Chapter 7

784 61 8
                                    

CHAPTER 7

AMEREIGH

Nakatulog ako agad kagabi noong  naikwento ko kay Anniro iyon.Gumaan ang loob ko't parang naging komportable ako sa kaniya.Hindi ko na siya nadatnan kanina.

Habang naghihintay ng tricycle ay napa-isip ako kung bakit nga pala siya nangungupahan sa maliit na bahay,eh sobrang yaman ng pamilya nila.

Nakasakay ako ngayon sa tricycle,kahit malapit ang school pinili ko na lang ang pamamasaheros.Dala-dala ko iyong damit na isusuot ko.Sa school na lang ako magpapalit.Ngayon na kasi ang selebrasyon ng buwan ng wika.

Pagkababa'y nakita ko agad iyong mga dumadating na naka t-shirts at pantalon pa lang gaya ko.Meron ding mga nakabihis na agad.

Merong mga naggagandahang mga kotse na nakaparada sa loob,siguro sa mga guest.Dumiretso na ako sa classroom,nadatnan ko iyong mga kaklase kong mga nakabihis na.Meron ding mga dumating na mga kasunuran ko lang na hindi pa nakabihis kaya dumiretso na ako sa CR.

Nagpalit na ako ng damit.Paglabas,nakita ko si Adryan na nakasuot ng kulay puting barong,seda ang pang-ibaba at black shoes.Ayos rin ang buhok niya.

Pumasok mula sa pinto si Caily,nakasuot na siya ng damit niya.Isa iyong simpleng baro't saya pero bagay na bagay sa kaniya.

Parehas lang kami ng suot ni Caily pero syempre magkaiba ang disenyo.Kinawayan ako kaagad ni Caily nang makita ako't lumapit sa akin.

"Tara naaa!"sabi niya saka kami lumabas at nilakad ang daan papunta sa court kung saan gagawin iyong program.

Halos lahat ng mga estudyante ay nakasuot na ng sinaunang kasuotan,sayang ang plus poin.Nakasunod din sa likod namin iyong mga kaklase namin at may mga nauuna rin.

Bawat section may sariling groups ng upuan para sama-sama.Maluwang rin naman ang court at sobra pa para sa lahat ng estudyante,meron din sa mga bleachers.

Nasa harapan kami ng mga kaklase ko.Nasa gitnang part ng court itong pwesto namin kaya kitang-kita ang buong stage pati na rin ang mga tao roon.

Merong mga teachers sa stage,merong din na naglilibot,at merong mga umaasikaso sa mga magpe-perform.

Nagsisimula ng magsalita iyong mga teachers at sinabing meron daw magpe-perform ng mga sayaw dati.Pipili rin pala sila ng mga estudyanteng naaayon ang kasuotan.

Nagsalita na rin iyong mga guest.

Panunuod at pagpalakpak lang ang ginagawa namin magmula kanina.Pero ngayon,may sasabihin ata si Ma'am Principal.

"Students,let us all welcome our special guest,Mr.Vincen Cuevas!"sabi niya sa lahat ng estudyante na kinagulat ko.Papaano siyang naging guest dito?Ang alam ko magiging estudyante siya ng school.

Ilang taon ko na siyang hindi nakita,ngayong nakikita ko siyang paakyat sa stage ay hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.

Pagkaakyat niya'y kinamayan agad siya ng principal at nung humarap siya ay kasabay ng tilian ng mga babaeng estudyante.

Ang laki na ng ipinagbago niya.Hindi ko na ipagtataka kung bakit sobra ang sigaw ng mga babae dito.Ang gwapo niya.

Ibinigay ni Ma'am Principal iyong microphone sa kaniya at saka siya nagsalita.Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya dahil na rin sa gulat.Natauhan lang ako ng makitang umupo na siya.

Nagpatuloy iyong program,pagpili na nang mga estudyante.Merong teacher na tumayo habang may hawak-hawak na papel.Siya yung teacher kanina na naglilibot at nagtatanong ng mga pangalan ng mga estudyante.

"Sa mga pangalang babanggitin,umakyat lamang sa entablado at tanggapin ang sertipiko para sa pagsusuot ng naaayong kasuotan para sa programa."sambit ni teacher.

"Anika Dy!"sabi ni teacher at palakpakan naman kami.Umakyat iyong Anika ng may kasama pang dalawang babae dahil hindi niya mabubuhat mag-isa iyong suot niyang gown,gown ata yun e.

Hindi talaga siya nagpahuli.

Pina-stay siya nung teacher doon para daw sa picture sama-sama mamaya kapag kumpleto na.

May mga tinawag pa siyang mga pangalan na hindi ko na mga kilala hanggang sa tinawag niya si Anniro.

"Anniro Delgado."tawag nung teacher.Nakita kong naglalakad si Anniro papunta sa stage.Nakasuot siya ng kulay asul na barong,seda at black shoes.Ayos na ayos din ang buhok niya.Nakaakyat na siya doon at nakuha ang certificate.

"Amereigh Franco."tawag noong teacher sa pangalan ko.Hindi pa rin ako tumatayo dahil hindi ko maialis ang tingin ko kay Anniro.Hanggang sa naramdaman kong pinapatayo na ako ni Caily kaya tumayo na ako't umakyat sa stage.

Nadaanan ko si Vincen na seryoso lang ang mukhang nakatingin sa akin.Nakuha ko iyong certificate at saka pumwesto sa tabi ni Anniro.

"Cody Viloria."tawag uli.

Umakyat si Cody sa stage,nakasuot siya ng simpleng puting barong,seda at black shoes lang din pero bagay na bagay sa kaniya iyon.Tumabi siya sa akin at may sinabi.

"Picture tayo mamaya."sabi niya sa akin ng makangiti.Tumango naman ako at ngumiti rin sa kaniya.

Tumingin sa kaniya si Anniro,nginitian ni Cody si Anniro,pero bumalik lang ang tingin niya sa harap.Mukhang may iniisip.

Marami pang tinawag at sa wakas,natapos rin ang pagtayo namin doon.Nagpalitrato lang kami kasama ang mga guest at ang mga teachers.

Pwede na raw bumalik sa mga classroom,pwede rin naman daw sumali sa mga palaro sa court at pwede na ring umuwi.

Syempre pinili halos namin ang pag-uwi.Nasa may gate na ako ng tawagin ako ni Cody,kasama niya si Ender.Oo nga pala,gusto niya magpicture kami.

"Nasan si Caily?"tanong ni Ender.

"Nauna ng umuwi."sagot ko.Tinanguan niya lang ako at saka ibinigay ni Cody iyong cellphone niya kay Ender.Siya ang magpi-picture sa amin.

Pumwesto na kami ni Cody at nagbilang sa si Ender nang may pumaradang puting kotse sa harapan namin at hinatak ako sa braso nung lumabas na lalaki mula sa kotse.Si Vincen.

"Tara."yan lang ang sinabi niya.Tiningnan ko si Cody na kumunot na ang noo.

"Mr.Cuevas,anong kailangan mo kay Amereigh?"tanong ni Cody.Hindi sumagot si Vincen at tiningnan lang si Cody.

Hahatakin niya sana ulit ako ng may humatak na naman sa isa ko pang braso.Nang tingnan ko iyon,si Anniro.Masama ang tingin kay Vincen.

"Saan mo siya dadalhin?"tanong sa kaniya ni Anniro.

"Bitiwan mo siya Delgado."sabi ni Vincen sa kaniya.

"Kung ayoko?Anong gagawin mo?"tanong ni Anniro,nanghahamon.

"Iaatras ko ang deal namin ng ama mo at pababagsakin ko ang kompanya niyo."sagot niya kay Anniro na ikinagulat namin.Ayoko namang mangyari iyon ng dahil sa akin.

"Anniro,bumitaw kana.Wala siyang gagawing masama sa akin."sabi ko kay Anniro kaya naramdaman kong lumuluwag ang kapit niya sa akin.Ayaw niya rin sigurong mangyari iyon sa ama niya.

Tuluyan na niyang nabitiwan ang braso ko kaya agad na pinapasok ako ni Vincen sa kotse niya.

"Sorry Cody!!"sigaw ko bago isara ni Vincen iyong pinto.Nakita ko pa ang nag-aalalang mukha ni Anniro.

At saka bakit ba ganito ang ginagawa sa akin nito?Hindi pa rin siya nagbabago.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon