Xian Zulueta POV
"How are you? Are you still sick? Dapat hindi ka muna pumasok baka mabinat ka," pangangamusta agad ni Neil pagkadating ko.
"Okay naman na ako. Kayo? Kamusta na?"
"Syempre mahirap, kulang kami e," natatawang sabi ni Ate Joy kaya ngumiti lang ako sa kanila.
"Nasaan si Faith? Papasok daw ba siya ngayon?" tanong ko dahil wala pa rin siya rito. Hindi ko naman siya natanong kahapon.
"Ehem!" nagpekeng ubo si Jessie kaya napalingon ako kung sino ang tinitingnan niya.
"Right, hindi kita natanong. Anong nangyari, ha?" he shrugged.
"Ewan ko, hindi nga rin ako kinakausap." mabilis niyang sagot saka nagpunas ng lamesa kaya hindi ko na inistorbo.
Maya-maya lang ay nagsisidatingan na 'yong mga costumer kaya hindi ko na rin namalayan ang oras. Hanggang sa nag-break time na, doon ko rin napansin na wala pa rin si Faith. Hindi pa rin siya pumasok.
"Sorry Xian ah, hindi ko mabasa iyong story mo kasi wala pa akong time," napatingin ako kay Ate Joy.
"It's okay, hindi naman importante 'yun," ngumiti ako sa kanila pero tiningnan lang nila ako ng masama. "B-bakit? May mali ba sa sinabi ko?"
"Importante 'yun! Baka kapag natuto ka na, sumikat ka!" sabi naman ni Jessie.
"Sisikat?" umiling ako. "Hindi kadali 'yun, saka hindi porket nagsusulat ka na nang kwento sisikat ka agad."
"Tama naman 'yun pero huwag kang masyadong nega!" she smiled at me.
Nang natapos na kaming kumain at nagpapahinga na lang biglang lumapit sa akin si Neil.
"Hey, sorry kung hindi kita nadalaw kahapon,"
"Okay lang, alam ko namang busy ka," tumango siya.
"Nagbabasa ako ng mga libro, nabasa ko rin 'yung ibang stories ni Faith at malaki ang pinagkaiba kung paano ka magsulat," pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi iyon.
"Alam ko, nagsulat lang naman ako dahil nakaisip ako ng story? Hindi ko naman ginagawa 'to dahil naisip kong baka balang araw sumikat ako," nagkibit balikat ako.
"Nagbasa ka na ba ng ibang kuwento?" umiling ako. "If you don't have time to read, you don't have the time or the tools to write. Simple as that." tiningnan ko siya.
"Saan mo nakuha 'yan? Aber?" natatawang tanong ko. Seryosong-seryoso kasi siya habang sinasabi 'yon.
"Si Stephen King ang nagsabi niyan," ngumiti siya sa akin.
"Oo na, sige na, hindi na ako magsusulat." ngumiti ako pero parang ako rin ang nasaktan dahil sa sinabi ko.
"Hey, It's not what I meant. I mean magbasa ka rin ng mga libro or story para malaman mo kung paano magsulat. Gagaling ka rin naman."
"Sus, kunwari ka pa,"
"No, promise! Hindi talaga iyon ang ibig kong sabihin, hindi ko aakalain na iba ang maiisip mo sa sinabi ko," dahilan niya kaya tumango na lang ako at sinabing naiintindihan ko na para tumigil na siya.
YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Ficção AdolescenteOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...