Daing ng Sansinukob
Sa tulang ito, nais ko lang malaman mo ang dinaraing ko
Simula't sapul, ako na ang pinana ni kupido
Kaya pala minamahal kita nang higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko
Hinding-hindi ako magsisinungaling ukol diyan kahit tingnan mo pa sa mga mata ko
At saksi ang mga tala sa katotohanang ito
Gayon pa man,
Hindi ko pa rin maitatanggi na alam kong mahal mo siya
Na kahit tinamaan ako dito sa kanang banda,
Kung siya ang hanap mo, ako ang talo
Kahit aralin ko pa ang dalubtalaan,
Kung hindi ko rin ma-aabot ang bituin na aking hinahangaan,
Wala rin
Ayoko nang tumalima muli sa aking puso
Gusto ko namang paganahin itong isipan ko,
Ngunit paano?
Mukhang hindi na nga yata magkakaroon ng kawas itong nararamdaman ko para sa iyo,
Dahil kahit anong gawin ko, ikaw parin ang laman ng puso ko
Ito na nga siguro ang tinatawag nilang kabalintunaan ng pag-ibig,
Malayang nagmamahal
Subalit nakatali sa tanikala ng pag-irog 'pagkat ang damdamin ko'y ikinukubli na para bang sinasakal.
BINABASA MO ANG
Metapora sa Pluma
PoetryKalipunan ng mga tulang hinabi gamit ang tinta ng pluma. Metapora sa Pluma @BleedingWanderer