaya malaking bagay na iyon para sa kaniya.

My Love, Wattpad (Online Series #2)Where stories live. Discover now