Chapter 1

37 6 0
                                    


Chapter 1: P A I N T I N G

Hezian's Pov

"Oi Zian! May tumatawag sa cellphone mo." Agad agad akong napatakbo kung saan naroroon ang cellphone ko. At ng makita ko kung saan ito nakapatong ay agad ko itong hinablot at walang tingin tingin na sinagot kung sinong tumatawag dito.

"Do do do anything at your service! Anytime anywhere! Wherever you are, whenever you are! HeZian speaking!" Masiglang bati ko sa kabilang linya. Kadalasan kasi ang mga tumatawag sa akin ay mga customer.

"Do do do anything nye nye nye! Ilibre mo nga ako hindi mo magawa. Punta ka na dito dadating na si owner." Sabi sa kabilang linya. Kaya agad agad akong na patingin sa wall clock namin na ikinalaki ng mata ko. Late na nga ako.

"Shete hindi ko napansin yung oras! Patay ako." Nakadikit pa rin sa tenga ko ang cellphone ko habang kinakausap si Kristine. Nagtatrabaho ako bilang isang waitress sa isang hindi naman ganun kasikat na restaurant at katrabaho ko si Kristine.

"Patay ka talaga, andito na si owner. Ktnxbye!" Saad ni Kristine bago pinatay ang tawag. Kinuha ko agad ang bag ko at nagsuot ng sapatos. Nakakainis kanina pa ako tapos maggayak pero malalate pa din ako. Bago ako umalis ay nagpaalam ako kay Selena.

"Sel! Aalis na ako ha! Alis ka na din bye!" Hindi ko na inintay itong sumagot at mabilis na tumakbo paalis. Nang babawas kasi ng sweldo yung may ari ng pinagtatrabahuan ko paglate ka.

By the way ako nga pala si Hezian Bautista, 23 years old. Nagtratrabaho bilang isang waitress at sa sarili kong do do do anything, ang do do do anything ko ay mga trabaho na kung anong ipagawa sa akin ng kliyente basta legal. Katulad na lang ng magdeliver, mag-ayos ng gripo, magbantay ng bata, magtinda, magpakain ng mga hayop at kung ano pang mga trabahong ipagawa sa akin ng kliyente basta kaya ko. Nakatira ako sa inuupahan namin ni Selena- kaibigan ko.
-
Hingal na hingal akong nakarating sa pupuntahan ko. Kasalukuyan palang silang nag-aayos pero di pa naman nagbubukas. Nakita ko si Owner- yan kasi ang gustong itawag ng may ari nitong restaurant. Ewan din namin. Nakatalikod ito sa akin habang nagsesermon sa ibang kasamahan namin kaya agad akong nagpalit at naglinis na din na parang hindi ako na late.

"Andito na ba ang lahat?" Pagtatanong ni Owner. Pero nagtinginan kami at tinitignan kung andito na ba lahat.

"Answer!"

"Andito na po!" Sabay sabay na sambit namin. Hindi naman talaga masungit si Owner. Time is gold lang talaga para sa kaniya. At pagkatapos non ay nagbukas na kami. Nasa kalagitnaan ako ng pagtratrabaho ng tawagin ako ni Kristine.

"Zian, tawag ka ni Owner sa office niya. Punta ka daw."

"Bakit daw?" Takang tanong ko dito. Hindi basta basta nagpapasok yun sa opisina niya eh.

"Ewan, tatanggalin ka na ata." Dirediretsong sabi nito habang nakangisi sa akin. Bigla akong nakaramdm ng kaba. Tatlong buwan palang ako dito.

"S-seryoso ka Kristine? Tatlong buwan palang ako dito matatanggal na agad?" Nakasimangot kong saad. Mahirap maghanap ng trabaho. Lalo na ngayon.

"Ewan nga diba? Punta ka na kasi." Tinulak tulak pa ako nito papunta sa pinto ng opisina ni Owner. Ito ang pinakaunang pagkakataon na makakapasok ako sa opisina ni Owner pero sana hindi din ito ang huli. Sana naman hindi ako matanggal dahil maayos naman ang pagtratrabaho ko at walang maling ginagawa maliban sa pagkalate ko kanina. Huminga ako ng malalim bago kumatok.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon