Chapter 5

10 4 0
                                    


Chapter 5: M A R R Y  M E

Hezian's Pov

"S-sorry po pero nangako po ako sa k-kostumer ko na hindi ko po sasab-"

"How much?" Biglang singit nito at labas ng tseke. Ay wow? Seryoso ba to?

"Katulad nga po ng sinabi ko wala po akong-"

"The heck? Magkano ba binayad niya sayo? Dodoblehin ko." Saad pa nito ulit. Like? Muka ba akong pera? Oo kailangan ko ng pera, swerte ko nga at ako pa ang tinatanong kung magkano ang gusto ko! Pero kasi nangako ako kay Owner na hinding hindi ko sasabihin na ito ang nagpadeliver, at bakit ba ang big deal sa kaniya na malaman kung sinong nagpabigay ng kwintas na yon, eh kwintas lang naman yon ng babae eh? Anong masama don? Porket ba binigyan ka ng kwintas ng babae, bakla kana? Teka akala ba niya pinagkakamalan siyang bakla kaya ganon?

"Sorry po talaga sir." Paghingi ko dito ng tawad,

"Geez fine, useless."

Changgala ?

Tinawag niya akong 'useless? Ano ba talagang problema nito? Nakakasakit na ng damdamin eh! Kanina pinagmumuka niya akong pera sa mga tanong niya! Akala mo naman kung sino hmp, gwapo nga apaka sama naman ng ugali, tsk!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kung lalayas na ba ako o ano? Kung makikipagtitigan ba sa sahig o sa kanya, kung iintayin ko bang bumalik yung multong yon o lalayas na ako.

Ikaw ba naman ang kaharap ang nag-iisang Kian de Castro? Kaso matuturn off ka sa ugali,

"Oh anong pang kailangan mo?" Tanong naman bigla nito.

Ang gulo talaga nito! Sa aming dalawa siya ang nagpatawag sa akin! Tas itatanong kung ano pa daw ang kailangan? Yung tataa? May saltik ka teh?

"Ah, aalis na po siguro ako, sorry po" Akmang tatalikod na ako ng magsalita ito.

"That's it? Hindi ka man lang hihingi ng kung ano ano para sabihin mo sa akin kung sino?"

Eh?

"Po? Hehehe?" Naguguluhang tanong ko dito. Nakngpusa. Ang hirap naman nitong makausap.

Nakatitig lang ito sa akin para bang sinusuri kung naguguluhan talaga ako, maya maya ay napailing na lang ito at nagsalita.

"Nothing get lost."

Napakamot na lang ako ng ulo dahil dito at umalis na, pero bago ako tuluyang makaalis ay napabaling ang tingin ko sa kwintas, maliban ng makita ko ito nung dineliver ko, san ko pa ba yon nakita?
-
"H!!! Andito kana huhuhuhu! May mali sa aken huhuhu!"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa amin ay umiiyak na multo ang bumungad sa akin. Tsk, matapos niyang mang-iwan kanina? Epal! Pumunta ako sa kwarto at nilock ang pinto pagkatapos ay pabagsak akong humiga sa kama ko. Hays, ano bang meron sa kwintas na yon?

"Oi! H! H! Woi H! Ba't mo nilock? Hoi! Tao! Buksan mo yun pinto! May kailangan akong sabihin! H! Buksan mo yung door mo ahuhuhuhu! Ba't ka ganyan? Bakit ka nang-iiwan? Ano bang nagawa kong mali para di mo ako papasukin sa kwarto mo? H? H!? Hoi! H! I said open this freaking door!?" Halos magiba na ang pinto ko sa kakakatok nito.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon