Chapter 13

563 46 0
                                    

CHAPTER 13: THIEVES

ANNIRO

Habang buhat-buhat ko si Amereigh papuntang clinic ay bigla siyang nagsalita.

"Sorry."sabi niya na ikinapagtaka ko tsaka ko lang nakita na nasa tapat na kami ng clinic kaya ibinuklat ni Caily ang pinto para makapasok kami.

Pagkapasok ay ibinaba ko siya sa isa sa mga bed doon.Pinabalik naman kami ng nurse pagkababa ko sa kaniya at nagpa-iwan na lang ng isa.Nagpasalamat siya sa akin bago kami umalis nila Cody,Ender at Vincen.Naiwan doon si Caily.

Bumalik kaming tatlo sa likod at hindi na alam kung saan tumungo si Vincen.

Nagpatuloy kami sa paglalaro pero parang wala ako sa focus dahil naiisip ko si Amereigh.

...

Hapon na at sa wakas ay natapos din ang practice.Bumalik ako ng classroom saka kinuha iyon gamit ko.Pagkababa ko sa first floor kung saan ang room ng mga Grade 11 ay dumiretso ako sa classroom nila Amereigh.Wala na siya doon kaya agad kong tinungo ang clinic.

Pagkarating din doon ay tinanong ko ang nurse na nag-asikaso sa kaniya kanina.Kanina pa raw naka-alis si Amereigh at sigurado ako na naka-uwi na siya.

Nilakad ko na lang ang daan pauwi at pagpasok sa kwarto ay nakita ko siyang nagtatanggal ng sapatos.Ibinaba ko ang bag ko saka umupo sa gilid ng kama.

Tinitingnan ko si Amereigh habang nakatalikod siya ng marinig ko siyang dumaing.

Nilapitan ko siya agad dahil doon at agad na tinanong siya.

"Ayos ka lang ba?Masakit ba?"tanong ko sa kaniya habang alalang-ala.Tango lang ang isinagot niya sa akin kaya kinuha ko iyong paa niya na tinatanggalan niya ng medyas.Nasaktan siguro iyong pasa niya dahil sa pagtatanggal nito.Kinuha ko sa kaniya ang hawak na medyas at dahan-dahan iyong tinanggal.

Pagkatapos kong tanggalin iyon ay lumabas ako para kumuha ng yelo sa refrigerator na nasa kusina,bimpo rin at planggana.

Alam kong ito ang kailangan dahil minsan na rin akong nagkapasa noon dahil sa pagkakatama ng malakas sa kahoy.Ganito iyong ginagawa ni Mom at Yaya Lora noon sa akin.

Bumalik na ako sa kwarto saka umupo sa may paanan ni Amereigh saka kinuha ang paa niyang may pasa saka marahan na idinikit doon ang yelo na nakabalot ng bimpo.

"Makakapaglaro ka ba dahil dito?"tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa kaniya pasa.

"Ma-Makakapaglaro naman kung lalagyan ko daw ng cold compress sabi nung nurse para mawala agad iyong sakit at pasa."sagot niya sa akin.

"Manood ka nalang muna sa amin bukas,alam ko namang kahit walang practice ay kaya mo.Minsan na kitang napanood maglaro."sabi ko't paalala sa kaniya.Oo,minsan ko na siyang napanood maglaro noon.At nakita ko din noon na magaling nga siyang maglaro.

Tumango lang siya sa akin at bumalik ulit sa tahimik ang paligid kaya binasag ko ang katahimikang iyon.

"Para saan iyong 'sorry' mo kanina?"tanong ko saka pinasadahan siya ng tingin.Nakita kong namula siya dahil doon at parang nag-aalangan pang sabihin kung bakit pero mas pinili niya na sabihin iyon.

"Pa-Para yun sa pagsampal ko sa 'yo.Ako na nga yung tinulungan mo,ako pa yung nagalit."sagot niya sa akin.

Pinipilipit ko iyong bimpo na nabasa na dahil sa yelo saka itinapat iyon sa planggana.

Tumango ako sa kaniya at nagtaas ng tingin.Nakangiti akong tumingin sa kaniya saka tiningnan uli ang ginagawa.

Nagtagal ng mahigit siguro isang oras ang panggagamot ko gamit ang yelo sa paa niya bago ako tumigil dahil nakadalawa na akong yelo.

Pagbalik ko doon ay nakita kong nakahiga na siya saka mahimbing na natutulog.Natulog na lang din ako dahil nangawit ang likod ko dahil sa pagkaka-upo pati na rin ang mga hita ko pero ayos lang iyon.

...

Araw na ng intramurals at pag-papractice lang ang ginawa namin kahapon.Nasa school na ako ngayon habang naglilibot.

Sakto namang malapit ako sa gate ay nakita doon ang pamilyar na babae.Si Amereigh,ngayon pa lang siya dumating.Nakita ko rin na may mga lalaking kasunod niyang pumasok.Pamilyar ang mga iyon pero dahil nakatakip ang mga mukha nila ay hindi ko sila nakilala.

Dire-diretso lang si Amereigh sa paglalakad habang may hawak-hawak din na suklay dahil magulo ang buhok niya.Sinundan ko lang siya at saka sumabay sa kaniya sa paglalakad.Nakita niya naman ako kaya tinanong ko siya.

"Ayos na ba iyong paa mo?Masakit pa?"tanong ko sa kaniya habang diretso lang sa paglalakad.

"Ah,masakit pa rin at sa tingin ko,hindi ako makakapaglaro."sagot niya sa akin.

"Ayos lang sayo na hindi ka makakapaglaro?"tanong ko ulit sa kaniya,nakatingin na ako sa kaniya at siya naman ngayon ang diretso ang tingin.

"Ayos lang,may next school year pa naman.Saka wala naman din akong magagawa,nangyari na."sagot niya habang nakangiti."Ang aga mo yata?"tanong niya sa akin.Oo nga pala,hindi kami nagkaka-ilangan at parang matagal ng magkakilala kahit hindi naman kami halos magpansinan sa inuupahan namin at sa nangyari noong lunes ng gabi.Iyong paggamot ko.

"Ah,oo.Maaga akong nagising e."sagot ko sa kaniya.Kinalimutan na niya lang siguro iyon."Teka,napansin mo ba iyong mga lalaking kasunuran mo kanina?"tanong ko sa kaniya.Tumingin naman siya sa akin nang sinabi ko iyon.

"Mga lalaki?Hindi ako lumingon sa likuran ko e,bakit?"sagot niya at tanong sa akin.Umiling na lang ako saka lumingon.Hindi ko na sila makita.

Nandito na pala kami sa harap ng building,nagpaalam na siya sa akin na papasok na sa classroom nila.Sa first floor sila kaya dumiretso na ako sa hagdan papuntang second floor.

Hindi ko alam pero hindi ako sa second floor dinala ng mga paa ko.Naramdaman ko na lang ang malakas na hangin saka napagtantong nasa fourth floor na ako.

Tiningnan ko ang mga estudyanteng papasok sa gate at mga naglalakad-lakad mula dito.Ang lawak din pala nitong school kapag nasa mataas na lugar ka.May rooftop pa ito pero dito na lang ako.Atsaka mainit na rin doon.

Habang inililibot ang paningin ay nakita ko ulit iyong mga naka-cap na mga ewan lang kung estudyante ba dito.Kahina-hinala ang mga iyon.Narinig kong uumpisahan na ang program kaya bumaba na ako ng fourth floor at dumiretso sa classroom para kunin iyong raketa ko.Nandun din sila Ender at Cody,hinihintay ata ako.

Lumabas na kaming tatlo papunta sa court nang may bumangga kay Cody.Nakayuko lang ito at dun ko lang din nakita na naka-cap ito at nasa likuran ang iba pa.

Ito iyong mga kanina ko pa nakikita.

Nilagpasan nalang namin sila saka dumiretso sa court.Saktong pagpasok namin doon ay may nagsalita sa stage gamit ang mic para marinig ng lahat.

"Kung sino man po sa inyo ang nakakita ng cellphone na may kulay blue na case ay ipagbigay alam sa akin dahil katabi ko po ngayon ang may-ari at nawawalan ng cellphone.Salamat po."anunsyo noong babae sa stage at may katabi pang isa.

Nakita din namin na mayroon pang ibang mga estudyante ang umakyat sa stage at ipina-anunsyo na nawawalan din sila ng gamit.

Meron bang magnanakaw na nakapasok dito?

Teka,iyong mga naka-cap!Sabi ko na nga ba't pamilyar sila!Sila Nixon iyon!Sila Nixon na magnanakaw at sigurado ako na sila nga ang kumuha ng mga gamit ng mga mawawalan.Dahil kaninang nakabungguan namin sila ay halos lahat sila ay may dala-dalang bag.At sigurado din ako na nandoon sa loob ng mga iyon ang mga ninakaw nila!

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon