03

92 9 1
                                    

"Doktora!" Bati sa akin ni Jolo at agad niya akong pinaupo sa monoblock na nasa harap ng table niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Doktora!" Bati sa akin ni Jolo at agad niya akong pinaupo sa monoblock na nasa harap ng table niya.

"Ikaw naka-assign sa project na 'to?" I asked, still confused.

"Ayaw mo ba?" He asked, laughing.

"Hindi naman sa ganoon," sagot ko at tuluyan ng umupo. "Hindi mo number yung ka-text ko kanina ah," dagdag ko pa.

"Number yun ng kasama kong engineer dito. Pakilala kita mamaya, baka type mo."

"Sira! Hindi ko kailangan nun."

"Pakikilala lang kita, baka type mo maging engineer ng bahay mo. Eto talaga, kung ano-anong iniisip." Napakamot siya sa batok niya.

"Bakit pa ako kukuha ng iba? Kung pwede namang ikaw na lang?"

"Huwag kang ganyan, kinikilig ako," sabi niya habang kunyari na kinikilig.

I rolled my eyes. Kung hindi lang niya ni-clarify noon na hindi na niya ako gusto, maniniwala na ako sa sinasabi niya.

It was clear to him as well that I'm too invested in my dream and to Arren.

Wala akong oras para magmahal ulit.

At alam niya rin na hindi ko siya nakikita nang higit pa sa isang kaibigan.

He knows that and accepted what we have until now.

Which is our friendship.

In that kind of connection, alam kong mas matatag kami roon.

"Ewan ko sa'yo Josh Angelo," umiiling kong sinabi. "Mukhang hindi ko na yata kailangan bumisita dito weekly para mag-inspect, ikaw naman pala engineer nito."

"Hoy, wag ganoon Demetria Vien! Nape-pressure ako," sabi naman niya.

"Sira! Ayaw mo nun, may tiwala ako sa'yo?" I laughed. "Pero I'll go here randomly, depende sa schedule ko, basta I need updates," I said.

"Noted Doktora, pero kapag pupunta ka dito text mo 'ko ah. Mas maganda kung nandito ako."

"Okay." I nodded at him.

Pagkatapos namin mag-usap ni Jolo ay niyaya niya akong mag-libot sa site, kahit wala pa naman talaga akong makikita dahil sinisimulan pa lang naman nila. Actually, eto pala yung site para sa hospital ni Mama.

Pinakilala na rin ako ni Jolo kay Engineer Sanchez, yung hiniraman niya ng phone kanina.

Dinala niya rin ako sa isa pang site kung nasaan yung para sa business ni Papa. Nag-drive pa kami dahil medyo malayo kung lalakarin namin.

Ang sabi niya, bago matapos yung residency ko tapos na raw yung dalawang project.

Baka pagdating din ng araw na yun, nakapag-decide na rin ako kung mag-istay na ako rito o hindi.

The Dearest Anonymous To You (Book 2 of Email Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon