Chapter 8

33 9 0
                                    

Xian Zulueta POV

Sabay kaming pumunta ni Faith sa karinderya ngayon kaya naikuwento ko rin sa kaniya ang nangyari kahapon. Tiningnan niya rin 'yung account no'ng nagcomment sa akin.

"Wattpad ang username niya?" agad na tanong niya sa akin.

"Yes, ang weird 'di ba?" tumango naman siya at nagpatuloy sa pang-iistalk.

Pinabasa ko rin sa kaniya ng message naming dalawa kagabi. Nagalit pa nga siya no'ng una pero baka wala lang daw magawa sa buhay 'yon at inggit sa akin kasi may followers daw ako, ganoon daw kasi 'yung mga batang babae na feeling wattpad lang.

Hindi namin alam kung babae ba iyon o lalaki pero mas marami raw ang mga babaeng nagbabasa sa wattpad kaya raw baka babae ang nakausap ko. No'ng una ay nagtaka pa ako dahil ang mature naman magtype ng batang babae? Pero sinabi ko na lang din sa sarili ko na baka nga bata lang.

Wala na namang masyadong costumer ngayon dahil hapon na rin naman kaya naikwento pa ni Faith 'yon sa mga kasama namin sa karinderya at tiningnan din nila 'yung account.

"Wattpad talaga username niya?" kumento naman ni Jaisy at dahil nga alam na nila at wala na akong magawa pinabasa na rin ni Faith ang message namin.

"The hell? Ang lakas naman ng topak niyan," agad kaming napatingin kay Neil sa naging reaksiyon niya.

Nagalit din sila at minessage 'yung account. Pinigilan ko sila no'ng una kaso ayaw nila magpapigil kung kaya't napabuntong hininga na lang ako.

Doon natapos ang pagkekuwentuhan namin dahil dumami uli 'yung mga costumer kaya balik trabaho uli.

Si Neil ang pinakatahimik sa amin dito sa karinderya pero sa lahat ng nandito sa amin, kay Jaisy siya palasalita. Kaibigan kasi siya ni Jaisy at pinasok lang siya dito no'ng naghahanap si madam ng tao.

Siya rin ang huli sa aming lahat na pumasok rito para magtrabaho. No'ng unang araw niya pa lang dito ay ako ang nagtuturo sa kaniya kaya siguro gano'n na lang din ang naging reaksiyon niya kanina.

Hindi nagtagal ay uwian na namin kaya nagpaalam na rin kami sa isa't isa saka ako dumiretso ng uwi. Sakto namang pagkauwi ko ay nagutom na rin ako kaya nagluto na ako. Dahil gutom na gutom na ako ay cornbeef na lang ang niluto ko, para mabilis lang.

Mga ilang minuto rin ng natapos na ako magluto, may natira pa namang kanin kaninang umaga kaya hindi na ako nagsaing. Hinanda ko na ang kakainin ko saka ako umupo. Kumakain na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Faith sa akin.

"Oh napatawag ka?" sabi ko habang kumukuha pa ng kanin.

"Gosh! Hindi ka pa ba nag-open ng messenger mo?" pagkasabi niyang 'yon ay nahinto ang pagsandok ko.

"Bakit? Ano bang meron?"

"Nag-reply na sa amin 'yung wattpad! At nalaman din ni Jaisy na lalaki siya! Kaya pala ganoon 'yun magsalita, wala atang pakiramdam. Alam mo ba---"

"Magbubukas na lang ako siguro mamaya? Kumakain kasi ako." pagkasabi ko ay tumahimik sa kabilang linya.

"Ahhh shit, sorry Xian. Hindi ko alam. Sorry talaga." hindi na ako nakapagsalita dahil pinatay niya na.

My Love, Wattpad (Online Series #2)Where stories live. Discover now