Tinta sa likod ng pluma
Ang karimlang bumababalot sa kaibuturan,
ay isang misteryong nais malaman,
kung kaya't babaybayin ang dalampasigan sa dakong kanluran—
upang pumaroon sa tagong katotohanan.
sumagwan nang sumagwan, sa wakas ay nakarating na rin sa dulo!
nadatnan ang isang plumang may lingid na kwento.Roon ay natanaw kong,
nilililok ang bawat letra,
hinahabi ang bawat salita,
tila inaakit ang balintataw na basahin ang katha.
pakinggan ang tunog ng silabika,
at nawa'y unawain ang talinghaga sa pluma.Sa pagkilatis— mensahe'y nakita
ngayo'y batid ko nang sa bawat metapora,
nakakubli ang lihim na pagsinta.
huwad ang yaong ipinapakita,
'pagkat sa bawat kurba niring titik ay
siyang paglapat ng sibol ng pag-ibig
na sa likod ng tintang nakapaloob sa pluma,
gumuguhit sa papel ang 'di maintindihang nadarama."at kung sakali mang iyong mabasa ang tila obra maestrang ipintang alay sa iyo, nawa'y matanto mo na ang kalatas nito'y nakakubling pagtibok ng pusong nawalan ng tinig upang isigaw ang pag-ibig nadarama."
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer