Xian Zulueta POV
Weekend ngayon at wala akong masyadong magawa kaya nagluto na lang ako ng pancake at nagtimpla ng juice para habang nanonood ay may kinakain ako. Hindi ko naman type ngayon magkanin at hindi ko rin alam kung bakit.
Tinanghali na rin kasi ako ng gising dahil kagabi. Kahit hanggang ngayon nga ay naiisip ko pa rin 'yon kaya hindi ko nabibigyang pansin ang pinapanood ko. Napatingin ako sa lamesa nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon at bumalik uli roon sa p'westo ko kanina, tumatawag si Faith sa akin.
"Hello--"
"Shit Xian! Ang sakit! Ang sakit no'ng ending! Huwag mo ng basahin kahit maganda! Parang ikaw 'yong bida sa k'wento! Parang pinasa sa 'yo ang sakit na naramdaman nang author!"
Hindi ko alam kung saan ako mabibigla sa sinabi niya, dahil ba masakit 'yung ending? Or dahil natapos niya na agad basahin?
"Natapos mo na agad?"
"Oo! Wala pa akong tulog at kakatapos ko lang basahin ngayon! Ang sakit talaga hindi ko kaya! Parang pinasa talaga sa 'yo, ang sakit! Kahit antok na ko hindi ko magawang makatulog kakaisip doon sa k'wento!"
"Ibig sabihin magaling talaga siyang magsulat?" wala sa sariling tanong ko.
"Hindi ganoon 'yon Xian! Ibig sabihin no'n grabe ang napagdaan ng author para ganoon ang maging impact sa mga nagbabasa, kasi parang may pinaghugutan talaga siya, totoong kuwento pa! Leche gusto kong yakapin 'yong author at i-comfort!"
Ang daming sinabi ni Faith tungkol sa kung anu-anong naramdaman niya sa kuwentong 'yon hanggang hindi na ako nagsasalita at pinapakinggan na lang siya. Mga ilang minuto pa ang tinagal n'on at nagpaalam na rin siya dahil dumating na ang pagkain na inorder niya. Hindi niya rin daw kasi magawang magluto sa bigat na nararamdaman niya.
Ilang oras kong sinusubukang makapagfocus sa pinapanood ko pero kahit ilang movies na ang natapos ko ay wala akong naintindihan at dahil sa sinasabi ni Faith kaya hinanap ko ang libro kung saan ko nailagay at hindi naman 'yon natagalan dahil nakita ko na agad. Hawak ko palang ay parang matutulad din ako kay Faith.
Ano kayang meron sa librong 'to?
Binasa ko uli ang blurb pero ito pa lang nababasa ko ay nasasaktan na rin ako. Tiningnan ko ang cover ng libro at meron dito na parang guhit na naghihiwalay sa dalawang tao. 'Yung babae ay nagsusulat at 'yong lalaki naman ay nagbabasa. May nakasulat pa roon sa ibabang parte na...
Even if we didn't make it until the end, you will still be my last.
Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang inspiration nang author kung bakit niya ito nasulat siyempre 'yong lalaki ang dahilan niya at pinasalamatan niya rin ang mga sumusuporta sa kaniya.
Nilipat ko ang pahina at doon na bumungad ang chapter one pero hindi ko muna binasa at tiningnan agad ang huling pahina. Sa isang page meron naman tungkol doon sa author.
Gitchigoo is a popular female writer, a mysterious writer because she even not tell her real name and she didn't show her face in public. No one in the publishing knows her personally.
Gitchigoo already reached her dream, to become a succesfull chef. Her family always support her whatever she wants to be, but one day her parents changed. Gitchigoo is the only child and the only heiress of her parents, but she wants to live a normal life like any person she knows.

YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Ficção AdolescenteOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...