Chapter 3

16 5 0
                                    


Chapter 3: D E J A V U

Hezian's Pov

Kanina pa ako gising pero tinatamad akong bumangon lalo na sa tuwing maalala ko yung babae kahapon, white lady ba yun? Naka puti kasi eh tapos nakalugay din yung buhok pero wala naman dugo at sugat na ikakatakot ko, muka nga lang siyang normal na taong naglalakad hanggang sa nakita ko itong tumangos heh, ayaw ko ng maalala! Pero sana talaga hindi ko na ito muling makita.

"Friendship! Pagnalate ka na naman bahala ka!" Sigaw sa akin ni Selena sa labas ng pinto ng kwarto ko. Wala na akong nagawa kundi bumangon at mag-ayos, may pasok na kasi ako, hello waitress kaya ako hehehe.

Kasalukuyan kaming nag-uumagahan ni Selena ng magsalita ito.

"Oh by the way friendship? Di ba pumunta ka kahapon sa de Castro company?" Tanong nito at tumango naman ako dito.

"Nakita mo ba si—ano kahit saglit lang? Kung nakita mo siya si ano hihihi omg kinikilig ako, nakita mo ba siya ng personal si—ano, si ano hehehe, pogi no? Ang pogi talaga niya, ang pogi ni ano—"

Sa inip ko ay binatukan ko ito.

"Aray naman friendship! Ano bang problema mo ha!!" Reklamo nito habang hinihimas himas ang batok.

"Sino ba kasi si ano ha! Puro ka si 'ano' si ano ng si ano. Sino nga si ano! Tapos kinikilig ka pa para kang ewan" Naiinip kong sambit.

"Masama bang kiligin friendship? Si ano kasi eh si—"

"Isa pang 'si ano' mo d'yan hahambalusin na kita" Pagbabanta ko dito.

"Grabe naman friendship! Highblood aged?"

"Eh sino nga si ano!?"

"Hihihi, sino pa ba edi si Kian mylabs yiehh. Omg! Ang hot hot niya talaga kahit masungit at snob! So nakita mo nga friendship?"

Tsk, kala ko naman kung sino na si ano yung may ari lang pala ng de Castro company.

"Ah oo," Maikiling sambit ko.

"Uwaaaaaa! I'm so inggit friendship!! Usto ko siya makitaaaa!"

Napailing na lang ako sa artehan nito.

"Arte mo! Edi pumunta ka don! Alis na ako!" Saad ko dito at tumayo na. Baka malate na naman ako mahirap na.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang trabaho, malapit lang naman eh pwede naman lakarin para tipid, mga 30 minutes pa naman bago mag 8:00 kaya di naman ako siguro malalate. Payapa akong naglalakad ng makarinig ako ng sigaw.

"Takbooooo! May asooo! WaaaaaAAah!" Napakunot ako ng noo at tumingin ako sa likuran ko. Paking tape! May isang lalaking tumatakbo papunta sa pwesto ko at sa likod nito ay? LIMANG ASO! Shete Shete Shete! T-t-takbo ba ako? Hindi pa ako nakakapag-isip ng tama ng may humablot sa kamay ko at hinila patakbo.

Siya yung lalaking hinahabol nung mga aso at ngayon dalawa na kaming hinahabol. Changgala. Ayaw ko pang mamatay! Mameeeh! Napatingin ako sa likod juicecolored! Ang lalaki nilang aso! Halos paliparin na naman ang aming sarili sa sobrang bilis namin tumakbo. Lumiko kami sa isang eskinita at doon huminto hindi na nakasunod yung mga lintek na aso! Hingal na hingal akong napahawak sa pader dahil sa bilis namin tumakbo, bwisit tong lalaking to dinamay pa ako.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon