Chapter 11

671 51 6
                                    

CHAPTER 11: THE THREE OVER ACTING PRINCE CHARMINGS

ANNIRO

Papunta kami ngayon sa bandang likuran na ng school.Dito raw kami maglalaro.Kaming tatlo ang nakuha sa badminton boys sa section namin at isa pa sa kabilang section na naging partner ni Ender sa doubles.

Ini-announce sa amin kanina na intramurals na daw ngayong miyerkules at next week ay camping.

Merong gymnasium pero sa mga basketball players nila ipinagamit iyon.Iyon namang court na para sa mga program ay ipinagamit sa mga volleyball players,hindi ba pwedeng magsalitan ang basketball at volleyball sa gymnasium?

Malapit na kami nang biglang may kinawayan si Cody.Napatingin kami doon ni Ender,sila Amereigh at Caily sa katabi ni Amereigh ay si Vincen.

Bigla ay kinuha niya ang hawak na shuttlecock ni Ender,inihagis niya iyon saka hinataw ng raketang hawak niya.Tiningnan namin kung saan iyon tatama at halos kaming lahat ay nagulat pati na rin iyong ibang mga estudyante ng tumama iyon kay Vincen.

Nang tingnan ko si Vincen ay hawak niya ang shuttlecock,namumula rin ang kaliwang pisngi niya.Doon siya natamaan.Seryoso siyang nakatingin kay Cody at ganun rin si Cody sa kaniya.

Bakit niya ginawa iyon?

Lumapit si Cody sa pwesto nila kaya napasunod kami ni Ender sa kaniya.Pagkalapit namin ay siyang pagsasalita ni Cody.

"Can we talk in private Amereigh?"tanong ni Cody kay Amereigh saka tiningnan ng masama si Vincen na seryoso namang nakatingin kay Cody.Nagpaalam ito kay Vincen at Caily.

Natira kami ditong apat dahil lumayo-layo sila Amereigh at Cody sa amin saka umupo sa upuan doon.

Tinawag kami ni Allen,kaklase namin nila Ender na tulungan daw namin siya sa paglalagay ng net kaya pinuntahan namin siya't tumulong.Kami rin naman ang gagamit ng mga 'to.Minsan ay sinusulyapan ko sila Cody at Amereigh na nag-uusap.

Nang mailagay na namin ang lahat ng apat na net ay siya ring pagbalik ni Amereigh at Cody sa pwesto nila kanina pero umalis din sila Amereigh kasama si Caily.

Kami muna ni Cody ang naglaro habang hinihintay ni Ender iyong ka-double niya.Naka-upo siya doon sa tabi ni Vincen.

Hindi ko alam kung saan pumunta sila Amereigh.

AMEREIGH

Pagkatapos naming mag-usap ni Cody ay inaya ko si Caily na magpalit dahil nakapalda pa pala kami.

Pumunta kami sa classroom at doon nagpalit,buti na lang hindi nagtanong si Caily tungkol doon sa pinag-usapan namin ni Cody.Tungkol 'yon doon sa kasal.

...

Pagka-upo namin ni Cody ay agad siyang nagsalita.

"Kailan iyong engagement party niyo ni Vincen?"tanong niya na ikinagulat ko.

Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"Pa-Paano mong nalaman 'yon?"kinakabahan kong tanong.Bakit ba ako kinakabahan?

"Tuwing umaga laging nagbabasa ng dyaryo si daddy.Kanina may nabasa siyang article na Cuevas daw ang apelido ng binasa niyang article at Franco ang apelido pa nung isa."sagot niya sa tanong ko.

Natahimik ako dahil doon.Muli naman siyang nagsalita.

"Si Vincen agad ang pumasok sa isip ko na Cuevas at sa Franco ay ikaw.Kaya siguro noong biyernes ay sinama ka niya ay dahil doon."sagot pa niya habang nakatingala sa mga punong nagbibigay sa amin ng silong dito.

Napabuntong-hininga ako dahil doon.Walang magagawa ang pagtanggi.

"Tama ka,pero hindi ko naman hahayaan na matuloy 'yon."sagot ko sa kaniya kaya sa akin naman siya tumingin."Tsaka bakit mo siya pinatamaan ng shuttlecock kanina?"tanong ko sa kaniya saka tiningnan iyong mga nag-aayos ng mga net.Sila Anniro.

"Dahil siguro sa galit."sagot niya.

Nagtaka naman ako dahil doon.Nagagalit ba siya dahil doon sa nasa dyaryong tungkol sa amin ni Vincen?

...

Alam ko na may pagtingin si Cody sa akin,hindi naman ako manhid dahil nakikita ko iyon sa bawat mga ginagawa niya sa akin.At tungkol doon sa kasal,sasabihin ko rin iyon kay Caily,pero siguro hindi pa ngayon.

Bumalik na kami ni Caily pagkatapos kong hintayin siyang magpalit.

Pagbalik namin ay naglalaro pa rin si Anniro at Cody pati yung iba sa tatlo pang net na nakalagay dito.

Pinapanood lang namin silang maglaro,sa kabilang net na katabi ng kanila ay si Ender at yung ka-double niya laban sa girls double naman.

Hindi nagtagal ay tumigil na sila Anniro sa paglalaro saka lumapit sa pwesto namin,merong mga estudyante ang mga lumapit sa kanila at may kaniya-kaniya pang mga hawak na mineral bottle at saka sila nag-uunahan na iabot iyon kay Anniro at Cody.

Tumayo kami ni Caily doon dahil nagkakagulo sila.Pumwesto na kami sa pinaggamitan na net nila Anniro para maglaro.

Grade 7 palang ay magkaibigan na kami ni Caily at mula rin noon ay sumasali na kami sa badminton tuwing intramurals.Hindi pa kami nakaabot ni Caily sa mga naabot nila Anniro.

Madalas din akong nadadapa tuwing may practice at laban na dahil may pagka-lampa ako.Sana lang ay hindi ako madapa sa dalawang araw na practice namin ngayon pati na sa laban.

Nagsimula na kaming maglaro ni Caily,naging maganda at maayos ang laro namin...

Pero nang hinabol ko ang shuttlecock ng paatras dahil hindi ko iyon matatamaan kung hindi ako aatras ay siya naman na pagkatakid ko sa batong hindi ko napansin dahil paatras ang naging paghabol ko.

Dire-diretso akong napa-upo sa lupa.Naramdaman ko din ang sakit ng paa ko dahil sa pagkakatama.Masakit din ang pang-upo ko dahil sa pagtama sa lupa na mabato.

Agad na lumapit sa akin si Caily na may nag-aalalang tingin.Pati si Anniro,Cody,Ender at Vincen ay nagulat dahil doon saka nagsitayuan para lumapit sa akin.

Nagulat pati ang ilang mga estudyante doon na nakakita.

"Ayos ka lang?May masakit sayo?"nag-aalalang tanong ni Cody.

"Dadalhin kita sa hospital,let's go."sabi naman ni Vincen.Hospital agad?Ang OA nito.

"Kaya mo bang tumayo?Makakalakad ka ba?Tatawag na ba kami ng ambulansya?"si Anniro naman ang nagsalita.

Oh!There are three over acting prince charmings here.

Puro pagtatanong ang ginawa,hindi man lang ako tulungan tumayo.

Tiningnan ko si Caily na nakangiti sa akin.Tinulungan akong tumayo ni Caily pero pagbagsak nanaman sa lupa ang nangyari.Ang sakit ng kanang paa ko.Ito iyong tumama sa bato.

Lumapit sa akin si Cody saka ako bubuhatin sana pero noong itataas na niya ako ay mukhang nahihirapan siyang buhatin ako.Hindi naman ako mabigat ah?Payat lang siguro talaga siya.

Nakita kong pinatabi siya ni Anniro saka siyang bumuhat sa akin,bridal style ang pagbubuhat niya at mukhang hindi siya nahihirapan dahil mas malaki naman ang katawan nito kaysa kay Cody.Nakayapos din ang mga kamay ko sa leeg ni Anniro dahil baka mahulog pa ako ng hindi oras.

Sa tingin ko ay patungo kami sa Clinic.Nakasunod sila sa amin papunta doon.

Naalala ko tuloy iyong noong nahulog ako sa upuan.Namula ang mga pisngi ko dahil sa isipin na 'yon pati na rin sa kaganapan ngayon.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante dahil akalain nga naman nila na ang pinapangarap nilang Anniro ay may kalong na babae dahil sa kalampahan.

Hindi ko alam pero bigla ay binanggit ko ang salita na dapat ay ako talaga ang dapat magsabi.Ang "Sorry."

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon