Xian Zulueta POV
Naging masaya at kampante naman ako kung saan ako pansamantalang pinakilos sa karinderya. Naging madali rin sa akin dahil kasama ko naman si Faith doon. Kaya naging mabilis ang lahat at binalik na uli ako sa kusina. Friday na rin ngayon kaya masaya ang lahat dahil walang pasok kinabukasan. Katapusan na rin ng buwan kaya may sahod na kami.
"Yes! May sahod na!"
"Saya ah,"
"S'yempre! Mabibili ko na ang libro na gusto ko!"
Nag-aayos na ako ng gamit ko dahil uwian na rin namin at gusto ko nang makauwi agad para makapagpahinga na rin kaya hindi ko na nabigyang pansin ang usapan nila sa labas.
"Pst, Xian!" napatingin ako sa pintuan, si Faith ang nandoon. "Samahan mo ako punta tayo Victory Mall may sasadyain ako sa National Book Store," ngumiti siya sa akin.
"Anong gagawin natin doon?"
"Ako meron, baka ikaw may matipuhan ka roon na bilhin,"
"Kaka-sweldo lang ah?"
"Baka kasi mawala pa iyong libro na gusto ko e," tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos. "Mamaya ah! Antayin kita sa labas." tumango na lang ako.
Gusto ko mang tumanggi ay binilisan ko na lang ang pag-aayos dahil ayoko ring gabihin doon baka tumagal pa si Faith. No'ng natapos na ako ay agad naman kaming bumiyahe. Medyo traffic dahil uwian na rin ng iba at friday pa. Nairaos naman namin 'yon at sa sobrang tagal ay nagutom kami.
"Ano bang gagawin mo ro'n?"
"Bibili lang naman ako ng libro pero ayoko ng mag-isa kaya sinama kita," nginitian niya ako.
Kumain na kami ng dumating na ang order namin at pagkatapos ay agad kaming pumunta sa pakay niya. Ang sabi niya libro lang ang bibilhin niya pero bago kami makabili ng libro ang daming color pens at ballpens ang naroon sa basket niya.
"Ahh! Last ko na 'tong pagpunta rito. Grabe napapagastos talaga ako." aniya kaya natawa ako. Hinanap niya na ang libro na gusto niya, kaya sinundan ko na lang siya pero pagkalapit ko roon hawak niya na agad ang libro.
Nakaramdam na naman ako ng kakaiba dahil nakita ko na naman ang librong 'yon.
"Reader of mine rin ang bibilhin mo?" napalingon naman sa akin si Faith.
"Alam mo rin ito?" magsasalita na sana ako kaso pinigilan niya. "Oops! No spoiler ah! Hindi ko pa ito nababasa." tumango ako bilang sagot.
"Kahapon pumunta rin dito 'yong mama ni Lylle at binili rin 'yan. Binasa ko ang blurb at tinanong niya ako kung maganda ba kaso hindi ko pa nasasagot, nilagay niya na sa basket." tumango-tango naman siya sa sinabi ko.
"Maganda raw kasi ito,"
"Saan mo naman nalaman?"
"Nababasa ko na ang ibang part ng kuwento nito sa mga social media. Ang ganda raw kaso ang tragic. Ayoko naman nang magbasa pa baka ma-spoil ako lalo, kaya ito bibili na ako." paliwanag niya saka nilagay ang libro sa basket. Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya.
Agad na nanlaki ang mata namin nang ilang lakad pa lang ay may tao nang nakapila at doon lang namin napagtanto na kami ang nasa dulo. Habang nag-aantay kami ay kinuwento na lang niya ang storya ng author ng librong binila niya.
Ito raw ay true to life story ng author at tragic story pa ito kaya mas bumenta sa tao. Nang mangyari ang trahedya na nangyari sa mahak niya ay sinulat niya ang librong Reader Of Mine, iyon na rin ang huling librong pinublished niya. Hanggang sa maibalitang binura na raw ang account niya sa Wattpad kaya gusto ring makabili ni Faith dahil iyon na lang ang paraan para mabasa niya 'yung storya.
"Wattpad?" tanong ko kaya nahinto siya.
"Isa iyong app kung saan puwede kang magbasa ng story na gawa ng iba at puwede ka rin doong magsulat ng sarili mong k'wento," tumango naman ako kaya pinagpatuloy na ni Faith ang sinasabi niya kanina.
Ang balita na lang daw sa author na 'yon ay hindi na siya nag-asawa at hindi na nagsusulat dahil wala na raw ang taong dahilan kung bakit gusto niya ang mga bagay na 'yon.
May point siya pero kung nagustuhan at napamahal ka na sa pagsusulat, sapat na bang rason 'yon? Napakibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin masagot ang sarili kong tanong dahil hindi ko naman naranasan ang naranasan niya.
"Wala rin siyang kabackround-backround kasi sinearch ko na siya, kaso kung ano ang lumalabas sa mga nababasa ko iyon lang din ang nakikita ko. Bali-balita ay mga nasa 60's na siya," dugtong ni Faith at hindi ko alam pero naging interesado ako sa kuwento ng librong 'yon at nang author kaya nakinig lang ako sa kaniya.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa condo na pala ako at hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang kuwento ni Faith sa akin kanina. Ang sakit lang dahil sa mga naranasan no'ng author kahit ako ay nasasaktan para sa kaniya. Kung kasama ko siya ngayon ay baka yakapin ko lang siya at hindi magsasalita.
Kaya ito ako ngayon, tinitingnan ang libro.
Reader of Mine
Gitchigoo
Gitchigoo ang username niya at dahil gusto kong malaman kung bakit naging ganoon at marami pa akong gustong malaman kung ano man ang meron sa author na ito nagsearch din ako. Hindi ito nasabi ni Faith sa akin kanina at ang nakalagay rito ay...
Hindi gitchigoo ang una niyang username roon sa wattpad. Related ito roon sa lalaking mahal niya. 'Gitchigoo means I Love You' iyon daw ang meaning no'n na nabanggit sa isang kanta sa isang episode ng Phineas and Ferb.
Ilang taon naging sila hanggang sa naaksidente na nga ang lalaki at sa kasawiang palad ay hindi nito nakayanang umabot pa sa hospital.
Alas dose na ng umaga pero nakahiga lang ako at hindi makatulog habang pinagmamasdan ang tanawin sa bintana ko. Dilim lang ang nakikita ko pero kahit gano'n ay may mga bituin na nagpapailaw dito. Malamig ang pumupasok na hangin galing sa bintana ko kaya napapikit ako at dinadama ang bawat dampi nito sa katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/220810288-288-k968345.jpg)
YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Fiksi RemajaOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...