Chapter 22

443 32 0
                                    

CHAPTER 22: PAGMAMAHAL

ANNIRO

Hindi ako makapaniwala na nagawa kong umamin ng totoo kong nararamdaman kay Amereigh.

Biglaan man ay talagang hindi ko na kinakaya ang pagkirot ng puso ko sa tuwing nakikitang kasama niya si Vincen at tuwing hinahalikan siya ni Vincen tulad ng ginawa niya kanina.

Hindi alam nila Ender at lalo na si Cody ang nararamdaman kong ito.Ang magiging reaksyon lang ni Cody ang iniisip ko kapag nalaman niya ito.

Hindi ako makatulog,nandito ako ngayon sa kotse ko na nasa parking lot.Dito na lang ako matutulog,hindi ko na rin magagawa iyong kagabi.Iyong pagtabi ko kay Amereigh.

...

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok na nanggagaling sa bintana ng kotse.

Si Ender at Cody.

"Labas na diyan!"sigaw ni Ender mula sa labas kaya inayos ko na ang sarili ko saka lumabas ng kotse.

Uuwi na pala kami mamayang hapon dahil tapos na ang camping.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang magkasamang naglalakad na sina Amereigh at Vincen,papaalis na sila.

"Tara na,baka magsimula na yung mga last activities."aya sa amin ni Cody kaya nagmadali na kami sa paglalakad.

...

"Napagod ka ba?"tanong sa akin ni Lauren,papauwi na kami,ihahatid ko siya sa kanila saka ako babalik para umuwi sa inuupahan namin ni Amereigh.Tapos na kasi iyong program at halos kaming lahat ay kasali sa mga nakakapagod na mga activity.

"Oo,"maikli kong sagot dahil sa sakit na rin ng katawan at pagod.

"Malapit na rin tayo,doon ka nalang sa bahay ninyo matulog para hindi ka na mapagod sa pagdi-drive pabalik."sabi niya sa akin.Nilingon ko lang siya saka ngumiti't umiling.

Pagkarating namin ay agad na bumaba si Lauren saka nagpaalam sa akin.Nagpaalam ba rin ako saka na nag-drive pauwi.

Ipinarada ko itong kotse ko sa garahe dito sa inuupahan namin saka na pumunta sa kwarto namin.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Amereigh na nakahiga at nagsi-cellphone.

Tiningnan niya ako ng may gulat sa mukha saka umiwas ng tingin.Naiilang siya.Binalik niya ang tingin sa cellphone.

Nagbihis lang ako saka na nahiga't binuksan ang cellphone ko.Pagbukas ko sa mga messages ay pangalan agad ni Ender at Cody ang lumitaw.Meron silang sinend na picture?

Una kong ini-open ang message ni Ender.Nakita ko ang text niya na..

Ender:

Take a look at this.

Then the next message is the photo.

Nagulat ako ng nabasa ang nakasulat doon.

It's an announcement.

About...my marriage... and Lauren.

Ipinost ito ng mismong Social Media page ng company namin.Agad kong pinuntahan iyong page saka nakita na naka-post nga iyon.

Bumalik ako sa mga messages at ang kay Cody naman ang binuksan.

Cody:

Totoo 'to?

Sunod na mensahe rin ay ang litrato.

Ang nag-post naman nito ay ang Company page ng mga Paredes,kanila Lauren.

Binisita ko rin ang page at nakita rin na ipinost nila iyon.

Marami ang mga nagulat at mga nag-comment.

To Cody:

I don't know.Kakakita ko lang at wala akong alam diyan.I'll ask my dad about that later.

Reply ko sa message ni Cody.

Hindi ko na ni-replyan si Ender at agad ng tinawagan si Daddy.

Hindi naman nagtanggal ang pagri-ring at agad niya ring sinagot.

"Hello?Anniro,bakit ka napatawag?"sabi niya pagkasagot sa tawag.

"Ano 'yong naka-post dad?!Ni wala man po tayong pinag-uusapan pero bakit may ganon?"tanong ko dito.

"Umuwi ka bukas para makapag-usap-usap tayo."sabi niya kaya wala akong nagawa noong patayin niya ang tawag.

"Ikakasal ka kay Lauren."nagulat ako ng marinig ko si Amereigh.Liningon ko siya saka ko nakita na naka-upo na siya sa kama niya.Buti nalang naka-lihis iyong kurtina.

"H-Hindi ko alam,b-biglaan."sagot ko sa kaniya.

"Congrats!"sabi niya saka matipid na ngumiti.

AMEREIGH

Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa kama pagkatapos kong magbihis galing sa school.

Nakakapagod lahat ng ipinagawa nila sa amin.

Kinuha ko ang cellphone ko saka agad na pumunta sa Facebook.Pagbukas ko pa lang ay puro shared post na patungkol sa isang announcement agad ang bumungad sa akin.Halos lahat ng mga friends ko dito na schoolmate ko ay iyon ang ishinare.

Binasa ko iyong announcement.Pagktapos kong basahin iyon,bigla na lang nag-init ang gilid ng mga mata ko.Para ring nagbara ang lalamunan ko.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong maiyak.Siguro dahil sa nalaman kong ito?Nalulungkot ba ako dahil ikakasal sila?Bakit naman ako malulungkot?

Gusto ko ba si Anniro?

Inalis ko ang isipin na iyon dahil imposible naman 'yon.Bakit ko siya magugustuhan?

Bumukas ang pinto at gulat ang naramdaman ko ng makita si Anniro.

Agad kong ibinalik ang tingin ko sa cellphone.

Narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng CR,lumabas mula doon si Anniro.

Naging tahimik lang kami magmula kanina ng marinig ko na may kausap siya sa phone niya.Daddy niya,may "dad" ang sabi e.

Umupo ako mula sa pagkakahiga ko,saka humarap kay Anniro.

"Ikakasal ka kay Lauren."sabi ko sa kaniya pagkatapos niyang patayin ang tawag.

"H-Hindi ko alam,b-biglaan."sagot niya sa akin.Mukha nga siyang walang alam.

"Congrats!"sabi ko sa kaniya saka matipid na ngumiti.Hindi ko alam kung bakit at paano ko nasasabi ang mga 'to habang parang may nakabara sa lalamunan ko.

"Hindi ako masaya.Una,hindi nila sinabi sa akin at hindi man lang hiningi ang opinyon ko."sabi niya habang diretsong nakatingin sa akin.Umiwas ako.

"Pangalawa,kung matuloy man,na sana ay hindi.Matatali ako sa taong hindi ko naman gustong kasamang maitali."sabi niya pa saka bumuntong hininga.

"Parehas tayo."sagot ko saka siya tiningnan."Hindi ako kailanman magiging masaya kasama ang taong hindi ko mahal."sabi ko pa.

Parehas kami ng pinagdadaanan.Desisyon ng mga magulang,hindi hiningi ang opinyon namin.

"Hindi mo ba gusto si Lauren?"tanong ko sa kaniya.

"Hindi,ikaw ang gusto ko,Amereigh."sabi niya kaya napaiwas nanaman ako."Hindi ko alam pero parang mas lumalalim pa ito sa bawat araw na dumadaan."sabi niya,hindi ko alam pero bigla ay bumilis ang tibok ng puso ko at naging mainit ang buong mukha.

"Hindi na pagkakagusto ang nararamdaman ko...pagmamahal na,Amereigh.Kaya sana,h'wag mo akong iwasan at h'wag kang mailang."sabi niya na talaga ikinapula at ikinabilis pa sobra ng pagtibok ng puso ko.

My Roommate Is A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon