MY ROOMMATE IS A BAD BOY

3.9K 95 0
                                    

"Me and your papa didn't make it,anak.I'm sorry."sabi ni mama sa kabilang linya,malungkot ang boses at humihingi ng paumanhin.

"'Wag kang mag-sorry ma,ayos lang yan.Malay mo ma,bukas marami na yung darating!"pagpapalakas ko ng loob sa kaniya.

Walang dapat sisihin sa nangyayari.Hindi man ganoon katagumpay ang negosyong kanilang ginawa ay may darating pa namang mga araw na malay nati'y iyon ay madiskubre.

"Ayos ka lang ba dyan?Do you still have money?Tell me kung ano kailangan mo dyan?"tanong niya.

"Ayos lang po ako ma,may sapat pa po akong pera at kumpleto naman po lahat ng kailangan ko."sagot ko sa kaniya.Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya.

"Mabuti..wait I need to hang up,I have an incoming call from your papa,goodbye anak!."sabi niya saka na pinutol ang tawag.

Napasandal nalang ako sa inuupuan ko saka ibinaba ang cellphone na hawak sa study table sa harap ko't pumikit.Iniisip kung ano ang pwede kong maitulong sa mga magulang ko.

Habang nakapikit ay may pumasok na ideya sa akin,paano kung lumipat ako sa mas murang bahay?Para magawa kong makapagtipid?!Bayad na rin naman ang renta ko para sa susunod na buwan,babawiin ko nalang iyon at maghahanap na ng malapit at murang upahan dito.

Dumilat na ako't hinablot agad ang cellphone at pumunta sa facebook para makahanap ng malilipatan.Saka ko na sasabihin sa mga magulang ko kapag nakalipat na ako.

Hindi naman ako natagalan sa paghahanap dahil may nakita agad ako na malapit lang dito,isang traysikel lang ang kailangan para makapunta roon.Nag-message na ako doon sa nagpost na pinapaalam na pupunta ako doon at titingnan kung kakayanin ng pera ko ang renta.Bukas na ng umaga ko pupuntahan iyon dahil gabi na at kailangan ko ng matulog.

---

"He needs to be punish!"I heard my dad scolding my mom.Ang layo ko na't nasa second floor pa ako't sarado ang pinto ay rinig ko pa rin ang sigaw ni dad.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod ng pagsigaw na iyon ni dad.Ang alam ko lang ay ako ang pinag-uusapan nila or should I say pinagtatalunan.

Pipikit na sana ako ng marinig ang walang tigil na malalakas na katok at hampas.Tamad ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang galit at may halong dismayadong mukha ni daddy at ang nag-aalalang mukha ni mommy.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?Linggo-linggo na lang ay may bugbog iyang mukha mo ha?!"Sigaw ni dad sa akin,galit na galit.

"Anthony,tama na.."pigil ni mommy kay daddy.

"Hindi kita pinalaking basagulero Leoniro!"sigaw niyang muli.Hindi na lang ako sumasagot at tahimik na yumuko."Nagtitimpi na lang ako sayo nitong mga nakaraan,pero ngayon tapos na,sawa na ako sa pagtitimpi.Paparusahan kitang bata ka!"sigaw niyang muli.

Huminga pa siya ng malalim bago magsalita ulit.

"Sa linggo'ng ito,kapag umuwi ka ng may bugbog sa mukha,mag-impake ka na.You're going to live by yourself,without maids and us."gigil niyang sabi bago tuluyang umalis sa kwarto ko.Sinundan naman siya ni mommy.

Hindi ako makatutol dahil naka-alis na siya.Ngayon palang ay mag-iimpake na ako dahil alam kong habulin ako ng gulo,hindi ko sila matakasan.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon