Chapter 14

534 41 5
                                    

CHAPTER 14: CONFIRMATION

ANNIRO

Sabi ko na nga ba't pamilyar sila sa akin.Hinanap agad ng mga mata ko kung nasaaan sila pero hindi ko sila nakita.

Pwede ang mga outsiders basta may kasamang estudyante ng Morgado kaya posibleng may estudyante dito na kasama nila.Ipinasarado ng mga teacher sa mga guard ang gate dahil baka may mga lumabas na estudyante at outsiders.Pinapapasok lang nila ang mga parating na mga estudyante at pinapa-iwan sa labas ang mga hindi estudyante ng Morgado.

Pinapunta ang lahat sa court para paalalahanan ang lahat.

"Sa nakakita man po,pumunta lang po kayo sa Guidance Office at ibigay doon ang gamit ng nawawalan.Pinapangako namin na hindi ito malalaman ng kung sino man."anunsyo ng SSG President.

Nandito na rin ang may-ari ng school,ang mga Morgado.Kasama nila ang anak nilang lalaki,si Lucas Morgado.Oo,Lucas Morgado,iyong kaklase ni Amereigh.

Alam din nila na may mga nanakawan at syempre magnanakaw,dahil nandito na sila bago pa ipaalam na may nawawalan.

Inilibot ko ulit ang paningin ko pero hindi ko na talaga mahanap iyong mga naka-cap o sabihin kong sila Nixon.Hanggang dito umabot na sila,hindi ko rin pala makita si Amereigh,tanging si Caily lang.Pati si Vincen ay wala.

Naka-upo kaming lahat habang nakikinig sa sinasabi ni Mrs. Florence Morgado sa harap.Hindi tungkol sa intrams ang sinasabi nila,kundi tungkol sa mga magnanakaw.Sinasabihan ang lahat na mag-ingat at umamin.

Habang nagsasalita si Mrs.Florence ay narinig kong nagba-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.Tumatawag si Daddy.Madalang lang kung tumawag ito.

Tumayo ako sa pwesto ko saka bumalik sa building namin.Ayos lang naman na bumalik saka nagpaalam ako sa adviser namin na binabantayan kami.

Pagkadating ko doon ay sinagot kong agad ang tawag.

"Hello?"sagot ko sa tawag.

"Magpaalam ka sa adviser mo at umuwi ka.Sunduin mo sa airport si Lauren."sagot niya sa akin.

"Lauren?Lauren Paredes?"paninigurado ko sa kaniya.

"Oo,your childhood friend.Bilisan mo."sagot niya saka pinatay ang tawag.

I miss her so much!Ilang taon na din kaming hindi nagkikita dahil sa ibang bansa siya nag-aral.And now,she's back!

Bababa na sana ako ng marinig ko na mayroong nag-uusap sa third floor.Dahil sa curiosity ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa hagdan at sinadyang hindi gumawa ng kahit anong ingay.

Pamilyar ang mga boses na naririnig ko at saktong pagka-akyat ko ay nakita ko si Amereigh at Vincen doon.Umiiyak si Amereigh at hindi ko alam kung bakit pero bigla ay nagalit ako at gustong bugbugin ang sino mang nagpa-iyak sa kaniya.

Nakita ako ni Vincen at dahil nakatalikod sa akin si Amereigh hindi niya ako nakikita.

Nakita kong nag-smirk si Vincen at saka unti-unting lumapit kay Amereigh.Umaatras naman si Amereigh dahil doon.Kumunot ang noo ko at nagkasalubong ang mga kilay.Anong binabalak niya?

Lalapit na sana ako ng bigla ay hablutin niya sa baywang si Amereigh at ang sunod niyang ginawa ay ang bagay na nakapagpaguho sa mundo ko at nagpatunay na gusto ko na nga si Amereigh.

Bakit ako masasaktan sa ginawa niya kung hindi ko gusto si Amereigh?Nasasaktan ako dahil gusto ko na siya.Oo,hindi ko alam kung kailan o bakit ko siya nagustuhan.

Pero ang masaktan lang dahil sa nakita ko ang nagpapatunay non.

Kailan lang naman kami nagkakilala a?Bakit ko siya nagustuhan?May dahilan ba kung bakit ko siya nagustuhan?Basta na lang ba itong nararamdaman?Ito ba yung dahilan kaya lagi ko siyang naiisip?Dahil gusto ko na siya.

Hindi ko kinakaya itong nakikita ko na ginagawa ni Vincen kay Amereigh.Hinalikan siya ni Vincen sa mga labi,sa harapan ko at walang kaalam-alam si Amereigh na nandito ako.

Tama pa ba ito?Ni hindi ko nga alam kung gusto rin ba ako ni Amereigh.Wala pa akong minahal na babae maliban sa mommy ko.Hindi ako sigurado kung mahal ko si Amereigh pero sigurado na ako na gusto ko siya.

Hindi ko matagalan ang nakikita ko kaya bumaba na akong agad doon ng hindi nila napapansin.Namumula na rin ang mga mata ko at nagbabadya ang pagpatak ng mga luha.Para ring barado ang lalamunan ko at hindi kaya pang magsalita.

Dumiretso ako sa gate at sinabi sa guard ang sadya ko.Pinalabas naman nila ako dahil ini-utos na pala ni Dad.Meron na ring naka-abang na kotse sa labas na isa sa mga sasakyan sa bahay.Pumasok ako doon at tumingin lang sa bintana buong biyahe.

AMEREIGH

Ipinapatawag ang lahat para pumunta sa court dahil gaganapin na ang program.Papalabas na kami ng building nang may humawak sa mga kamay ko saka ako idinala sa third floor,si Vincen.Merong benda ang kanang kamay niya?Napano 'to?

Hindi na ako naka-angal at hindi rin nakapagsabi kay Caily.Wala ng tao doon nang makarating kami.Mahangin na din sa parteng ito dahil mataas na rin dito.Tahimik lang kaming dalawa.Naririnig din namin hanggang dito ang mga estudyanteng inaanunsyo na nawawalan sila ng gamit.

May nakapasok na magnanakaw?Sana sa susunod na intramurals,gawa na ang stage ng gymnasium para doon na lang ang program at siguraduhin na ng maayos ang mga pinapapasok na outsiders.

Binasag ni Vincen ang katahimikan.

"Nagseselos ako."sagot niya sa akin.Ano raw?Nagseselos?Bakit?

"Ha?"nalilito kong sagot sa kaniya.

"Ayoko ng may ibang bumubuhat sayo."sagot niya sa akin.Ikinaseselos na niya iyon?Hindi pa rin siya nagbabago.

"Hindi ka nagbabago,ganoon ka pa rin kahit ilang taon ang lumipas.Walang kang dapat ika-selos Vincen."sagot ko sa kaniya na may seryosong ekspresyon.

Ayaw ko ng ugali niyang ganito.

Sumeryoso din ang kaniyang mukha na nakaharap sa akin.Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.

"Ie-engage na tayo Amereigh at kahit hindi pa kita napapang-asawa ay ayaw kong may ibang lalaki ang humahawak sayo."sagot niya sa akin.

"Sa tingin mo ba,matutuloy iyong kasal na 'yan?Sila mama at papa ang pumayag diyan,hindi ako."sagot ko sa kaniya.

"Sa tingin mo ba may magagawa ka?"tanong niya sa akin.Hindi ako nakasagot doon,oo nga naman.Ano nga bang magagawa ko?Kahit hindi ko gusto ay matutuloy pa rin dahil kaya niya ng gawin ang lahat ngayon dahil sa kapangyarihan at kaalaman niya.

Unti-unting tumulo ang mga luha ko dahil sa isipin na ikakasal ako sa taong hindi ko mahal.At sa isipin na pumayag ang mga magulang ko doon at hindi man lang sabihin sa akin kung ano ang dahilan.

Lumalakas ang iyak ko,nakita ko naman na unti-unting lumalapit sa akin si Vincen habang naka-smirk pa ito.Bawat paglapit niya ay siya ring pag-atras ang ginagawa ko.

Pero,hindi na ako naka-atras pang muli ng hablutin niya ako sa baywang saka agad na inilapat ang labi sa aking mga labi.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon