Chapter 27

428 31 9
                                    

CHAPTER 27: SI AMEREIGH

AMEREIGH

Sobra ang gulat ko kanina ng tangayin ako ni Anniro papaalis sa school.Hindi na ako pumalag dahil gusto ko ring umalis muna sa school at nakaramdam din ako ng tuwa ng kaming dalawa ang magkasama.

Hindi ko alam pero may kaunting saya na namuo sa akin ng sabihin niya na hindi niya itinuloy ang pagpo-propose ay dahil sa babaeng mahal niyang gustong gawin iyon.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakaupo sa passenger's seat at nakatingin sa bintana.Pauwi na kami.

Nahihiya akong magsalita o tumingin man lang sa kaniya dahil sa pag-amin kong gusto ko siya.

Hindi naman matanggal magmula pa kanina sa park ang ngiti niya habang nagmamaneho.

"Sa miyerkules na ang birthday mo 'di ba?"tanong niya sa akin kaya napalingon ako sa kaniya.Tutok siya sa pagmamaneho habang todo pa rin ang pagngiti.

"Oo,bakit?"tanong ko sa kaniya.

"Ako ang unang bisita na pupunta doon."tumingin siya sa akin ng nakangiti saka ibinalik ang tingin sa harap."Pangako."dagdag niya pa.

Pangako,aasahan ko ito.

Inihinto niya ang kotse sa harap ng inuupahan namin saka na ako lumabas,ipaparada niya pa kasi.

Hinintay ko siyang matapos sa pagparada saka kami sabay na pumasok sa loob.

Halos pagngiti na pala magmula kanina sa sasakyan ang ginagawa ko hanggang ngayon.

Magkasunod kaming nagbihis dahil nakapang-school uniform pa pala kami.

Malapit ng mag 8:00 PM kaya nahiga na ako sa kama ko,busog na din kami kaya hindi na kami kumain pa.

Nakangiti pa rin ako.

Napangiti ako ng pangako ni Anniro.

ANNIRO

Today's tuesday and I went home dahil tinawagan ako ni Dad kaninang madaling araw na umuwi ako at kahit sa phone ay parang nakikita ko ang bibig niya na binubugahan ako ng apoy dahil sa mga pagsigaw niya at ang galit na tono at boses.

Kaka-park ko lang ng kotse ko sa garahe at naglalakad na ako ngayon papasok sa loob ng bahay.

Mali-late siguro ako ng pasok mamaya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kusa itong bumukas saka iniluwa si Dad.

Agad kong nakita ang galit sa mga mata niya ng makita ako.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"agad niyang kinuha ang kwelyo ko saka ako hinila papasok sa loob.

"Mahirap ba iyong ipinagagawa ko?You'll just ask her if she wants to marry you then give her the ring and that's all!But,what you did yesterday is a mess.I am with Lauren's parents that time.We're watching you."dire-diretso nitong sabi sa akin.Galit.Galit na galit.

"I don't care if you're with them.All I want is to stop all of this.The arrange marriage,I can't see myself being with Lauren until I grow old."sagot ko sa kaniya.

Binitawan niya ako saka nagpakawala ng isang suntok.

Ang sakit.

"You don't care?And what?You want to stop the marriage?No,you can't!"sigaw nito sa akin.

Nakita ko si mom na pinipigilan siya.

"Dad!"sigaw ko na rin sa kaniya.

"You have to marry her!I want our company to be more successful and known worldwide!"pasigaw niyang sagot sa akin.

Wow.

All he wants is his company's success,he don't care about his son?His son's decisions and where his son's going to be happy?

Is all he want is money?

Is money's important here?

Leaving your son's happiness and just care about your self's happiness?

Just,WOW.

"You care about your company's success,how about me?Do you even care about my feels about this?"sagot ko.Naiiyak na ako pero hindi ko hahayaang tumulo ang mga luha ko ngayong kaharap ko siya.

Ayokong magmukhang mahina sa harap niya.

"It's all for you and your mom.Please,marry Lauren."huminahon ng kaunti ang boses niya.

"No."matigas kong sagot dito.

Bumalik ang galit niyang ekspresyon.

"ANTONIO LEONIRO!"sigaw niya sa pangalan ko.Ang lakas.

"Dad,ni hindi mo man lang nga hiningi ang opinyon ko tapos makikita ko nalang na ikakasal na ako?Puro pera ang nasa isip niyo!"sigaw ko dito.Gusto ng mag-unahan ng mga luha ko pero napipigil ko pa.

Agad na dumapo na naman ang isang suntok sa kabila ko namang pisngi ngayon.Ang sakit.

"Oh,you don't even have time for us.All you want is success,you almost forgot na mayroon kang pamilya.Ito pa lang yata iyong pinaka-mahabang araw na nakasama ka namin magmula noong ipanganak ako."sagot ko pa saka tumawa ng mapakla.

"Walang kasalan na magaganap."sagot ko saka na sila tinalikuran.

Aalis na ako.

Nakalabas na ako ng pinto at papunta na sa garahe pero dinig ko pa rin ang boses ni dad na tinatawag ako hanggang dito.

Pinipigilan nga pala siya ni mom.

...

Tumulo na lang basta ang mga luha ko habang nagdi-drive ako.

Naalala ko nanaman iyong mga araw na umuuwi si Dad galing trabaho.Galing abroad at halos isang linggo lang mananatili dito at babalik na doon.Minsan lang kung isama niya kami ni mommy.

Ang ganda na ng takbo ng kompanya niya,pero bakit gusto niya pang makilala iyon sa buong mundo?

Gusto niya ba akong ipakasal kay Lauren because of his dream that only cares about his company?

Dahil ang kompanya nila Lauren ay kilala sa buong mundo at successful.

Gusto niya akong ipakasal kay Lauren para nga naman makilala ang kompanya niya.Gagamitin niya sila Lauren para sa kaligayahan niya?

Ano bang pinag-iiisip niya?

Dumiretso ako sa school,malapit na palang mag 8:00 AM,sa susunod na subject na lang ako papasok.

Pagdating ko ay dumiretso ako sa canteen.Walang tao.

...

Maghapon ako sa bleachers sa court,hindi ako pumasok sa lahat ng klase ko.

Kaka-uwi ko lang at kasalukuyang nakahiga ng marinig na tumunog ang doorknob ng pinto.

Napa-upo ako mula sa pagkakahiga ko.

Baka si Amereigh na 'to.

Hinintay ko na bumukas ito at laking gulat ng makita kung sino ito.

Si Lauren!

Anong ginagawa niya dito?

Nang makita niya ako ay agad niyang isinara ang pinto at agad akong niyakap saka kaya sabay kaming napahiga sa kama.

Nakaibabaw siya sa akin!

Narinig ko nanaman ang tunog ng doorknob,may papasok.

Bumukas ang pinto saka ko nakita ang unti-unting pagkawala ng matamis na ngiti ng babaeng nakatayo doon at nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa akin...sa amin.

Naka-school uniform pa siya at kaka-uwi niya lang.

Napatingin din doon si Lauren.

"Amereigh?"patanong niyang sabi.

Hindi sumagot si Amereigh,agad niyang isinara ang pinto kaya agad kong inalis na ibabaw ko si Lauren.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon