Chapter 6

786 70 1
                                    

CHAPTER 6

AMEREIGH

Huwebes ngayon ng tanghali at papunta kami ni Caily sa canteen para sa lunch.Noong mga nagdaang araw tuwing uwian ay diretso pa rin ako sa restaurant para tumulong.Ngayo'y hindi na muna pero pupunta pa rin ako para kunin iyong damit ko kay mama.

Nagpahanap kasi ako kay mama ng damit na susuotin ko para bukas.Gusto ko rin magka-plus.

Nakahanap naman si mama at galing iyon kay lola.Kukunin ko yun sa restaurant mamayang uwian.

Habang patungo kami sa canteen canteen ni Caily ay may dalawang babae ang nag-uusap.Malakas ang boses nila at malapit kami kaya naririnig namin sila.Pamilyar iyong isang babae at sigurado ako na nakita at alam ko ang pangalan niyon.

Ah!Oo!Anika Dy,siya iyong babaeng gustong-gusto ng mga lalaki dito sa school dahil maganda.

Naririnig namin ni Caily ang usapan nila.

"Alam mo ba?May bagong transferee sa lunes.At ang sabi ay mayaman at gwapo."kwento noong kasama ni Anika sa kaniya.

Hindi sa tsismosa ako pero konti lang.Sinong transferee?

"Never akong nahuli sa balita Karla."sagot ni Anika dito.Malayo pa kami sa cafeteria at mukhang parehas kami ng pupuntahan nito.Mga grade 12 students na nga pala sila.

"He's going to be our guest for tomorrow."sagot nong Karla.

"Yeah,I know."sagot nong Anika,para saan pa pagku-kwento nitong kasama niya e alam na niya pala lahat.Hindi daw siya nahuhuli sa balita.

"Do you know his name?I only know is his surname."tanong noong Karla.Hinarap naman siya ni Anika.

"His name is Vincen Cuevas."sagot nung Anika kay Karla na ikinatigil ko sa paglalakad.Vincen Cuevas?

Isa lang ang kilala kong Vincen Cuevas.Napatigil din si Caily nang makita na hindi ako gumagalaw sa pwesto ko.Tinanong niya ako.

"Ayos ka lang Ami?"tanong ni Caily sa akin.

Tinanguan ko lang siya saka siya hinawakan sa braso papunta sa canteen.Nasa harapan pa rin namin iyong dalawa at ngayon ay hindi na sila nag-uusap.

Hindi naman siguro iyong kakilala ko na Vincen ang tinutukoy nila dahil marami ang Vincen sa mundo.

Pero may chance din naman na iisa lang iyong Vincen na kilala ko at ang magta-transfer sa lunes.

Kung tama man ako,matagal-tagal na rin noong huli ko siyang nakita.

ANNIRO

Gabi na akong naka-uwi.Nakipagbugbugan na naman kami nila Ender at Cody.Hindi naman namin sila kilala pero sinabi nilang ipinadala sila ni Nixon.

Dumiretso ako sa CR.Pagkapasok ko,ibinuklat ko iyong ilaw.Pumunta ako sa CR para maghilamos at malinis itong mga sugat.

Paglabas ko nakita ko iyong bandang paanan ni Amereigh,mukhang pabaling-baling siya sa higaan niya at hindi makatulog.Base lang sa nakita kong kilos ng paa niya.

Nahiga na ako,pinipilit kong sanayin ang sarili ko dito sa maliit na higaan ko dahil hindi ako pupwedeng umuwi...

...Hindi ako makatulog,mga nasa isang oras mahigit ko na pinipilit matulog.Bumangon ako't umupo sa gilid ng higaan ko.Hindi ako makatulooog!

Hinawi ko ng kaunti iyong kurtina sa ulunan namin para sa tingnan itong roommate ko,pero saktong paghawi ko'y pagbaling ng katawan ni Amereigh paharap sa akin.Nakahiga siya at gising na gising,nagulat pa siya.

Nagulat rin ako.

Hindi ko na nahawi pa pabalik iyong kurtina ng magsalita siya.

"A-Anong ginagawa mo?"nahihiya niyang tanong.

"W-Wala,bakit gising ka pa?"nahihiya ko ring sagot at tanong.

"I-Ikaw?B-Bakit gising ka pa?Tsaka bakit mo hinawi 'yang kurtina?May gagawin ka 'no?"sagot niya ng utal at papataas na niyang boses.

"Wala ah!Ano namang gagawin ko sa 'yo?"tumataas na rin ang boses ko.Kung ano-ano kasi pinag-iiisip ng babaeng 'to.

"Y-Yung!Yung ano!B-Basta!"namumula ang pisngi niyang taas ng boses.

"Bakit ba gising ka pa?"irita kong tanong sa kaniya.Pinag-iiisip nito yung mga imposible.

"Iniiba mo ang usapan!May iniisip lang ako."sinagot nama niya ang tanong ko.

"Anong iniisip mo?"tanong ko ng may kuryosidad.

"Tsismoso!"sigaw niya.

"Anong tsismoso,bawal na bang maging curious?"sagot ko.

"Itsi-tsismis ko ah?"sagot niya saka siya dumiretso ng higa.Humiga na rin ako."Kilala mo ba si Anika Dy?Yung blogger sa school?"tanong niya sa akin habang nakatingala siya sa kisame.Pinagmamasdan ko kasi siya.May itsura rin pala ito.

"Si Anika?Oo,bakit?"sagot ko't tanong.

"Kaninang lunch time,papunta kami sa canteen naririnig ko iyong sinasabi niya."sagot niya."Meron din silang nabanggit na transferee."dagdag niya.Hindi na lang ako sumasagot.Hinahayaan siyang magkwento.

Hindi ko alam pero parang ang komportable naming mag-usap at parang matagal na kaming magkakilala.

"Ang pangalan nung transferee,Vincen Cuevas."wait,Vincen Cuevas?Cuevas?May mga Cuevas na business partner si dad."Kababata ko si Vincen at ang makilala siya ang pinaka-ayaw ko magmula nung makita ko ang tunay na siya."sabi niya uli.

"Ayaw ko sa kaniya dahil natakot ako sa ginawa niya noong bata pa kami sa mga bagay na minamahal ko."napabungtong hininga siya."Ang mga laruang lagi kong nilalaro'y pinagseselosan niya.Kaya isang umagang paggising ko,nakita ko siyang pinagsisisira ang mga iyon sa bakuran namin.Sa bahay kasi kami laging naglalaro dahil kapitbahay lang namin sila."malungkot niyang sabi.

Patuloy lang ako sa pakikinig.

"Humingi siya ng tawad.Pero noong sumapit ang kaarawan ko,may nagregalo sa akin ng tuta.Lagi ko iyong kalaro at minsan na lang kung makapaglaro kami ni Vincen.Hanggang sa isang araw nawala iyong tuta ko.Kinabukasan noon ay nakita ko sa bakuran namin iyong tuta ko na tadtad ng saksak at puro dugo."nakapout niyang kwento.

"Alam kong siya ang gumawa noon.Wala naman ng iba.Umiyak ako noon dahil sa ginawa niya at magmula noo'y hindi na ako muling nakipaglaro sa kaniya.Lagi ko siyang nakikitang nasa bakuran namin at naghihintay sa akin pero sa loob na lang ako ng bahay naglaro ng mag-isa.Ilang linggo lang ang lumipas noon ng malaman kong aalis siya't sa ibang bansa na maninirahan."Lumingon na siya sa akin.

"Hindi ko na siya nakita pa magmula noon,ni balita nga ay wala.At ngayong nalaman kong magt-transfer siya sa school,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkita kami ulit."huli niyang sabi saka hinawi ang kurtina.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon