Chapter 3

1.1K 72 2
                                    

CHAPTER 3

AMEREIGH

Nakataas pa rin ang kilay ko sa kaniya.Hindi na pansin ang pagka-topless niya.Napalingon lang kami ng sabay ng may kumatok sa pinto.Tumawag mula roon si tita Mira at sinabing papasok na raw siya.Pagkapasok niya'y nakita niya agad si Anniro na walang damit pang-itaas kaya agad siyang lumingon sa akin.

"Kilala mo na ba ang roommate mo Ami?"tanong ni Tita Mira sa akin."Siya si Anniro,Ami.Anniro siya si Amereigh."pagpapakilala nito.

Tumango naman si Anniro saka sinabing babalik na sa CR.Umalis rin si tita Mira pagkatapos nun.

Habang nasa banyo naman si Anniro ay nag-sideward ang mga braso ko sa gitna ng mga kama namin.Sinusukat ko ang pader mula sa magkabilang dulo.

Naalala ko kasing araw ngayon ng sabado at merong tiyangge dito kapag sabado.Mura ang mga bilihin.May bibilhin akong importante.Importanteng-importante para sa akin.

Hinintay ko lang matapos ang roommate ko bago ako sumunod sa CR para makaligo na't makapag-tiyangge na.

Nilalakad ko na ngayon ang daan papunta sa palengke kung saan naroon ang tiyangge.Nang makarating ako doo'y hinanap ko kaagad ang tindahan ng tela.Mabilis ko lang iyong nahanap dahil marami sila na nagtitinda dito.Naghanap ako ng may magandang kulay.Ibinigay ko ang sukat sa tindera.Pinagtitinginan pa ako ng mga dumadaan habang naka-sideward ang mga braso ko.

Mabilis lang natapos dahil tatlong sideward lang ang ginawa ko.Wala akong alam sa yarda e.Ibinigay sa akin ni ate iyong binili ko tsaka ko binayaran.Tinanong ko rin siya kung may tinda ba silang karayom at sinulid,meron daw kaya bumili na rin ako.Nagtanong naman ako sa kaniya kung saan may nagtitinda ng alambre at pako.Itinuro niya lang iyong hardware sa labas ng palengke.

Pinuntahan ko iyon para bilhin ang mga kailangan ko.Pagdating doo'y sinabi ko lang ang mga bibilhin ko't kumuha sila tsaka ibinigay sa akin na siyang binayaran ko.

Naglibot-libot pa ako ng sandali para bumili ng makakain.Nakabili naman ako at iuuwi iyon.

Bakit ba nakalimutan ko magdala ng payong?

Naglalakad tuloy ako pabalik ng sobrang init dahil tanghali na.Ayoko rin naman mamasaheros dahil ang lapit lang naman.Pagdating na pagdating ko sa kwarto ay ibinaba ko sa study table sa gilid ang mga pinamili ko saka nahiga sa kama.

Nakita ko namang wala ang roommate ko.

Binuksan ko ang electric fan saka nahiga ulit.Nakakapagod kahit napakalapit lang,dahil siguro sa init ng panahon.

Magtatahi pa pala ako.

Nagpahinga pa ako ng ilang sandali bago naisipang manahi na.Tinatahi ko iyong tela na parang kurtina,iyon bang pagpapasukan ng alambre.

Running stitch lang ang ginawa ko dahil hindi ko na tanda iyong iba pang stitches.Maayos naman akong manahi,hindi ganoon kaganda pero pwede na.

Hindi naman ganoon katagal bago ko natapos dahil hindi naman mahirap ang running stitch.

Kinuha ko nalang iyong upuan sa may study table saka iyon ipinwesto sa gitna ng mga kama namin sa malapit sa pader saka kinuha iyong pako,nakalimutan kong wala nga pala akong martilyo kaya naisipan kong kumuha ng malaking bato sa daan kanina pauwi.

Habang pinupukpok iyong pako ay napapaiwas ako dahil may mga nagliliparang lupa doon sa bato.Iniiwasan kong mapuwing.Pagkatapos dito'y lumipat ako sa kabila para doon naman magpukpok.Nagawa ko ng maayos ang dalawang pako kaya itinabi ko na muna iyong bato.

Nakakangawit din pala dahil nakatingala ka't antagal nakataas ng kamay.Kaya pahinga ulit.Hindi ko namalayan na ang pahinga ko'y napunta sa idlip.Hapon na ng magising ako.

Pagkagising ko'y wala pa rin ang roommate ko.

Inilagay ko nalang iyong alambre sa isang dulo kung saan may pako.Saka inilagay iyong tela sa alambre.Pagkatapos gawin iyo'y naalala kong may binili nga pala akong pagkain.

Binitawan ko na ang alambre't kinuha ang binili ko,mga paborito ko!Mga street foods!Pero minsan lang ako makakain kasi bawal baka magkasakit ako.Kaya lagi akong excited kapag nakakabili ako.

Nilantakan ko lang iyon hanggang maubos,may kasama pang pineapple juice!Napadighay na lang ako sa busog.

Nakita ko iyong tela na nakababa sa sahig,oo nga pala ilalagay ko na ito.

Kinuha ko iyong dulo ng alambre saka umakyat doon sa upuan.Pagkaakyat ko'y hinatak ko iyong alambre para hindi nakalawlaw iyong alambre at kurtina.

Iniikot ko iyong alambre sa bakal,nang marinig kong bumukas ang pinto.Pagtingin ko'y si Anniro na nakatingin din sa akin.

Tumaas ang kilay niya ng makita ang ginagawa ko.Saka nagtanong.

"Anong ginagawa mo?"tanong niya.

"Ah,harang?"natataka kong tanong din sa kaniya.

Bababa na sana ako ng mamali ako ng apak sa upuan,akala ko ganon kalapad ito para umatras pa ako ng apak.

Napasigaw ako sa gulat,mabuti na lang ay nasalo ako.

Nasalo ako ni Anniro.

Gulat na gulat akong nakatingin sa kaniya habang nakahawak sa balikat niya.

Nakatitig din ito sa akin.

Nakanganga pa ang bunganga ko habang titig na titig kami sa isa't isa.

Mas lalo akong nagulat ng bigla niyang pisilin ang hita ko.Dahil nakabridal style ang pagkakabuhat niya sa aki'y naabot ng kamay niya ang hita ko.

Doon ako naalarma at agad na nagpabitiw sa kaniya na kaniya namang ginawa pero hindi iyon natapos doon.

Dahil siguro sa gulat ay biglang dumapo ang palad ko sa pisngi niya na gumawa ng malakas na ingay.

"BASTOS!"sigaw ko rito saka lumabas ng kwarto.Pumunta ako sa labas para makapagpahangin.Masyadong nakakagulat iyong pagpisil niyang iyon.

Hindi ko sinasadya iyong sampal na iyon.Kakarating niya lang kanina,sampal agad ang bati ko sa kaniya.Nakakahiya.Pero may ginawa rin siyang hindi maganda!Magso-sorry ba ako?Kailangan niya ring mag-sorry.

Pero kasi ako dapat dahil kung hindi kumalabog na ako doon at nagkaroon ng bukol.Ako ang magso-sorry.Ako.

Nagtagal pa ako ng ilang minuto dito sa labas bago naisipang pumasok dahil gabi na.Pagkapasok ko sa kwarto'y narinig ko lang na sumara ang pinto ng CR.Baka pumasok doon si Anniro.

Nag-isip-isip muna ako kung paano hihingi ng tawad.Nagbago nanaman ata ang isip ko dahil naisip kong pambabastos iyong ginawa niya at siya talaga ang dapat humingi ng tawad.

Ok,siya dapat ang manghingi ng tawad.Hindi ako.Nagbago na ang isip ko,siya dapat ang mag-sorry at hindi ako.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon