Chapter 19

418 30 2
                                    

CHAPTER 19: THE BAD BOY'S CRY

AMEREIGH

Nanalo kami sa thug of war at gabi na ngayon,nandito kami ngayon sa space pa kung saan walang nakaharang na tent.Naka-upo kami,katabi ko si Vincen at Caily.

Masaya iyong mga sumunod na mga activity pa kanina at pinaghahanda kami para sa activities para bukas.

Malamig ngayon kaya naglagay din sila ng bonfire sa gitna.Tipon-tipon ang lahat,kasama ang mga Grade 12.Maliit lang na bonfire ito,bukas pa ng gabi gagawin iyong malaki.

Ang sabi pa nila ay may Zumba na magaganap bukas ng alas-sais ng umaga.Kailangan bumangon ng maaga.

Tapos na rin kaming kumain.

"Anong oras na Caily?"tanong ko kay Caily,inaantok na kasi ako.

"Malapit ng mag 8:30."sagot nito sa akin matapos tingnan ang oras sa hawak niyang cellphone.

8:30?Ayain ko na siya.Siya ang katabi kong matutulog ngayon.Napahikab na lang ako,dahil siguro sa pagod kaya ganito.

"Gusto mo na matulog?"tanong niya sa akin.Nakita niya sigurong inaantok na ako.

"Ikaw ba?Sabay nalang ako sayo."sabi ko rito.

"Sali muna tayo sa truth or dare."sabi nito sa akin.Tumango na lang ako dahil gusto ko rin naman maglaro.

Hindi sumali iyong iba at pinili na lang na matulog dahil sa pagod at gabi na rin.

Pumunta muna ako sa tent ko para kunin ang kumot ko doon,ang lamig na kasi dito.Pagbalik ko ay magsisimula na sila.Umupo ako sa tabi ni Caily,wala si Vincen?

Sa tingin ko,walang pag-asa na sa akin maturo itong bote dahil sa dami namin.

Nagsimula na sila at sa isang Grade 12 na babae iyon natapat.Pinili niya ang truth.

"Kayo na ba ni Ralph?"tanong ng kaklase niya siguro?At dahil truth ang pinili niya,kailangan niyang magsabi ng totoo.

Tumango iyong babae kaya nagsimulang magkantyawan iyong mga Grade 12.Hindi kami makasali dahil hindi naman namin sila ka-close.

Ipinaikot nila uli iyong bote at kay Rain iyon natutok,kaklase kong lalaki.

"Dare."sabi nito.

"Ako!Ako magdi-dare!"sigaw nung isa kaya pumayag na lang sila.

"Sangkap mo kami lahat ng kape!"sabi nito na sinang-ayunan ng lahat?Ano daw?Kaming lahat?Baliw ba sila?

"Lima na lang sa atin,masyadong marami kapag tayong lahat.Magsangkap na lang kayo mag-isa niyo.Papagurin niyo pa yung tao."sabi ni Denise Anne.

Sumang-ayon sila pati na rin si Rain,buti nga hindi mahirap iyong dare nila.Umalis si Rain kaya nagpatuloy ulit kami sa paglalaro.Merong mga natulog na dahil alam siguro nila na imposible silang mapili dito.

Nagpatuloy lang ang paglalaro hanggang sa tumapat sa akin iyong bote.Sa dinami-rami pa namin dito bakit sa akin pa?

Pinili ko ang "truth".

Mayroong nagtaas ng kamay sa isa sa mga ka-batch namin.

"Ikaw ba yung sinasabi sa isang article sa dyaryo na pakakasalan ni Vincen Cuevas?"tanong niya na ikinagulat ko.Nabasa rin nila?Bakit ba kasi hinayaan nilang mai-balita at mai-publish 'yon?

"Wait,what's your surname?"tanong sa akin ni Lauren,nandito din pala siya,kasama nila Anniro.

"Franco."sagot ng isa sa mga kaklase ko.

"Oh,so ikaw yung babae doon sa article?Nabasa ko rin yun.Ikaw yung babaeng pakakasalan ni Vincen?"tanong nito sa akin.

Nagulat ang mga nakarinig,pero ng mapalingon ako kay Anniro.Gulat din ang ekspresyon niya pero naging seryoso agad ng makita na nakatingin ako sa kaniya.

Nakita ko din ang mga katabi niyang sina Ender at Cody pero si Ender lang ang may gulat na ekspresyon,si Cody naman ay seryoso lang ang ekspresyon niya.Oo nga pala,napag-usapan na namin 'to noong practice pa lang para sa intramurals.

"Kailangan mong sumagot at dapat katotohanan."sabi niya sa akin.

"Hindi lang naman si Amereigh ang Franco sa buong mundo 'di ba?"sabi noong isang ka-batch ko,si Gabrielle.

Nakita kong inirapan lang siya ni Lauren saka tiningnan ulit ako.

"Ano na?"inip na tanong nito sa akin.

Sasagot na sana ako ng maramdaman kong may tumabi sa akin.Nang tingnan ko ito ay si Vincen,umupo siya sa tabi ko.

"Yes,kami nga iyon.Have a problem with that?"sagot nito at tanong sa mga nandito.

Nanahimik sila at mahihinang nagbulungan.Marami din ang nagulat dahil sa katotohanan na nalaman.

Muli kong tiningnan sila Anniro,tumayo siya sa pwesto niya saka umalis doon.Nakita ko ring sumunod sa kaniya si Lauren.

Tumayo ako kaya tumayo rin si Vincen,hindi ko alam kung anong mga dapat kong sabihin kay Vincen dahil sa ginawa niya pero kailangan ba talagang sabihin pa iyong totoo?Bakit pa kasi ako sumali doon.At bakit pa kasi sa akin natutok iyong bote.

Alam na nila ngayon,at sana huwag ng kumalat pa...

Pero may pakpak nga pala ang balita.Alam kong agad na kakalat iyon at malalaman ng lahat ng estudyante.

Paghahandaan ko na siguro ang mga salitang bibitawan nila.Maghahanda na ako dahil ang mundo ngayon,puro na mapang-api.Hindi man lang alamin kung bakit ako pumayag doon.Ni ako nga rin pala hindi alam na pumayag ako doon at hindi alam kung bakit pumayag ang mga magulang ko.

Sinusundan ako ni Vincen habang lakad lang ako ng lakad.Huminto ako saka siya hinarap.

"Bakit mo sinagot iyong tanong nila?Iiwasan ko na sanang sagutin pero bakit mo pa sinagot?"tanong ko rito.Malayo na pala kami sa pwesto namin kanina.

"Bakit?That's the truth,Amereigh.At kailangan katotohanan ang isagot mo dahil truth ang pinili mo."sagot nito sa akin.Natawa na lang ako dahil sa inis sa sinabi niya.

"Are you now dumb,Vincen?Not thinking of what will happen next?Kaya kong sagutin iyon ng hindi o kaya ay palitan na lang ng dare para makaiwas.But you,you make little things big."sagot ko dito.Oo,maliit na problema pinalaki niya.I swear,by thursday that confirmation will be a hot issue in our school.

"But,that's lying."maikli nitong sagot.

"I don't care if I lie,basta maiwasan ko lang iyong sagutan para hindi na maging tsismis."sagot ko dito saka naglakad papalayo sa kaniya.

Another reason for me to hate him.He just made me a problem and I,I don't even know how to solve it on my own.

Ayoko na siyang makausap ulit at gagawin ko talaga lahat ng kaya ko mapatigil lang ang kasalan na iyon.

Hindi ko alam kung saan na ako napadpad,ang alam ko lang ay nasa school pa rin ako.Ang dilim pa lalo dito.

Kinapa ko ang bulsa ko saka naramdaman na nandoon iyong cellphone ko.Kinuha ko iyon para mag-flashlight.Pagka-bukas ng flashlight ay tumambad sa akin ang nasisilaw na lalaki.

May luha sa mga mata niya and this is my first time seeing him cry.

My first time seeing my bad boy roommate cry.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon