Chapter 6

9 4 0
                                    


Chapter 6:

Hezian's Pov

Alam kong maganda ako pero hindi ko inakalang  ganto ako kaganda para alukin ng kasal ng isang Kian de Castro.

Sheeeeeeeetteeeeeee?!

Pagnalaman ito ni Selena pati na din nung multong yon tiyak sabunot ang abot ko don tsk. At pati totoo nga yung sinabi sa akin ni G, kasama ko kasi siyang kaninang pumasok dito pero pagpasok namin bigla na lang itong nawala, wawa naman, hindi na niya malalapitan yung Kian kuno 'niya.

Tsk tsk tsk.

"Sir?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dito, ikaw kaya tanong ng 'marry me edi sanaol na lang no.

"I want you to marry me. You can do anything right?"

"Sorry sir, pero hindi ko po ata yon magagawa, sa iba na lang po! Aalis na po ako!" Hindi ko na ito pinasagot at agad na lumabas ng opisina nito. Grabe, baka mapa-oo ako ng wala sa oras pagnagtagal ako kaya habang maaga palang ay dapat umalis na!

Nadinig ko din sa mga tsismis ng mga nagtatrabaho ng naghahanap daw ng mapapangasawa ang CEO nila sa di malamang dahilan,

Kung makaalok ng kasal ganun ganun lang yon! Tsk, sabihin natin asa kaniya na ang lahat, madami siyang perang pwede niyang ibili ng kahit na ano man magustohan niya, maglibot kung saan man parte ng mundo, tapos sabihin natin gwapo siya perpekto ang muka perpekto ang katawan.

Tapos akong simpleng kyut tatanggian ang alok nito? Kapal ng face no?

Ang kaso kasi hindi naman ako mukang pera, hindi ako basta basta sasaya sa pera, oo masayang magkapera pagpinaghihirapan hindi yung gagamit ka ng ibang tao para lang magkapera. Hindi naman kasi ako katulad ni Nami-san na mukang pera, duh!

At kung lang naman na 'umoo' ako dito, sasaya ba ako?

Magiging masaya ba?

At isa pa! Hindi ko nga nararanasan magkaboyfriend o maranasan ligawan ! Tas asawa agad! Ang bata bata ko pa kaya para sa bagay na yun! Tsk!

Gusto ko din maranasan mainlove!
-
"Friendship! Kakain na tayooooo!" Sigaw ni Selena

Gabi na, andito na din ako sa amin ni Selena. Bumangon na ako at pumunta sa kusina namin, umupo na ako sa upuan ganon din si Selena magkaharap kaming dalawa, nagsimula na akong kumain ng magsalita si Selena.

"Friendship, alam mo na ba yung balita?" Pagsisimula nito habang ako ay napatingin dito.

"Anong balita?" Tanong ko.

"May fiancee na si Kian mylabs!"

"NANIIIIIIIIIIIIIIIIIII???!!?!!!!!!!!!?????!!!?!!?!!!"

"Putik!"

Sa sobrang gulat ko ay napasigaw ako. Bigla kasing lumitaw si G sa gilid ni Selena with sigaw pa, sino kaya ang di magulat. Wala kasi itong multong to pag-uwi ko kanina tas ito andito na ulit. Tsk. Gala!

"Di ko inasahang magugulat ka sa balita ko friendship ha? Parang wala ka lang kasing interes kay Kian mylabs eh." Sabi ni Selena.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon