Chapter 2

17 6 0
                                    


Chapter 2: A  G H O S T ?

Hezian's Pov

Maaga akong nagising bago pa magising si Selena. Baka pigilan akong magdeliver sa pupuntahan ko. Naniwala ba naman sa multo? Parang tenge. Pagkatapos kong mag-ayos ay saka ko naisipan na umalis na. Nang makarating ako sa destinasyon ko habang bitbit ang medyo may kaliitan na box na pinapadeliver ni Owner, ngayon ko lang naisipang tignan kung para kanino ito idedeliver na ikinahinto ko.

Shete lang?

Si Mr. Kian de Castro lang naman.

Wow? Just wow?

Si Mr. Kian de Castro po kasi ang may ari nitong kompanyang ito. Kompanya ng mga de Castro. Isang gwapong bilyonaryo! Paking tape, seryoso si owner? Baka magkaibigan sila or magkakilala? Grabe bigatin din pala si Owner?

Pumasok na ako, at pumunta sa bigayan mga deliveries blah blah, may ganto sila iinspeksyonin muna kasi nila bago ibigay kung kanino dapat ideliver para safe. Galing diba? Binigay ko ito sa isang babae doon, tinanong niya kung para kanino daw iyon syempre sinabi ko tapos grabe tinaasan ako ng kilay. Kala siguro isa ako sa mga babae nagkakandarapa kay Mr. de Castro.

Tinanong din kung kanino daw galing sinabi ko din kasi na ako lang ang nagdeliver pero hindi sa aking galing. Pero hindi ko sinabi kung kanino galing. Sabi kasi sa akin ni Owner wag na wag ko daw sasabihin kung sino daw ang nagpadeliver which is siya. Ewan ko din eh.

Mas lalong tumaas ang kilay nung babae sa akin, kaya naisipan na nilang buksan syempre curious din ako kung anong laman. Matapos mabuksan ang box ay bumungad sa amin ang isang lumang lumang kwintas para sa babae. Napatingin naman sila sa akin, aba ewan ko d'yan ako lang naman ang nautusang ideliver.

Pagkatapos non ay pinaalis na ako. Sila na lang daw bahalang magdeliver pero bago yon kinuha muna nila yung cellphone number ko pero ang binigay ko ay cellphone number ng do do do anything.

Naglalakad na ako paalis pero napahinto din ng makita kong madaming nagkakagulong babae, tas may mga guard na umaawat sa kanila. Eh anong meron? Dahil may beri beri layt akong pagkatsismosa ay tumengked tengked ako para makita kung anong meron. At kaya naman pala. Andito pala si Mr. Kian de Castro. Naks. Seryoso ang muka nito habang naglalakad at walang pake alam sa paligid kung ano bang pinagkakaguluhan, sa tabi naman niya ay-eh? First time ata to? May katabi kasi itong babaeng nakadress na puti, nakalugay ang buhok na malawak na nakangiti habang naglalakad. Pero na pansin ko lang parang ako lang nakakapansin dito. Si Mr. de Castro kasi wala lang pake dito hindi nga man lang niya binabalingan ng tingin. Yung mga babae naman hindi din nila pinapansin. Kasi kung papansinin nila iyon ay syempre lalait laitin nila ito dahil malamang kasama lang naman nito ang lalaking kinararandapaan nilang lahat.

Lumapit ako sa isang babaeng nagpipicture dito.

"Miss sino yung babaeng kasamang babae ni Mr. de Castro?" Tanong ko dito, biglang kumunot ang noo nito at bumaling ang tingin kay Mr. de Castro at sa akin ulit.

"Babae? Wala naman siyang kasamang babae ah?" Takang tanong nito sa akin. Na ikinataka ko din. Muli ko itong pinagmasdan maglakad kasama pa din nito ang babae. Eh? Wala daw pero andito naman.

Huminto na ito sa paglalakad pero ang guard, si Mr. de Castro ay wala lang pake. Naglakad na ang babae palayo kaya naisipan ko na ding umalis. Nakita kong papunta sa direksyon ko ang babae na kasama kanina ni Mr. de Castro kaya yumuko ako dito, big time din to no. Pag-angat ko ng tingin dito ay gulat na gulat ang ekspresyon nito, teka? Bawal ba siyang pansinin kaya ganon? Agad agad naman akong naglakad ng mabilis at hindi ito muling nilingon.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon