Chapter 7

18 3 0
                                    

Chapter 7

Hezian's Pov

Nakahiga na ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame. Hanggang ngayon ay hindi pa din nagpapakita sa akin yung multong yon mula noong umalis kanina, ewan ko ba don sa napakagalang multo yon. Maya maya ay napairap ako ng maalala ang usapan nung secretary ni de Castro. Amputek, gandang ganda siguro sa akin yung Kian na yun kaya ganon! Hirap talaga pagmaganda. Isipin niyo yon! Ginawa niya akong Fiancé ng hindi ko nalalaman! Tsk! Hinding hindi ako papayag don, manigas siya!

Napatingin ako sa wanted poster ni Luffy na nakadikit sa pader. Hindi pa naman ako inaantok, manunuod na lang muna ako siguro ng one piece. Hehehe, episode 323 na ako eh, yiehh!

-
"FFFFFRIENDSHIPPPPPP!??!?!?!!"

"HUTEK!"

Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga dahil sa sigaw ni Selena. Aga-aga nambubulabog! Napuyat kasi ako kagabi dahil ilang episode din ang natapos ko sa one piece bago ako dinalaw ng antok. Inis akong tumayo at lumapit sa pinto ng aking kwarto na kanina pa kinakalabog ni Selena dahil nakalock ito, marahas kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at bumungad ang pagmumuka ni Selena.

Tsk.

"FRIENDSHIP! HUHUHU, si huhuhu, makikipagdinner date siya! Si Uwaaaahhhh! Friendship! Magkikita sila pero hindi alam kung kelan, Si Uwaaahhh! At si fiancé niya! Bawal yon! Akin lang siya hindi ako papayag!"

Pag-iinarte nito sa harap ko, tsk! Ginising niya ako dahil doon? Sa inis ko ay sinaraduhan ko na ito ng pinto at muling nahiga para muling matulog.

Istorbo!

"FFFFFFFRRRRIIIIIEEEENNDDDSSHHHIIIPPP!?!?!"

Puteks talaga itong Selena na ito! Muli akong tumayo at lumapit sa pinto ng kwarto ko at pagalit ko itong binuksan.

"ANO NA NAMAN!?" Sigaw ko dito.

Napakamot naman ito sa kanyang ulo at nahihiyang ngumiti sa akin bago muling nagsalita.

"Hehe, friendship kase, 7:30 na eh."

Agad akong napatingin sa wall clock namin na nakasabit sa pader, malamang nubayan! Aish malalate na naman ako!
-
Nakaupo ako sa isa sa mga upuan dito habang binibilang ang mga taong naglalakad sa labas. Wala kaming masyadong customer ngayon, kaya eto nga nga.

"One little two little three little hatdog, four little five little six little hakdog.~~"

Napakunot naman ang noo ko dahil kumakanta na naman itong multong to. Tsk, bigla yan lumitaw sa harap ko kanina buti at hindi ako napasigaw sa gulat. Leche eh.

"Zian, sumayaw ka nga d'yan sa labas baka sakaling magkaroon naman tayo ng kostumer." Pag-uutos sa akin ni Kristine.

"Ba't hindi ikaw? Utusan mo pa ako," Saad ko dito at muling bumaling ang tingin sa mga taong naglalakad.

"Moshi moshi, hola hola, hello hello, konichiwa~~"

Napangiwi naman bigla ako, nang muling kumanta itong katabi ko.

Konichiwa? Di dapat 'kamusta ka' yon? Siraulo talaga. Hindi ko na lang muli itong pinansin at nagbilang na lang muli ng naglalakad.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon