Xian Zulueta POV
Napadilat ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko kaya napabangon ako pero nahilo agad ako.
"Shit, hangover," napahawak ako sa sentido ko.
Grabe, sobra ba 'yung ininom ko kagabi? Tumayo na ako at papunta na sana ng banyo ng mapansin kong nasa kwarto ko, ako!
"Paano naman ako nakapunta rito?" agad kong kinuha ang cellphone ko.
Wala naman silang message sa akin kaya binitiwan ko na lang. Pumunta na ako ng banyo at habang nagsisipilyo ay pinipilit kong maalala ang nangyari kagabi pero wala akong maalala kahit isa!
Nagluto ako ng agahan ko at nanonood lang ako ng TV habang kumakain ng tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko 'yon.
From: Kuya Xijan
Pupunta kami diyan mamaya ah, good morning.
Hindi na ako nagulat dahil inaasahan ko na pero hindi ko alam na ngayon kaya binilisan kong kumain. Tiningnan ko ang ref. kung anong laman para sa lulutuin ko para sa kanila at saka ako pumunta ng SuperMarket.
Magluluto na lang ako ng pansit na style Abra dahil nandoon si kuya at favorite din naman iyon nila Ate Lacy at Lylle. Mas gusto pa nga nila ang luto ko no'n kaysa kay kuya. Habang naghahanap ako ng gulay ay napahinto ako.
"Si Neil ba 'yun?" agad akong nagtago para hindi ako makita pero mas lumaki ang mata ko ng makita kung sino kasama niya. "Si madam!"
"Miss, okay ka lang?"
"Ay gulay!" at sa hindi inaasahan ay napalakas ang boses ko kung kaya tumingin sa amin 'yung mga tao.
Lumingon ako kung saang pwesto ko nakita sila Neil at nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko na sila nakita kaya lumingon na ako roon sa babae.
"Sorry," yumuko ako't umalis na roon.
Nakakahiya pero nakampante ako dahil wala na sila. Nakapila kasi sila sa counter kanina kaya baka nabayaran na nila at umalis na.
Bakit naman sila magkasama? O baka namalikmata lang ako? Pero sigurado akong sila 'yon! Nakita ko pa ngang tumatawa sila at inaalalayan niya si madam. Totoo kayang may relasyon sila? Gosh!
"Xian!"
"Ay madam!" tiningnan ko kung sino ang tumawag sa akin.
Shit! Nandito pa rin siya?
"Oh, bakit?" tumawa siya. "Pinagalitan ka na naman ba ni lo--madam?" agad nagsalubong ang kilay ko at hindi maiwasang mag-isip.
Bakit hindi niya tinuloy? Ano 'yung sasabihin niya sana? Love? Oh my god!
"H-hindi, nagulat lang ako,"
"Iniisip mo siya 'no?" oo, kasi may relasyon kayo?
"Hindi ah," ngumiti ako sa kaniya. "Bakit ka nandito?" pag-iiba ko ng usapan, ngumisi pa siya.
"Nakita kita kanina," tumango lang ako kasi wala akong masabi at naglakad uli. Akala ko hindi siya susunod pero nakita ko siya sa gilid ko na tumitingin-tingin din.
YOU ARE READING
My Love, Wattpad (Online Series #2)
Teen FictionOnline Series #2 Xian Zulueta is a girl who has a dream, to become a successful chef. Until out of curiosity she installed a Wattpad app because of the author named Gitchigoo. Even if she doesn't have an experience, she try to write a story and one...