Chapter 4

11 5 1
                                    


Chapter 4: M I S S  G

Hezian's Pov

"Please help me!"

Kanina pa ako pinipilit nitong multong to na tulungan ko daw siya para daw makaalis na daw ito at mas matindi nakipagfriends pa sa akin iba din no.

"No"

Maikli kong sagot, ano naman mapapala ko kung tutulungan ko siya diba? At saka isa pa pagnalaman ni Selena na may multo talaga baka iarrange marriage na ako non, dapat daw kasi tumutupad sa sinasabi hindi yung hanggang salita lang at dada ng dada. Aba wala pa sa utak ko ang mag-asawa, hindi pa nga ako nagkakaboyfriend simula nung isilang ako tapos asawa agad?

"Sigi na please! First time to simula nung naging ghost ako na may nakausap ako at may nakakita sa akin! Hindi mo ba alam kung gano kahirap kausapin yung sarili mo for almost 80 years?! Wala akong makitang kaparehas ko na multo, wala pa akong namimeet maski isa! Kaya please! I'm begging you! Please help me!" Mahabang saad nito sa akin at nagpapalungkot pa ito ng muka pero tama ba yung narinig ko?

80 years na siyang multo?! Grabe! Naawa tuloy ako, 80 years na siyang pagala gala kasi hindi makaalis wala naman sigurong masama  kung tutulungan ko ito diba?

"Oh eh ano naman ang maiitulong ko sa isang multo?" Pagtatanong ko dito na ikinaaliwalas ng muka nito, mas lumaki din ang ngiti nito sa labi

"Oh my gosh! Thank youu! At saka tutulungan mo lang naman akong maghanap sa isang bagay na pagnahanap ko ay pwede na akong umalis!" Pagpapaliwanag pa nito at hindi maalis alis ang ngiti sa muka.

May hinahanap siya?

"Ano naman hinahanap mo?" Takang tanong ko dito, grabe 80 years na din niya yon hinahanap.

"Ah eh, di ko alam eh. . ."

"Ano?! Naghahanap ka sa isang bagay na hindi mo alam kung ano? Eh kelan mo pa yon mahahanap!? Pagpatay kana?" Segunda ko dito.

Ay talagang aabutin ito ng ilang taon para mahanap yon baka nga di na niya yon mahanap eh, maghanap sa bagay na hindi naman alam, tsk kalokohan!

"I'm already dead sis." Katwiran pa nito.

"I won't help you"

Pag-eenglish ko din dito kanina pa english ng english makahawa. Lumungkot naman ang muka nito dahil sa sinabi ko.

"Wae? Wae andwae?"

Ay wow? Marunong pala tong magkorean? Iba din tong multo na to.

[Wae, wae andwae?/Why? Why not?]

"Tutulungan lang kita kapag alam mo na hinahanap mo." Sagot ko dito.

"Eeehhh, Baka maalala ko lang ulit yon hehehe, kusa yon bumabalik sa utak ko don't worry! " Pilit pa din nito.

"Okay po, tutulungan na kita! Ano palang pangalan mo?" Suko ko dito, mukang di ako titigilan nito kung hindi ako papayag sa gusto nito eh.

"Yieeehhh, Ang bait mo talaga! At tawagin mo na lang akong G! Nalimutan ko na pangalan ko eh. Ikaw ay?" Pagpapakilala nito.

See You In Another Life.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon